Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Ang hangin ay ang pinakamahalagang yaman - ang ating mga buhay ay nakasalalay dito. Ito ay binubuo ng 78 porsiyentong nitrogen, 21 porsiyentong oksiheno, at mas mababa kaysa isang porsiyentong gas na tulad ng argon at carbon dioxide. Sa kasamaang-palad, ito ay maaari ring magtaglay ng mga bagay na hindi malusog para langhapin natin.

Katayuan ng Kalidad ng Hangin

Kasalukuyang Kalidad ng Hangin

Kumuha ng kasalukuyan at nakaraang impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin at panahon para sa Bay Area.

Mga Hula sa Kalidad ng Hangin

Kumuha ng mga hula sa kalidad ng hangin araw-araw sa Bay Area.

Mapa ng Katayuan sa Bukas na Pagsunog

Tingnan ang isang mapa na nagpapakita kung saan ang bukas na pagsunog para sa pang-agrikultura, pamamahala ng lupa, at ibang mga legal na layunin ay ipinahihintulot bawat araw sa the Bay Area.

Mga Insidente at Pagpapayo

Alamin ang tungkol sa mga insidente at pagpapayo tungkol sa kalidad ng hangin sa Bay Area.

Mga Pinanggagalingan ng Pagpaparumi sa Hangin

Sa Bay Area, ang isang partikular na dami ng pagpaparumi sa hangin ay mula sa mga pinanggagalingang pang-industriya, tulad ng mga dalisayan at mga planta ng kuryente. Pero ang isang malaking porsiyento ng nakakapinsalang mga emisyon ng hangin ay mula sa mga kotse at mga trak, kagamitan sa konstruksiyon, at ibang mga sasakyang de-motor. Sa panahon ng taglamig, ang pinakamalaking nag-iisang pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin ay pagsunog ng kahoy sa tirahan.

Iligtas ang Hangin

Alamin ang Programang Iligtas ang Hangin, paano nakakaapekto ang mga panahon sa kalidad ng hangin, at paano malalaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin ay pinaiiral.

Pagpaparumi ng Usok ng Kahoy

Alamin kung paano binabawasan ng Distrito ng Hangin ang pagpaparumi ng usok ng kahoy sa Bay Area sa pamamagitan ng mga Alerto na Iligtas ang Hangin at mga kabawalan sa pagsunog ng kahoy, at alamin kung paano kayo makakatulong sa bahay.

Mga Uri ng Pagpaparumi sa Hangin

Upang protektahan ang pampublikong kalusugan, ang U.S. EPA at ang estado ng California ay lumikha ng mga pamantayan sa kalidad ng hangin para sa mga pamparumi na karaniwang matatagpuan sa hangin na nilalanghap natin.

Sa Bay Area, ang mga karaniwang pamparumi na unang-unang inaalala ay ozone at pinong particulate na bagay. Ang ozone ay ang pangunahing sangkap ng ulap-usok sa tag-init, at pinong particulate na bagay - na binubuo ng iba't ibang napakaliit na mga partikulong nasa hangin, o mga halo ng mga solidong partikulo at likidong maliliit na patak - na problema pangunahin sa panahon ng taglamig.

Ang estado ng California ay tumukoy din ng isang kategorya ng pamparumi sa hangin na tinatawag na nakalalasong nagkokontamina sa hangin. Ang mga ito ay pangkaraniwang matatagpuan sa maliliit na bilang sa hangin, pero labis na mapanganib sa kalusugan ng tao. Sa Bay Area, ang nakalalasong nagkokontamina sa hangin na unang-unang inaalala ay inilalabas mula sa mga makinang diesel.

Upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga ito at ibang mga pamparumi sa Bay Area maaari ninyong gamitin ang Glosaryo ng Pamparumi.

Mga Buod na Ulat ng Kalidad ng Hangin

Tingnan ang mga taunang ulat na nagsasabuod ng mga datos sa kalidad ng hangin na tinitipon mula sa mga network ng pagsubaybay sa kalidad ng hangin sa Bay Area.

Pagsubaybay sa Kalidad ng Hangin

Alamin ang tungkol sa programang pagsubaybay sa hangin ng Distrito ng Hangin at ang mga aktibidad nito, kabilang ang network ng pagsubaybay sa hangin, ang laboratoryo, at pagsusuri sa pinanggagalingan ng pamparumi.

Mga gas ng Greenhouse

Mayroon pang isang mahalagang kategorya ng mga bagay na inilalabas sa hangin na tinatawag na mga gas ng greenhouse (GHG). Marami sa mga ito ay hindi nakakapinsala kapag nalanghap, pero nagiging dahilan upang panatilihin ng atmospera ang init sa prosesong tinatawag na pagbabago ng klima. Ang pinakakaraniwang mga gas ng greenhous ay carbon dioxide at methane.

Alamin kung paano ang programang Proteksiyon ng Klima ng Distrito ng Hangin ay nagtatrabaho upang bawasan ang mga emisyon ng GHG.


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

docked-alert-title

Last Updated: 12/12/2016