Mag-aplay para sa Permiso

Alamin ang tungkol sa mga iniaatas sa pagbibigay ng permiso sa kalidad ng hangin at mag-aplay para sa permiso.

Mga Iniaatas sa Permiso

Tulad ng mga permiso sa pagtatayo, ang mga permiso sa kalidad ng hangin ay iniaatas ng batas bilang bahagi ng pagnenegosyo sa Bay Area. Ang mga permiso sa kalidad ng hangin ay kailangan para sa:

  • Anumang kagamitan na maaaring magdulot ng pagpaparumi sa hangin.
  • Pagbabago sa kasalukuyang ipinahihintulot na kagamitan o sa mga kondisyon ng permiso sa mga ito.
  • Ipinahihintulot na kagamitan na inililipat sa isang bagong lokasyon.
  • Paglipat ng ipinahihintulot na kagamitan sa mga bagong may-ari
  • Instalasyon ng kagamitang ginagamit upang kontrolin ang mga emisyon.
  • Ang Distrito ng Hangin ay magsusuri ng disenyo ng kagamitan at magsisiyasat ng nakainstalang kagamitan upang matiyak na ang lahat ng regulasyon ay natutugunan. May dalawang uri ng mga permiso na iniaatas para sa bawat proyekto:
    1. Awtoridad na Magtayo - iniisyu bago ang konstruksiyon at pagkatapos masuri ng mga inhinyero ng Distrito ng Hangin ang iyong proyekto upang matiyak na ito ay susunod sa mga batas sa kalidad ng hangin.
    2. Permiso Upang Magpatakbo - iniisyu pagkatapos maitayo ang proyekto at kinumpirma ng mga inhinyero ng Distrito ng Hangin na ito ay sumusunod sa mga batas sa kalidad ng hangin. Dapat ihingi ng panibagong bisa taun-taon.
    3. Sertipiko ng Pagkalibre - iniisyu, kapag hiniling, kung ang uri ng kagamitan o aktibidad ay hindi nangangailangan ng permiso o pagpaparehistro ng Distrito ng Hangin. Ang mga di-saklaw na kagamitan ay dapat pa ring sumunod sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin.

Ang ilang pasilidad ay karapat-dapat na magparehistro ng kanilang kagamitan sa halip na mag-aplay para sa isang Awtoridad na Magtayo at Permiso Upang Magpatakbo. Ang mga pasilidad na nagpapatakbo ng kagamitan nang walang Permiso Upang Magpatakbo o Sertipiko ng Pagpaparehistro ay napapailalim sa aksiyong pambatas.

Paano Dapat Mag-aplay

Ang mga karapat-dapat na talyer ng kaha ng awto, mga pasilidad ng tuyong paglilinis at mga istasyon ng gas ay maaaring gumamit ng bagong online na sistema ng pagbibigay ng permiso ng Distrito ng Hangin. Upang malaman kung ikaw ay karapat-dapat, kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa Online na Sistema ng Pagbibigay ng Permiso.

Upang mag-aplay para sa permiso

  1. Kumpletuhin at isumite ang angkop na mga porma ng aplikasyon.
  2. Ibigay ang anumang impormasyong hiniling, tulad ng paglalarawan at ispesipikasyon ng kagamitan, materyal na ginagamit, mga emisyon, at mga detalye ng pagpapatakbo.
  3. Ipakoreo ang mga porma na may kasamang pagbabayad ng kahit ng fee sa paghaharap.

Kontakin ang Dibisyon ng Inhinyeriya para sa karagdagang impormasyon.

Asbestos
Asbestos

415 749-4762 asbestosjobs@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon sa Inhinyeriya

415.749.4990 permits@baaqmd.gov

Pagsunod at Pagpapatupad
Underground Tanks

415 749.4999

docked-alert-title

Last Updated: 11/14/2024