Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Imbentaryo ng Nakabase-sa-Pagkonsumo na mga Emisyon ng GHG

Alamin ang tungkol sa Nakabase-sa-Pagkonsumo na Imbentaryo ng mga Emisyon ng Gas ng Greenhouse.

Ang Distrito ng Hangin ay nakipagtulungan sa Cool Climate Network sa UC Berkeley upang bumulo ng isang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ng mga emisyon ng gas ng greenhouse para sa San Francisco Bay Area, batay sa anim na gas ng greenhouse na tinukoy sa Kyoto Protocol: CO2, methane, N2O, hydrofluorocarbons, perfluorocarbons, at sulfur hexafluoride. Ang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ay nagtatantiya ng dami ng gas ng greenhouse na inilalaas sa paggawa ng mga paninda at serbisyo mula sa lahat ng dako ng mundo na kinokonsumo ng mga residente ng Bay Area. 

Ang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ay nilalayong suplementuhan at suportahan ang nakabase-sa-paggawa na imbentaryo ng mga gas ng greenhouse ng Distrito ng Hangin sa loob ng heograpikong mga hangganan ng Distrito ng Hangin.

Ang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ay batay sa isang buong-inog ng pagsusuri ng mga emisyon na nalilikha ng produksiyon, paghahatid, paggamit, at pagtatapon ng bawat produktong nakonsumo sa Bay Area, saanman inilabas sa atmospera ang mga emisyon ng GHG. Ang imbentaryo ay tumatantiya ng mga emisyon para sa ilang daang kategorya ng mga produkto sa loob ng limang basikong lugar ng transportasyon, pabahay, pagkain, paninda, at serbisyo.

Dahil ang ating modernong ekonomiya ay lubos na magkakaugnay at pandaigdig ang laki, ang isang malaking bahagi ng mga paninda at serbisyong kinokonsumo ng mga residente ng Bay area ay ginagawa sa ibang mga estado o bansa. Ang isang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ay espesyal na may kaugnayan para sa layunin na suriin ang footprint ng GHG ng mga tao sa mayayamang rehiyon, tulad ng San Francisco Bay Area, kung saan ang mataas na antas ng kita na tinatamasa ng maraming sambahayan ay humahantong sa mas mataas na pagkonsumo ng mga paninda at serbisyo, gayon din ng higit na paggasta sa mga aktibidad na paglilibang tulad ng paglalakbay na bakasyon.

Kasama nito, ang tradisyunal na imbentaryo ng GHG ng Distrito ng Hangin at nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ay nagkakaloob ng mas kumpletong pagsusuri ng kung paano nag-aambag ang rehiyon sa pagbabago sa pandaigdig na klima.

Ang imbentaryo ng nakabase-sa-pagkonsumo na mga emisyon ay gagamitin upang:

  • makatulong na magbigay ng kaalaman sa pagbuo ng Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klimang Distrito ng Hangin
  • tukuyin ang posibleng mga patakaran o hakbang sa pagbawas ng emisyon ng GHG
  • tumulong sa mga pagsisikap sa pagpaplano ng klima ng mga lungsod at county sa Bay Area
  • tumulong na turuan ang mga residente ng Bay Area tungkol sa laki at bumubuo ng kanilang footprint ng GHG at kung paano sila makakagawa ng aksiyon upang bawasan ang kanilang mga emisyon ng GHG

Karagdagang impormasyon

Buod ng Pamamaraan at mga Pangunahing Napag-alaman ng CBEI

PowerPoint presentation ng Komite sa Proteksiyon ng Klima noong ika-19 ng Nobyembre, 2015

Pangwakas na Ulat mula sa UC Berkeley Cool Climate Network

UC Berkeley Cool Climate website para sa mga emisyon para sa bawat lungsod at county

docked-alert-title

Last Updated: 8/3/2023