|
|
Alamin ang tungkol sa mga napag-alaman mula sa imbentaryo ng mga emisyon ng Distrito ng Hangin ng mga pamantayan sa mga nagpaparumi sa hangin.
Upang protektahan ang pampublikong kalusugan at ang kapaligiran, ang Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. ay nagtatag ng pambansang pamantayan para sa anim na karaniwang nagpaparumi sa hangin, kilala bilang mga pamantayang nagpaparumi:
Ang Distrito ng Hangin ay naghahanda ng mga imbentaryo ng mga emisyon nitong mga pamantayang nagpaparumi (maliban sa mga emisyon ng tingga, na kabilang sa proseso ng pag-uulat ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin).
Ang pinakahuling imbentaryo ng mga emisyon ng mga pamantayang nagpaparumi ay makukuha sa Buod ng Ulat ng Imbentaryo ng mga Emisyon sa Bay Area para sa Pamantayan sa mga Nagpaparumi sa Hangin: Batayang Taon 2011 (PDF). Ang ulat ay nagsasabuod ng mga antas ng mga emisyon at takbo mula sa lahat ng kategorya ng malaking pinanggagalingan, kabilang ang nakapirmi at gumagalaw na mga pinanggagalingan. Ang mga tantiya ng emisyon ay kabilang para sa taon 2011, kasama ang mga proyekto sa emisyon sa nakaraan at hinaharap na taon para sa 1990 hanggang 2030.
Ang mga karagdagang sumusuportang dokumento at datos para sa batayang taon na 2011 ay makukuha rin.
May mahahalagang pagbawas sa mga emisyon ng pamantayang nagpaparumi mula sa nakapirmi at gumagalaw na mga pinanggagalingan sa nakaraang ilang dekada. Ang pababang takbong ito ay resulta ng mga hakbang sa pagkontrol ng pamantayang nagpaparumi na nagtamo ng mga pagpapabuti sa kalidad ng hangin sa kabila ng panrehiyong paglaki sa lokal na ekonomiya, populasyon, at trapiko.
Sa pagitan ng 1990 at 2011, ang ekonomiya ng Bay Area (kabuuang panrehiyong produkto, asul na linya) ay lumaki ng mga 77%, ang populasyon ay tumaas ng 23% (kulay-dalandan na linya), at ang kabuuang bilang mga milyang nalakbay ay tumaas ng 30% (berdeng linya). Gayunman, ang mga emisyon ng pamantayang nagpaparumi at mga konsentrasyon ay bumaba ng mga 60% (kulay-ube at pulang mga linya) sa kaparehong panahon.
Assessment, Inventory, and Modeling Division
Last Updated: 8/21/2023