Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Ekspertong Panel ng Pagsubaybay

Alamin ang tungkol sa Ekspertong Panel ng Pagsubaybay, binuo upang irekomenda ang mga teknolohiya, paraan, at kasangkapan upang mapabuti ang mga kakayahan sa pagsubaybay sa malapit sa mga dalisayan.

Sunog sa Dalisayan ng Chevron

Noong ika-6 ng Agosto, 2012, ang isang malaking sunog ay nangyari sa dalisayan ng Chevron sa Richmond, California, nagresulta sa isang babala sa komunidad, utos na limang-oras na magkanlong sa lugar, at paggamot na medikal sa libu-libong residente. Ang insidenteng ito ay nagtulak sa Distrito ng Hangin na tukuyin ang iba't ibang aksiyon upang pahusayin ang tugon ng Distrito ng Hangin sa mga katulad na insidente (PDF). Ang isang naturang aksiyon ay bumuo ng isang panel ng mga eksperto sa pagsubaybay sa hangin upang irekomenda ang mga teknolohiya, paraan, at kasangkapan upang mapabuti ang mga kakayahan sa pagsubaybay sa hangin ng komunidad na malapit sa mga dalisayan.

Ulat sa Kasalukuyang Kakayahan sa Pagsubaybay

Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, kinontrata ng Distrito ng Hangin ang Desert Research Institute upang gumawa ng isang ulat na nagtataya ng mga kasalukuyang kakayahan sa pagsubaybay sa hangin na malapit sa mga dalisayan (PDF). Ang ulat na ito ay idinisenyo upang magkaloob ng ekspertong panel na may punto ng pagsisimula para sa talakayan.

Ekspertong Panel sa Pagsubaybay sa Kalidad ng Hangin

Ang Distrito ng Hangin ay nagpunong-abala sa isang araw na talakayan ng panel noong ika-11 ng Hulyo, 2013, upang tasahin ang mga pinakabagong teknolohiya at takbo sa pagsubaybay sa kalidad ng hangin. Ang mga ekspertong panelista ay tumalakay sa kung paano ang mga bagong pagharap ay magagamit upang pinuhin ang mga pagsukat at mas mahusay na mabigyan ng kaalaman ang mga komunidad na malapit sa mga lugar na pang-industriya tungkol sa mga kalagayan ng lokal na kalidad ng hangin. Ang sumusunod na impormasyon mula sa talakayan ng panel ay makukuha online:

Mga panelista

Ang maiikling talambuhay para sa ekspertong panelista sa pagsubaybay ng hangin ay makukuha sa ibaba:

George Allen

Si Mr. Allen ay isang Nakatataas na Siyentista sa Northeast States for Coordinated Air Use Management, isang inter-ahensiya na kapisanan ng walong estado sa timog-silangang bahagi. Sa NESCAUM, si Mr. Allen ay responsable para sa pagsubaybay at paghahantad ng mga aktibidad na pagtasa sa maraming paksa sa kalidad ng hangin, kabilang ang panrehiyong haze, mga nakalalason sa hangin, on-road at off-road diesel, malapit sa daan, usok ng kahoy, at mga teknolohiya sa patuloy na pagsukat ng aerosol. Siya ang awtor o ka-awtor ng higit sa 40 sinuri ng kapantay na mga papel ng pamamahayag sa pagbuo at pagtaya ng mga paraan ng pagsukat, pagtasa ng pagkahantad, at mga epekto sa kalusugan ng pagpaparumi sa hangin. Bago sumapi sa NESCAUM noong 2002, si Mr. Allen ay isang propesyonal na tauhan ng Harvard School of Public Health sa Boston nang higit sa 20 taon, kung saan siya nagtrabaho sa maraming pag-aaral na pinondohan ng EPA at NIH. Habang nasa HSPH, siya ay bumuo ng ilang nakapatenteng paraan para sa tunay-na-oras na mga pagsukat ng aerosol. Si Mr. Allen ay naglilingkod bilang puno ng mga tauhan para sa Komite sa Pagsubaybay at Pagtasa ng NESCAUM. Siya ay kumakatawan sa mga interes ng estado ng EPA bilang isang miyembro ng National Association of Clean Air Agencies Monitoring Steering Committee at ng naka-charter na EPA Clean Air Science Advisory Committee. Natanggap niya ang kanyang B.S. Inhinyeriyang Elektrikal mula sa Tufts University.

Michael Benjamin, Ph.D.

Bilang Puno ng California Dibisyon sa Pagsubaybay at Laboratoryo ng Lupon ng mga Tagatulong ng Hangin ng California, si Dr. Benjamin ay nangangasiwa ng humigit-kumulang na 170 siyentista, inhinyero, at mga tekniko sa larangan na nagpapatakbo ng pambuong-estadong network ng pagsubaybay sa kalidad ng nakapaligid na hangin, nagkakaloob ng mga kapasidad sa pagsubaybay sa hangin pagkatapos ng pang-emerhensiyang paglabas na kaugnay ng hangin, nagsasagawa ng mga kemikal na pagsusuri ng nakapaligid na singawan ng sasakyan, nagsesertipika ng kagamitan sa pagbawi ng singaw, at bumubuo ng mga regulasyon upang bawasan ang mga emisyon sa singawan mula sa sistema ng pamamahagi ng gasolina at labas-ng-haywey na kagamitang pinatatakbo ng gasolina. Si Dr. Benjamin ay naglingkod sa iba't ibang mga posisyon bilang tauhan at tagapamahala na bumubuo ng mga imbentaryo ng mga emisyon bilang suporta sa mga regulasyon at pagpaplano ng kalidad ng hangin, at mas huli ay sa pangangasiwa ng pagsusuring pangkabuhayan ng Lupon ng mga Tagatulong ng Hangin at ekstramural na mga programang pananaliksik. Bago ang pagsisimula ng kanyang karera sa Lupon ng mga Tagatulong Hangin, si Dr. Benjamin ay nagtrabaho nang limang taon na sa pagsasagawa ng pananaliksik sa Lamont-Doherty Earth Observatory ng Columbia University. Natanggap ni Dr. Benjamin ang kanyang Ph.D. sa Agham na Pangkapaligiran at Inhinyeriya mula sa University of California, Los Angeles, M.S. sa mga Agham ng Mundo mula sa Dartmouth College, at B.S. sa Heologhiya mula sa Beloit College.

Philip Fine, Ph.D.

Si Dr. Fine ay ang Katulong na Kinatawang Tagapagpaganap na Opisyal para sa Pagsulong ng Agham at Teknolohiya Distrito ng Pamamahala ng Kalidad ng Hangin sa South Coast. Si Dr. Fine ay nangangasiwa ng network sa nakapaligid ng SCAQMD sa higit sa 35 istasyon ng pagsubaybay sa hangin, at napakaraming espesyal na proyekto sa pagsubaybay sa hangin na nagpopokus sa mga nakalalason sa hangin at sa mga lokal na epekto ng pagpaparumi sa hangin. Ang kanyang mga naunang responsibilidad sa SCAQMD ay kasama ang pagbuo ng Plano sa Pamamahala ng Kalidad ng Hangin, mga estratehiya para sa pagkontrol ng particulate na bagay, klima at enerhiya, meteorolohiya at paghula, pagtaya ng kalidad ng hangin, pag-uulat ng mga emisyon, at pagtasa ng panganib ng nakalalason sa hangin. Si Dr. Fine ay naglilingkod bilang miyembro ng SCAQMD para sa ipinag-uutos ng Lupon ng mga Tagatulong ng Hangin na Komite sa Pagsusuri ng Pananaliksik. Bago sumapi sa SCAQMD, si Dr. Fine ay isang Katulong na Propesor sa Pananaliksik sa University of Southern California, Los Angeles, kung saan siya ay nagturo ng mga kurso at nagsagawa ng malawak na pananaliksik sa pagpaparumi ng particulate at ang epekto nito sa kalusugan, nagresulta sa higit sa 45 sinuri-ng-kapantay na mga siyentipikong publikasyon. Natanggap ni Dr. Fine ang kanyang Ph.D. mula sa California Institute of Technology sa Agham ng Inhinyeriyang Pangkapaligiran, at ang kanyang B.S. sa Inhinyeriyang Mekanikal at Agham sa mga Materyal at Inhinyeriya mula sa University of California, Berkeley.

Jay Gunkelman

Mr. Gunkelman, Quantitative Electroencephalography Diplomate, ay naglingkod bilang presidente ng The International Society for Neurofeedback and Research, isang miyembro ng lupon at ingat-yaman ng Association for Applied Psychophysiology and Biofeedback, at isang nakaraang presidente ng Biofeedback Society of California. Si Mr. Gunkelman ay ang unang EEG technologist na sintertipikahan sa QEEG (1996) at ginawaran ng katayuang Diplomate noong 2002. Siya ay kasamang nag-akda ng teksbuk sa EEG artifacting (2001) at nagsagawa, naglathala, o lumahok sa daan-daang papel ng pananaliksik, artikulo, libro, at pandaigdig na pulong. Si Mr. Gunkelman ay ka-tagapagtatag at Punong Opisyal ng Agham ng Brain Science International at isang popular na tagalektura sa mga pulong sa neuroscience sa buong mundo. Ang paglahok ni Mr. Gunkelman sa panel ng Distrito ng Hangin ay may kaugnayan sa kanyang gawain sa komunidad sa pagdidisenyo ng pinakamatandang patuloy na pinatatakbo ng remote sensing fenceline na sistema, na may pag-uulat sa komunidad sa web, sinusubaybayan ang 66 na pasilidad ng Phillips sa pagitan ng Rodeo at Crockett, California. Kabilang dito ang FTIR, UV, TDLS, and point-source na pagsubaybay, gayon din ang meteorolohikal na mga datos, lahat ay may Internet na pagsubaybay. Ang pagtiyak ng kalidad ng mga sistemang ito at mga dokumento sa pagkontrol ng kalidad, mga pamantayan ng pagiging episyente online, at mga akses sa komunidad ay may-kaugnayan sa mga interes sa panel.

Robert Harley, Ph.D.

Dr. Harley ay isang Propesor sa Kagawaran ng Inhinyeriyang Sibil at Pangkapaligiran sa University of California, Berkeley, kung saan siya ay nagtuturo mula noong 1993. Ang pananaliksik ni Dr. Harley ay nagpopokus sa kalidad ng hangin at maipagpapatuloy na transportasyon at siya ay isang awtor ng higit sa 80 papel na inilathala sa sinusuri-ng-kapantay na mga siyentipikong journal. Siya ay may Ph.D. at M.S. in Agham ng Inhinyeriyang Pangkapaligiran mula sa California Institute of Technology at isang B.S. sa Agham ng Inhinyeriya (opsyon sa Inhinyeriyang Kemikal) mula sa University of Toronto.

Thomas Kirchstetter, Ph.D.

Si Dr. Kirchstetter ay isang Tauhang Siyentista sa Dibisyon ng mga Teknolohiya sa Enerhiyang Pangkapaligiran sa Lawrence Berkeley National Laboratory at isang Adjunct Professor sa Kagawaran ng Inhinyeriyang Sibil at Pangkapaligiran sa University of California, Berkeley. Ang kanyang pananaliksik ay nagpopokus sa kalidad ng hangin at may kaugnayan sa klima na mga implikasyon ng particulate na bagay, kabilang ang mga takbo ng emisyon at pagtaya ng mga pagkontrol ng emisyon. Siya ay nag-akda o kasamang nag-akda ng higit 50 publikasyon sa mga paksang ito at naglilingkod bilang isang editor para sa Aerosol Science & Technology Journal at sa Journal of Atmospheric Chemistry and Physics. Si Dr. Kirchstetter ay may isang Ph.D. at M.S. sa Inhinyeriyang Pangkapaligiran mula sa University of California, Berkeley, at isang B.S. sa Agham ng Atmospera at Matematika mula sa State University of New York, Albany.

Denny Larson

Si Mr. Larson ay may halos 30 taon ng karanasan bilang isang tagapagtatag na pangkomunidad at tagakampanya na nagtatrabaho sa mga pang-industriyang komunidad na lumalaban para sa hustisya. Binuo niya ang unang pambansang network sa U.S. na nakapokus sa mga dalisayan ng langis at sa mga higanteng korporasyon na may-ari ng mga ito, gayon din ang pagbabago ng sistema ng pagsampol ng hangin ng komunidad ng Bucket Brigade. Siya ay tumulong sa mga komunidad sa 27 bansa at 100 partner group na magtatag ng kanilang sariling network ng pagsubaybay ng hangin. Si Mr. Larson ay nagtatag ng isang serye ng mga hanbuk sa pag-oorganisa ng komunidad at kasamang nag-akda ng iba't ibang batas na pangkapaligiran at regulasyon na nauukol sa pagpaparumi ng hangin, pagpigil sa aksidente, at mga patakaran sa pagsubaybay na pangkapaligiran sa lokal, panrehiyon, pang-estado, pambansa, at pandaigdig na antas. Siya ay negosyador ng dalawang dosenang may-bisang kasunduan sa malalaking tagapagparumi kasama ng mga naapektuhang komunidad upang bawasan ang tone-toneladang hindi kailangang pagpaparumi at lumikha ng tuwirang pagbabantay ng komunidad.

Gary Mueller

Si Mr. Mueller ay isang Pangunahing Tagapayo sa Kalidad ng Hangin sa HSE Services, Environmental Sciences Department of Shell Global Solutions (U.S.) Inc. Ang kanyang karanasan ay kabilang ang trabaho sa paggamot ng tubig at basurang tubig, paggamot ng tubig sa lupa, at, sa nakalipas na 16 taon, sa mga programang pamamahala ng kalidad ng hangin. Ang mga itinalagang trabaho sa kanya ay kabilang ang pareho ng pananaliksik na pangkapaligiran at suporta sa mga pagpapatakbong teknikal. Siya ay bumubuo at nagpapanatili ng isang listahan ng mga sanay na may mga kailangang kasangkapan at kakayahan upang tasahin at tayahin ang epekto ng mga emisyon ng hangin mula sa Shell at ibang mga pagpapatakbo ng ikatlong-partidong parokyano sa kapaligiran at upang pagaanin ang anumang naturang mga epekto. Sa kanyang karera sa Shell, si Mr. Mueller ay nag-akda o kasamang nag-akda ng higit sa 20 teknikal na papel at mga presentasyon sa iba't ibang paksang pangkapaligiran. Siya ay may isang M.S. sa Inhinyeriyang Pangkapaligiran mula sa University of Missouri-Columbia, at nagtrabaho para sa Shell sa iba't ibang mga katungkulang pangkapaligiran nang higit sa 32 taon.

Jay Turner, Ph.D.

Si Dr. Turner ay isang Katulong na Propesor ng Enerhiya, Inhinyeriyang Pangkapaligiran, at Kemikal sa Washington University sa St. Louis. Ang kanyang pananaliksik ay unang-unang nakapokus sa paglalarawan at pagkontrol sa kalidad ng hangin nang may diin sa mga pagsukat sa larangan at pagsusuri ng mga datos upang suportahan ang iba't ibang aplikasyon sa agham ng atmospera, regulasyon at patakaran, at mga arena ng mga pag-aaral na pangkalusugan. Ang kasalukuyang mga proyektong pananaliksik ay kabilang ang pagtantiya ng mga emisyon ng tingga mula sa piston engine na sasakyang panghimpapawid, mga pagsukat ng high-time resolution mga metal na lason sa hangin, at pangmatagalang pagsubaybay ng fenceline para sa maraming gas na nakakalason sa hangin at mga uri ng particulate na bagay sa isang pasilidad na pang-industriya. Si Dr. Turner ay kasalukuyang naglilingkod sa Subkomite ng Pagsubaybay at mga Paraan sa Nakapaligid ng Komite sa Siyentipikong Pagpapayo ng EPA, sa Independiyenteng Komite sa Pagpapayong Teknikal ng Programang Pananaliksik sa Kalidad ng Hangin ng Texas, at sa panal ng proyektong Health Effects Institute para sa Pambansang Inisyatibo sa Pagkalason ng mga Sangkap ng Partikulo. Si Dr. Turner ay may isang D.Sc. mula sa Washington University, at mga digring M.S. at B.S. mula sa University of California, Los Angeles, lahat ay sa Inhinyeriyang Kemikal.

Gwen Yoshimura

Si Ms. Yoshimura ay isang espesyalista sa pagsubaybay sa hangin sa Opisina ng Pagsusuri ng Kalidad ng Hangin sa EPA, Rehiyon 9, espesyalista sa pagsubaybay ng tingga at sulfur dioxide sa nakapaligid na hangin. Siya ay dating nagtrabaho sa mga isyu ng pagpaplano ng hangin, nagpopokus sa tingga at mga nakakalason sa hangin, sa opisina ng EPA sa Rehiyon 7. Si Ms. Yoshimura ay may B.S. sa Mga Sistema ng Mundo mula sa Stanford University.


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

docked-alert-title

Last Updated: 8/3/2023