Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Imbentaryo ng mga Emisyon ng Nakabase-sa-Produksiyon na Greenhouse Gas

Kunin ang pinakahuling impormasyon at napag-alaman mula sa nakabase-sa-produksiyon na imbentaryo ng Distrito ng Hangin ng mga emisyon ng gas ng greenhouse.

Maraming pamparumi sa hangin na may impluwensiya na nagpapainit sa klima. Ang Distrito ng Hangin ay naghananda ng mga imbentaryo ng mga emisyon ng mga gas ng greenhouse, o mga GHG, kilalang naag-aambag nang malaki sa pagbabago ng klima, kabilang ang:

  • Carbon Dioxide (CO2)
  • Methane
  • Nitrous oxide
  • Mga hydrofluorocarbon
  • Mga perfluorocarbon
  • Sulfur hexafluoride

Ang Distrito ng Hangin ay naghanda ng dalawang imbentaryo ng mga emisyon ng gas ng greenhouse. Ang nakabase-sa-produksiyon na imbentaryo ng mga emisyon na inilalarawan sa ibaba ay nagsusuri ng mga emisyon ng GHG na nalilikha sa loob ng Bay Area. Ang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ng mga emisyon ay nagsusuri ng mga emisyon ng GHG na may kaugnayan sa mga paninda at serbisyo na kinokonsumo sa loob ng Bay Area, saanman nalikha ang mga ito.  Magkasama, ang dalawang imbentaryo ay nagkakaloob ng isang mas kumpletong pagtatala ng epekto ng Bay Area sa pagbabago ng klima.

Imbentaryo ng mga Emisyon ng Nakabase-sa-Produksiyon na GHG

Ang pinakahuling imbentaryo ng mga emisyon ng mga pamantayang nagpaparumi ay makukuha sa Buod ng Ulat ng Imbentaryo ng mga Emisyon sa Bay Area para sa Pamantayan sa mga Gas ng Greenhouse: Batayang Taon 2011 (PDF). Ang ulat ay nagsasabuod ng mga emisyon ng GHG at mga takbo dahil sa mga aktibidad ng tao, kabilang ang pang-industriya, pangkomersiyo, para sa transportasyon, tirahan, gubat, at pang-agrikulturang mga aktibidad sa the Bay Area. Nagtatayo mula sa mga naunang imbentaryo, ang ulat ay nagkakaloob ng mga tantiya ng emisyon para sa taon 2011.

Ang mga karagdagang sumusuportang dokumento at datos para sa batayang taon na 2011 ay makukuha rin.

Mga pagbabago sa Pamamaraan ng Imbentaryo

Ang mga sumusunod na pagbabago sa pamamaraan ay ginawa sa imbentaryo ng mga emisyon ng GHG noong 2011:

  • Ang isinapanahong mga datos ng aktibidad upang magpakita ng kasalukuyang aktibidad na pang-industriya, paglalakbay ng sasakyang de-motor, at paglaki ng ekonomiya at populasyon.
  • Mga pagbabago sa paghula at pagbabalik-tingin sa mga emisyon.
  • Pagdaragdag ng mga benepisyo mula sa mga partikular na regulasyon, tulad ng Batas sa mga Pamantayan sa Malinis na Kotse (AB 1493), na magreresulta sa mas mababang mga emisyon ng GHG sa mga darating na taon.

Mga Nakaplanong Pagsasapanahon

Ang mga pagpapahusay sa imbentaryo ng mga emisyon ng GHG are isang mahalagang bahagi ng programang proteksiyon ng klima ng Distrito ng Hangin. Ang ilang malapit-sa-taning na mga pagsasapanahon ay isinagawa upang suplementuhan ang imbentaryo ng mga emisyon ng GHG ng 2011, kabilang ang:

  • Pagdaragdag ng mga emisyon ng itim na karbon. Ang itim na karbon ay isang maikli ang buhay na pumupuwersa-sa-klima na pamparumi na nag-aambag nang malaki sa pandaigdig na pag-init at may maayos-na-nakadokumentong mga epekto sa kalusugan.
  • Kabilang ang panghaliling mga hula ng mga emisyon. Ang mga naunang hula ay para sa mga “gawain-gaya-ng-dati” na kalagayan. Ang mga hula sa hinaharap ay magsasama ng mga pagbawas sa Cap and Trade at susubukan ang maraming karagdagang hakbang sa pagbawas ng mga emisyon ng GHG .
  • Pagdaragdag ng carbon sequestration at mga emisyon mula sa mga likas at pinagtatrabahuhang lupa. Ang imbentaryo ng mga emisyon ng GHH na mga likas at pinagtatrabahuhang lupa ay susubaybay sa pagtanggal ng carbon dioxide mula sa atmospera ng mga gubat at hanay ng lupa ng Bay Area at kabilang ang mga emisyon ng GHG mula sa mga lugar na ito.
  • Muling pagtasa ng mga emisyon ng methane. Napag-alaman ng mga pag-aaral kamakailan na ang kasalukuyang mga paraan ng pagtaya ay hindi sapat na tumatantiya sa mga emisyon ng methane. Ang Distrito ng Hangin ay magsasagawa ng nakabase-sa-pagsukat na mga pagtasa upang pabutihin ang mga pagtantiya ng emisyon ng methane at tukuyin ang malalaking pinanggagalingan at mga rehiyon ng pinanggagalingan.

Assessment, Inventory, and Modeling Division

aim@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 8/22/2023