|
|
Alamin ang tungkol sa network at mga aktibidad ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito ng Hangin, kabilang ang network ng pagsubaybay sa hangin, ang laboratoryo, at pagsusuri sa pinanggagalingan ng pamparumi.
Ang Distrito ng Hangin ay nagpapatakbo ng isang network ng pagsubaybay sa nakapaligid ng hangin ng higit sa 30 istasyon at nangangasiwa ng pagkukumpuni, pagpapanatili, at pagkontrol ng kalidad nito. Ang network ng pagsubaybay ay nagtitipon ng lokal na mga datos ng kalidad ng hangin, na ginagamit para sa maraming mahahalagang layunin, kabilang ang:
Mga proyektong pagsasampol, tulad ng pagsampol ng PM2.5 speciation at maikling-panahon na mga pag-aaral sa mga ispesipikong komunidad, magbigay ng mga datos para sa pagbuo ng plano sa kalidad ng hangin, mga isinapanahong regulasyon, at upang dagdagan ang ating pagkaunawa ng kalidad ng hangin sa Bay Area.
Ang mga pamparuming sinusukat sa pamamagitan ng network ng pagsubaybay ay kabilang ang:
Ang Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area ay maglalabas ng pinakabagong Ulat ng Network ng Pagsubaybay noong Hulyo 2015. Ang ulat ay naglalarawan ng network ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito para sa 2014. Ito ay naglalarawan din ng mga layunin ng network ng pagsubaybay at naglilista ng iminumungkahing mga pagbabago sa network para sa susunod na 18 buwan. Ang mga iminumungkahing pagbabago ay maaaring matagpuan sa seksiyon na may titulong Mga Iminumungkahing Pagbabago sa Network sa 2015-2016. Ito ay naglalarawan ng mga layunin ng network ng pagsubaybay at mga iminumungkahing pagbabago na nakaplanong mangyari bago ang ika-30 ng Hunyo, 2015.
Ang susunod na taunang Ulat ng Network ng Pagsubaybay sa Nakapaligid na Hangin ay nakatakdang ilabas sa Hulyo 2016.
Taunang Plano ng Network ng 2014
Ang Distrito ay humihingi ng mga komento mula sa publiko tungkol sa iminumungkahing mga pagbabago sa network ng pagsubaybay sa hangin. Ang panahon ng pampublikong komento ay matatapos sa ika-30 ng Hunyo, 2015.
Ang Laboratoryo ay nagkakaloob ng iba't ibang mga serbisyo na may kaugnayan sa pagsubaybay at suporta sa mga kagawaran at aktibidad ng Distrito ng Hangin, kabilang ang:
Upang matiyak ang katumpakan ng mga datos na tinitipon sa pamamagitan ng laboratoryo, pagsubaybay sa hangin at mga meteorolohikal na network, ang Distrito ng Hangin ay nagpapaibay sa mga datos sa pamamagitan ng pagsusuri ng pagtiyak ng kalidad. Ang mga datos na nilikha ng laboratoryo ay nangangailangan din ng pagsusuri ng pagtiyak ng kalidad upang matugunan ang mga iniatas na pagpapatibay ng U.S. EPA.
Ang Distrito ng Hangin ay nagsasagawa ng pagsusuri ng pinanggagalingan upang alamin kung ang isang pinanggagalingan ng pagpaparumi ay sumusunod sa mga regulasyon sa kalidad ng hangin at upang magkaloob ng higit na impormasyon tungkol sa mga pinanggagalingan ng emisyon. Sa mga ginaganap ng pagsusuri ng pinanggagalingan ay kabilang ang:
Pangkalahatang Impormasyon
415 749-4900
Pagsubaybay sa Hangin
415 749-4985
Last Updated: 9/27/2016