Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Patnubay sa mga Datos ng Pagsubaybay sa Hangin

Ang pahina ng mga Datos ng Pagsubaybay sa Hangin ay nagkakaloob ng pareho ng tunay na oras at nakaraang impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin at mga meteorolohikal na kondisyon galing sa mga pagsukat sa mga istasyon ng pagsubaybay sa kalidad ng hangin sa paligid ng Bay Area.

Anong Impormasyon ang Makukuha?

Ang mga mapipili para sa pagbubukod ng impormasyon sa pahina ng mga Datos sa Pagsubaybay ng Hangin ay makukuha sa kaliwang hanay ng pahina.


Mga Display

I-click ang mga link na Arawan, Buwanan, Taunan upang makita ang mga talahanayan na nagsasabuod ng mga datos nang arawan, buwanan, taunan - na ang kasalukuyang araw, buwan, at taon ay nakalagay bilang isang default.  (Pansinin ang scroll bar sa ilalim ng bawat display na dapat gamitin upang tingnan ang buong set ng mga datos.)

Arawan

Ay nagpapakita ng mga pagsukat mula sa bawat isa ng 24 na oras ng piniling araw, na may mga hanay na may numerong 1 hanggang 24.

Buwanan

Ay nagpapakita ng isinabuod na impormasyon para sa bawat araw ng piniling buwan, na may mga hanay na may angkop na numero.

Taunan

Ay nagpapakita ng isinabuod na impormasyon para sa bawat buwan ng taon, na may mga hanay na may numerong 1 hanggang 12.


Mga Datos ng Nakaraan

Ang default na petsa ng pahina ng mga Datos ng Pagsubaybay sa Hangin ay nakatakda sa kasalukuyang araw, pero ang pag-click sa icon ng kalendaryo ay nagpapakita ng isang kalendaryo kung saan makakapili ka ng isang petsa sa loob ng nakalipas na ilang mga taon, at matitingnan ang kalidad ng hangin o meteorolohikal na impormasyon para sa araw, buwan, o taon na iyon, depende sa display na pinili mo.


Pagtingin

May tatlong mapipili, depende kung ano ang mga datos na interesado ka na repasuhin:

Indeks ng Kalidad ng Hangin

Ito ang default na Pagtingin na mapipili.  Ang mga pagsukat ng kalidad ng hangin para sa iba't ibang mga pamparumi ay isinasalin sa nakakodigo-sa-kulay na panukat ng Indeks ng Kalidad ng Hangin ng EPA ng US., o AQI..  Kulay-dalandan na mga numero na higit sa 100 ay pangkaraniwang itinuturing na mas mataas sa pederal na pamantayan para sa bawat pamparumi.  

Ang nababasa sa Indeks ng Kalidad ng Hangin ay makukuha para sa mga sumusunod na pamparumi:  carbon monoxide, nitrogen dioxide, ozone, PM2.5, at sulfur dioxide.

Mga Datos

Ang Pagpili ng mga Datos sa Tingnan ang menu bar ay nagpapakita ng mga pagsukat ng mga aktuwal na konsentrasyon ng iba't ibang pamparumi sa aming mga istasyon ng pagsubaybay.  (Ito ang aktuwal na mga datos na ginagawang mga nababasa sa Indeks ng Kalidad ng Hangin sa pagtingin sa Indeks ng Kalidad ng Hangin view.)

Maikukumpara mo ang mga pagsukat na ito sa pederal at pang-estadong mga pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin para sa bawat pamparumi.

Meteorolohiya

Ang Pagpili ng Meteorolohiya sa menu bar na Pagtingin ay nagpapakita ng iba't ibang mga pagsukat na may kaugnayan sa panahon - tulad ng temperatura, presipitasyon, at tulin ng hangin - tinitipon mula sa mga meteorolohikal na istasyon ng Distrito ng Hangin.


Pagsukat

Ang mga aytem na makukuha sa drop-down menu na Pagsukat ay nag-iiba depende sa kung anong katawagan sa Pagtingin ang pinili mo:  

Ang mga nababasa sa Indeks ng Kalidad ng Hangin ay makukuha sa limang kategorya ng pamparumi: carbon monoxide, nitrogen dioxide, ozone, PM2.5, at sulfur dioxide.  Sa pangkaraniwang pananalita, ang PM2.5 ay ang pamparumi na pangunahing inaalala sa mga buwan ng taglamig, at ozone sa tag-init.

Ang mga pagsukat ng mga datos ay makukuha para sa isang mas malawak na grupo ng 11 kategorya ng pamparumi.

Ang meteorolohiya na mga pagbasa ay makukuha para sa siyam na kategoryang may kaugnayan sa panahon.


Mga Istasyon

Ang mga ito ang mga istasyon ng pagsubaybay sa hangin at meteorolohiya sa network ng pagsubaybay sa hanginng Distrito ng Hangin.

Ang mga default ng drop-down menu na Mga Istasyon sa Lahat ng mga Istasyon - na nagpapakita ng mga pagsukat mula sa lahat ng mga istasyon na sumusubaybay sa mga aytem na pinili sa mga drop down na Pagtingin at Pagsukat. (Tandaan na ang lahat ng mga Istasyon ay sumusukat ng bawat pamparumi o meteorolohikal na kalagayan.)

Magagamit mo rin ang drop-down menu upang pumili ng mga indibidwal na istasyon kung nais mong magpokus sa mga pagsukat mula sa isang partikular na lokasyon na iyon.

docked-alert-title

Last Updated: 8/3/2023