Isang partikulo ng solido o likidong bagay na maaaring manatiling nakasuspinde sa hangin dahil sa maliit na sukat nito (pangkaraniwang mas mababa kaysa 1 micron).
Afterburner
Isang kagamitan sa pagpapatighaw ng pagpaparumi ng hangin na nagtatanggal na hindi kanais-nais na organikong mga gas sa pamamagitan ng pagsunog.
Ahensiya sa Proteksiyon ng Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA)
Ang pederal na ahensiyang responsable para sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa tubig, mga nakalalasong bagay, solidong basura, at paglilinis ng kontaminadong mga lugar.
Airshed
Isang katawagan na nangangahulugang ang heograpikong lugar na, dahil sa topograpiya, meteorolohiya, at klima, ay gumagamit ng kaparehong hangin (tingnan ang Mga Basin ng Hangin).
Alikabok
Solidong particulate na bagay na maaaring dalhin ng hangin.
Aromatiko
Isang hydrocarbon na binubuo ng 1 o higit na mga benzenoid ring (i.e., benzene).
Asbestos
Isang mineral na hibla na maaaring magparumi sa hangin o tubig at nagiging dahilan ng kanser o asbestosis kapag nalanghap. Ang EPA ay nagbawal o matinding tinakdaan ang paggamit nito sa pagmanupaktura at konstruksiyon.
Atmospera
Ang layer ng sumusuporta-sa-buhay na mga gas (hangin) na nakapaligid sa mundo.
Atrisyon na sunog
Isang sunog na ang gatong ay binubuo ng patay o tinabas na punongkahoy o mga sangay ng bush, mga limb, at mga pinutol.
Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C)
Isang permiso bago ang konstruksiyon na inisyu ng Distrito ng Hangin.
B
Bagay na Nagdudulot ng Kanser
Anumang bagay na nagiging sanhi o nag-aambag sa paglikha ng kanser.
Baghouse
Isang kagamitan sa pagpapatighaw sa pagpaparumi sa hangin na humuhuli sa mga particulate (alikabok) sa pamamagitan ng pagpuwersa sa mga daloy ng gas sa pamamagitan ng malalaking natatagusang bag na karaniwang gawa sa hibla ng salamin.
basin ng hangin
Isang lugar na nilinaw batay sa heograpiko o pampangasiwaan na mga hangganan; ginagamit para sa mga programang pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin.
Batas sa Malinis na Hangin (Clean Air Act, CAA)
Pangmatagalang pederal na pagbabatas na siyang batayang pambatas para sa pambansang mga programa sa malinis na hangin, huling sinusugan noong 1990.
Batas sa Malinis na Hangin ng California (California Clean Air Act, CCAA)
Batas ng estado na pinagtibay noong 1988, at sinusugan noong 1992 at 1996, nagmamandato ng isang proseso ng pagpaplano upang matamo ang mga pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin ng estado.
Bi-fuel na sasakyan
Isang sasakyan na may kakayahang tumakbo sa gasolina o diesel bilang pangunahing gatong ng mga ito. Ang mga ganitong uri ng sasakyan ay HINDI karapat-dapat para sa pagpopondo ng Distrito ng Hangin.
Biodiesel
Ang biodiesel ay isang mas malinis masunog na diesel na pamalit na gatong na ginawa mula sa likas, napapanibagong mga pinanggagalingan tulad ng bago at nagamit nang mga langis ng gulay at mga taba ng hayop. Tulad ng petrolyong diesel, ang biodiesel ay tumatakbo sa compression-ignition na mga makina. Ang mga paghahalo ng hanggang 20% biodiesel (inihalo sa mga gatong na petrolyong diesel) ay magagamit sa halos lahat ng kagamitan na pinatatakbo ng diesel at katugma ng karamihan sa kagamitan sa pag-iimbak at pamamahagi Ang mababang antas na ito mga paghahalo (20% at mas kaunti) ay hindi nangangailangan ng anumang mga pagbabago ng makina at maaaring magkaloob ng kapasidad na kapareho ng diesel. Ang paggamit ng biodiesel sa isang pangkaraniwang makinang diesel ay nagbabawas nang malaki sa mga emisyon.
British Thermal Unit (BTU)
Isang yunit ng init na ginagamit upang ilarawan ang kapasidad ng mga pakuluan at mga pugon. Ang isang BTU ay katumbas ng tindi ng init na kinakailangan upang itaas ang temperatura ng 1 libra ng tubig 1 digring Fahrenheit sa lebel ng dagat.
Bukas na pagsunog
Ang hindi-kontroladong pagsunog ng mga basurang materyal sa bukas na lugar, sa mga pagsunog sa labas, o sa bukas na tambakan, sinadya man o aksidente. Ang bukas na pagsunog ay kinokontrol sa Bay Area.
C
Cal-EPA
Ang ahensiya ng estado na nilikha noong 1991 upang pangasiwaan ang iba't ibang mga ahensiyang pangkapaligiran ng estado.
Carbon Dioxide (CO2)
Isang walang-kulay, walang-amoy, hindi nakalalasong gas na resulta ng pagniningas ng mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman at isang karaniwang sangkap ng nakapaligid na hangin.
Carbon monoxide
Isang walang-kulay, walang-amoy, nakalalasong gas na nalilikha ng di-kumpletong pagniningas ng mga bagay na nagtataglay ng carbon. Isa sa malalaking pamparumi sa hangin, ito ay inilalabas sa malalaking bilang ng pasingawan mula sa mga sasakyang pinatatakbo ng gasolina.
Catalytic Converter
Isang kagamitan sa pagpapatighaw ng pagpaparumi sa hangin na ginagamit unang-unang sa mga sasakyang de-motor at ibang mga pinanggagalingan. Ito ay nagtatanggal ng mga organikong nagkokontamina sa pamamagitan ng pag-oxidize sa mga ito upang maging carbon dioxide at tubig sa pamamagitan ng kemikal na reaksiyon. Maaaring gawin ang nitrogen dioxide na nitrogen at oksiheno o itaguyod ang ibang mga katulad ng reaksiyon.
Coefficient of Haze (COH)
Isang pagsukat ng dami ng alikabok at usok sa atmospera sa isang teoretikal na 1,000 linear feet ng hangin. Ang isang COH na mas mababa kaysa 1 ay itinuturing na malinis na hangin at mas mataas kaysa 3 ay itinuturing na maruming hangin.
Cyclone
Isang kagsamitan sa pagpapatighaw ng pagpaparumi sa hangin na nagtatanggal ng mabibigat na partikulo mula sa daloy ng hangin sa pamamagitan ng centrifugal force.
D
Dew Point
Ang temperatura kung saan ang mga patak ng tubig ay namumuno mula sa hangin (nakadepende sa namamayaning humidity).
Di-organikong gas na pamparumi
Isang gas na pamparumi na hindi isang organikong timplada. Ang mga halimbawa ay sulfur dioxide, hydrogen sulfide, at mga nitrogen oxide.
Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin (Air Quality Management District, AQMD)
Lokal na ahensiyang namamahala ng pagkontrol sa pagpaparumi sa hangin at pagtatamo ng mga pamantayan sa kalidad ng hangin. Ang Distrito ng Hangin ay ang panrehiyong AQMD na kabilang ang lahat ng pitong county (Alameda, Contra Costa, Marin, Napa, San Francisco, San Mateo at Santa Clara) at ang nasa timog na kalahati ng mga county ng Solano at Sonoma.
Dobleng-gatong
Mga makina na tumatakbo sa isang kombinasyon ng likas na gas at gatong na diesel.
Duming likha ng usok
Napakapinong mga partikulo ng karbon na lumilitaw na itim kapag nakikita.
E
Ebaporasyon
Ang pisikal na pagbabago ng isang likido patungo sa isang gas sa anumang temperatura na mas mababa kaysa punto ng pagkulo nito.
Ekolohiya
Ang relasyon ng mga organismo at ng kapaligiran ng mga ito, at ang agham na nauukol sa relasyong ito.
Electrostatic Precipitator
Isang kagamitan sa pagpapatighaw ng pagpaparumi sa hangin na nagtatanggal ng particulate na bagay mula sa isang daloy ng gas sa pamamagitan ng paghahatid ng electrical charge sa mga partikulo para sa mekanikal na pagtitipon sa isang electrode.
Epekto ng Greenhouse
Ang pagpapainit ng atmospera ng mundo na dulot ng pagdami ng carbon dioxide at ibang mga trace gas. Ang pagdaming ito ay nagpapahintulot ng liwanag mula sa mga sinag ng araw upang painitin ang mundo pero pinipigilan ang nagbabalanseng pagkawala ng init.
Ethanol
Ethyl alcohol, isang pabagu-bagong alkohol na nagtataglay ng dalawang karbon (CH3CH2OH). Para sa paggamit ng gatong, ito ay lilikhain sa pamamagitan ng permentasyon ng mais o ibang mga produktong halaman.
Exceedance
Isang sinukat na antas ng pagpaparumi sa hangin na mas mataas kaysa pambansa o pang-estadong pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin.
F
Factor sa Emisyon
Ang relasyon sa pagitan ng dami ng pagpaparumi na nalikha at ang dami ng hilaw na materyal na naproseso o nasunog. Halimbawa, ang factor sa emisyon para sa oxides of nitrogen mula sa pagniningas ng langis na gatong sa isang pakuluang pang-industriya ay magiging bilang ng mga libra ng oxides of nitrogen na inilalabas kada 1000 galon ng gatong na sinunog na langis na gatong. Sa paggamit ng factor ng emisyon ng isang pamparumi at ispesipikong mga datos na nauukol sa dami ng materyal na gingamit ng isang pinanggagalingan, posibleng kuwentahin ang mga emisyon para sa pinanggagalingan. Ang pagharap na ito ay ginagamit sa paghahanda ng isang imbentaryo ng mga emisyon.
Fluorocarbon
Isang organikong timplada na nagtataglay ng fluorine. Ang ilan sa mga timpladang ito ay maaaring makaapekto sa kalusugan, pero ang mga ito ay hindi reaktibo at dahil dito ay hindi bumubuo ng ulap-usok.
G
Ginawang emulsyon na diesel
Diesel na inihahalo sa isang maliit na persentahe ng tubig at isang ahenteng nagpapanatiling magkahalo ang tubig at diesel. Sa pagdagdag ng tubig sa diesel, ang mas kaunting mga emisyon ay nililikha kapag sinusunog ang gatong.
Gumagalaw na pinanggagalingan
Isang gumagalaw na pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin; kabilang ang mga kotse, trak, motorsiklo, at eruplano.
H
Halogen
Isang pamilya ng mga kemikal na elemento na kabilang ang fluorine, chlorine, bromine, at iodine.
Halogenated Organic Compounds
Ang organikong mga timplada na nagtataglay ng isa o higit na mga atom ng isang halogen. Ang mga timpladang ito ay nagiging matatag at hindi reaktibo, at dahil doon ay may mababang potensiyal na lumikha ng ulap-usok.
Hangin
Tinatawag na "dalisay" na hangin ay mixture ng mga gas na nagtataglay ng mga 78% nitrogen; 21% oxygen; mas mababa kaysa 1% ng carbon dioxide, argon, at ibang mga hindi gumagalaw na gas; at magkakaibang dami ng singaw ng tubig.
Hika
Isang kondisyong medikal na binubuo ng di-normal na pagsisikip ng paghinga, lalo na bilang tugon sa mga allergen o mga nagkokontamina sa hangin.
Hindi gumagalaw na gas
Isang gas na tulad ng helium, neon, o argon na walang reaksiyon sa ibang mga bagay sa ilalim ng mga karaniwang kalagayan.
Hydrocarbon
Alinman sa maraming timplada na nagtataglay ng carbon at hydrogen sa iba't ibang mga kombinasyon; matatagpuan lalong-lalo na sa mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman. Ang ilan sa hydrocarbon na mga timplada ay malalaking pamparumi sa hangin; ang mga ito ay maaaring maging aktibong kasangkot sa photochemical na proseso o nakakaapekto sa kalusugan.
Hydrogen Sulfide (H2S)
Isang gas na may amoy ng "bulok na itlog" na madalas na nililikha ng at natatagpuan sa paligid ng mga dalisayan ng langis, mga planta ng kemikal, at mga planta ng paggamot ng sewage.
I
Imbentaryo ng emisyon
Isang listahan ng mga pamparumi sa hangin na inilalabas sa atmospera ng isang komunidad sa mga dami (karaniwan ay mga tonelada) kada araw o taon, batay sa uri ng pinanggagalingan.
Indeks ng mga Pamantayan sa Pamparumi (Pollutant Standards Index, PSI)
Isang sistemang binuo ng pederal na gobyerno para sa pag-uulat ng mga konsentrasyon ng pagpaparumi sa hangin sa publiko bilang mga numero na nasa pagitan ng 0 at 500.
K
Kabuuang mga Organikong Gas (Total Organic Gases, TOG)
Gas n organikong mga timplada, kabilang ang reaktibong organikong mga gas at hindi reaktibong organikong mga gas, tulad ng methane.
Kabuuang Suspendidong mga Particulate (Total Suspended Particulates, TSP)
Mga partikulo ng solido o likidong bagay (tulad ng duming likha ng usok, alikabok, mga aerosol, mga fume at mist) hanggang sa humigit-kumulang na 30 micron ang sukat.
Kapaligiran
Ang kabuuan ng lahat ng mga panlabas na kondisyon at mga impluwensiya na nakakaapekto sa buhay, pag-unlad, at sa huli ay ang pananatiling buhay ng isang organismo. Mas pangkaraniwan, ang crust ng mundo, at mga tagapagdulot ng tubig, mga anyo ng buhay, at atmospera.
Kapisanan ng mga Gobyerno ng Bay Area (Association of Bay Area Governments, ABAG)
Isang boluntaryong pinagsamang-kapangyarihan na masaklaw na panrehiyong ahensiya ng pagpaplano para sa mga lungsod at county ng Bay Area.
Katumbas na pagiging tago
Ang paggamit ng sistemang Ringelmann sa pagtaya ng densidad ng iba sa itim na usok (tingnan ang Ringelmann).
Komisyon sa Transportasyon ng Metropolitan (Metropolitan Transportation Commission, MTC)
Ang panrehiyong ahensiya na nagkakaloob ng masaklaw na panrehiyong pagpaplano sa transportasyon para sa Bay Area at namamahagi ng pederal at pang-estadong mga pondong tulong sa transportasyon.
L
Lalim ng paghalo
Ang lawak kung saan ang hangin ay tumataas mula sa lupa at humahalo sa hangin sa ibabaw nito hanggang makatagpo ito ng hangin na may kapantay o mas mainit na temperatura.
Lebel-ng-Lupa na Tagasubaybay (Ground Level Monitor, GLM)
Isang uri ng kagamitan sa pagsubaybay sa pagpaparumi sa hangin na matatagpuan sa paligid ng malalaking pasilidad na pang-industriya upang sukatin ang nakapaligid na mga antas ng mga partikular na pamparumi.
Likas na gas
Ang likas na gas ay isang paghahalo ng mga hydrocarbon (pangunahin aymethane [CH4]) at nililikha mula sa mga balon ng gas o kasama sa produksiyon ng krudong langis. Dahil sa katangiang gas ng gatong na ito, ito ay dapat imbakin sa loob ng isang sasakyan sa alinman sa isang siniksik na kalagayang gas (CNG) o sa isang kalagayang likido (LNG).
Lugar ng Di-pagtatamo
Nilinaw na heograpikong lugar na hindi tumutugon sa isa o higit na pederal na mga pamantayan sa kalidad ng hangin para sa mga pamantayan sa pamparumi.
Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California (California Air Resources Board, CARB)
Ang ahensiya ng estado na responsable para sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa California.
M
Madaling mawala na organikong timplada (Volatile Organic Compound, VOC)
Isang organikong timplada na madaling sumisingaw sa atmospheric na mga temperatura. Isang malaking pinagmumulan ng ozone.
Makatwirang Higit na Progreso (Reasonable Further Progress, RFP)
Isang tinukoy na antas ng progreso patungo sa pagtugon sa pamantayan sa kalidad ng hangin, gaya ng nakalagay sa batas o sa isang plano.
Makinang Diesel
Isang uri ng panloob na pagniningas na makina na gumagamit ng hindi madaling magbago na petrolyong gatong at mga tagapasok ng gatong, at nagsisimula ng pagniningas na gumagamit ng compression ignition (na kasalungat sa spark ignition, na ginagamit sa mga makinang gasolina).
Makinang May Panloob na Pagniningas (Internal Combustion Engine, ICE)
Isang makina kung saan ang pareho ng enerhiya ng init at ng kasunod na mekanikal na enerhiya ay nililikha sa loob ng makina.
Manwal ng mga Pamamaraan (Manual of Procedures, MOP)
Isang manwal ng pagpapatupad ng Distrito ng Hangin, pagbibigay ng permiso, pagsusuri ng pinanggagalingan, laboratoryo, at mga pamamaraan sa pagsubaybay na ginagamit ng mga tauhan at industriya upang malaman kung ang mga industriya ay nakatutugon sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin. Nagtataglay din ng mga patnubay para sa mga prosesong pangkapaligiran sa ilalim ng Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California (CEQA), at mga pamamaraan sa pagkuwenta at paglikha ng mga kredito sa emisyon ng gumagalaw na pinanggagalingan.
Masasamang Epekto sa Kalusugan
Mga epekto sa kalusugan mula sa pagkahantad sa mga nagkokontamina sa hangin na maaaring mula sa banayad na mga pansamantalang kondisyon, tulad ng maliit na iritasyon ng mata o lalamunan, pangangapos ng hininga, o mga sakit ng ulo, hanggang sa permanente at seryosong mga kondisyon tulad ng mga depekto sa pagsilang, kanser, o pinsala sa mga baga, nerbiyo, atay, puso, o ibang mga bahagi ng katawan.
Matindi
Nangyayari sa maikling panahon; ginagamit upang ilarawan ang maiikling pagkahantad at mga epekto na lumilitaw agad pagkatapos ng pagkahantad.
Matinding Lugar
Isang lokasyon kung saan ang mga emisyon mula sa mga ispesipikong pinanggagalingan ay maaaring maghantad sa mga tao at mga grupo ng populasyon sa mas mataas na mga panganib ng masasamang epekto sa kalusugan (kabilang ang, pero hindi limitado sa, kanser) at tumutulong sa kumulatibong mga panganib sa kalusugan ng mga emisyon...
Methanol
Isang iisa ang karbon na alkohol, pangkaraniwang nililikha mula sa likas na gas (methane).
Mga bahagi kada milyon (Parts per million, PPM)
Ang bilang ng mga bahagi ng isang pamparumi sa isang milyong bahagi ng hangin.
Mga chlorofluorocarbon
Isang pamilya ng di-gumagalaw, di-nakalalason, at madaling maging likido na mga kemikal na ginagamit sa repriherasyon, pagkondisyon ng hangin, pagpakete, insulasyon, o bilang mga sovlent at mga aerosol propellant. Dahil ang mga CFC ay hindi nasisira sa mas mababang atmospera nagtutuloy ang mga ito sa mas mataas na temperatura kung saan ang mga sangkap na chlorine ng mga ito ay sumisira sa layer ng ozone.
Mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman
Coal, langis, at likas na gas; tinatawag na mga gatong mula sa mga labi ng hayop at halaman dahil ang mga ito ay mga labi ng mga sinaunang halaman at hayop.
Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Transportasyon (Transportation Control Measures, TCMs)
Mga estratehiya upang bawasan ang mga biyahe ng sasakyan, paggamit ng sasakyan, mga milyang nalakbay ng sasakyan, idling ng sasakyan, o pagsisikip ng trapiko para sa layunin na bawasan ang mga emisyon ng sasakyang de-motor.
Mga nagpapabilis
Anumang bilang ng mga kagamitan na gumagamit ng mekanikal, elektrikal, o kemikal na mga paraan upang magtipon ng mga particulate. Ginagamit upang sukatin, suriin, o kontrolin ang mga particulate.
Mga Nitrogen Oxide (NOx)
Ang mga gas na nabubuo unang-una mula sa atmosperikong nitrogen at oxygen kapag ang pagniningas ay nangyayari sa ilalim ng mga kondisyon ng mataas na temperatura at mataas na presyon; itinuturing na isang malaking pamparumi ng hangin at pinagmumulan ng ozone.
Mga Pamantayan sa Pagganap ng Bagong Pinanggagalingan (New Source Performance Standards, NSPS)
Mga limitasyon sa emisyon ng pamparumi para sa bagong gawang mga pinanggagalingan; nilinaw sa Regulasyon 10.
Mga sulfur oxide
Masangsang, walang-kulay na mga gas na nabubuo unang-una ng pagniningas o mga gatong mula sa mga labi ng hayop at halaman ng nagtataglay ng sulfur, lalo na ang coal at langis. Itinuturing na mga pangunahing pamparumi sa hangin, ang mga sulfur oxide ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at makapinsala sa mga halaman.
Micro
Isang prefix na nangangahulugang 1/1,000,000. Pinaiikli ng letrang Greek na µ.
Micron
Isang yunit ng haba na kapantay ng ikasanlibo ng isang millimeter, o mga 1/25,000 ng isang pulgada.
Milli
Isang prefix na nangangahulugang 1/1,000.
Mist
Mga likidong partikulo na hanggang 100 micron sa diameter.
N
Nakalalasong mga pamparumi sa hangin
Ang mga pamparumi sa hangin na maaaring maging dahilan o mag-ambag sa pagtaas ng mortalidad o seryosong sakit, o maaaring magpakita ng kasalukuyan o posibleng panganib sa kalusugan ng tao.
Nakapaligid na Hangin
Panlabas na hangin; anumang bahagi ng atmospera na hindi nakukulong ng mga dingding o bubong.
Nakapirming pinanggagalingan
Isang nakapirmi, hingi gumagalaw ng tagalikha ng pagpaparumi, karaniwang nasa mga pasilidad na pang-industriya o pangkomersiyo.
Nitric Oxide (NO)
Pinagmulan ng ozone, nitrogen dioxide (NO2), at nitrate; karaniwang inilalabas sa mga proseso ng pagniningas. Ginawang NO2 sa atmospera, ito ay nagiging kalahok sa photochemical na proseso at/o pagbuo ng particulate.
O
Organikong mga timplada
Isang malaking grupo ng mga kemikal na timplada na nagtataglay ng karbon. Lahat ng mga nabubuhay na organismo ay binubuo ng organikong mga timplada. Ilang mga uri ng mga organikong gas, kabilang ang olfein, inihaliling aromatics at aldehydes, ay lubos na reaktibo -- iyon ay, may mataas na posibilidad ng paglikha ng ozone. Ang mga pamantayan upang kontrolin ang organikong mga timplada ay matatagpuan sa Regulasyon 8 ng BAAQMD.
Oxidant
Isang pamparumi sa hangin na nagtataglay ng oksiheno na maaaring kemikal na tumugon sa ibang mga bagay. Ang mga timplada na ozone at nitrogen ay mga halimbawa ng mga oxidant.
Ozone (O3)
Isang masangsang, walang-kulay, nakalalasong gas. Malapit sa ibabaw ng mundo ito ay nalilikha sa paraang photochemical mula sa mga hydrocarbon, oxides of nitrogen, at liwanag ng araw, at isang pangunahing sangkap ng ulap-usok. Sa napakataas na mga altitude, ito ay nagpoprotekta sa mundo mula sa nakakapinsalang radyasyon ng ultraviolet.
P
Pagbabangko
Isang tadhana sa mga regulasyon sa permiso na nagpapahintulot sa isang pasilidad na kumuha ng mga kredito para sa pagbawas ng mga emisyon na higit sa mga limitasyon sa pangangasiwa at gamitin ang mga kreditong ito sa mas huling petsa, katulad ng kung paano gumagana ang isang savings account.
Pagdeposito ng asido
Isang pagbabago ng mga emisyon ng sulfur oxide at nitrogen oxide patungo sa mga maasidong timplada, na nagpapasimula ng ulan, niyebe, fog, o mga tuyong partikulo.
Pagkakaiba
Permisong iginagawad para sa limitadong panahon sa ilalim ng ipinahayag na mga kondisyon para sa isang tao o kompanya upang magpatakbo sa labas ng mga limitasyong itinatagubilin sa isang regulasyon.
Pagkaubos ng ozone
Pagkasira ng stratospheric ozone layer, na nagiging panangga ng mundo laban sa radyasyon ng ultraviolet. Ang pagkasirang ito ay dulot ng paghihiwa-hiwalay ng partikular na chlorine at/o mga timpladang nagtataglay ng bromine (mga chlorofluorocarbon o halon) na catalytical na sumisira ng mga molecule ng ozone sa stratosphere.
Pagniningas
Ang pagsunog, iyon ay, ang paglikha ng enerhiya ng init at liwanag sa pamamagitan ng kemikal na pagbabago, tulad ng oxidation ng gatong na hydrocarbon.
Pagpaparumi ng pagsunog ng kahoy
Pagpaparumi ng hangin na dulot ng mga emisyon ng particulate na bagay, carbon monoxide, at maamoy at nakalalasong mga bagay mula sa mga kalan at fireplace na nagsusunog ng kahoy
Pagpaparumi sa hangin
Ang pagkakaroon ng nagpaparuming gas at nakasuspindeng mga partikulo sa atmospera na higit sa mga pamantayan sa kalidad ng hangin.
Pagpapatighaw
Ang pagbawas sa antas, tindi, o pag-alis ng pagpaparumi.
Pagpigil ng Malaking Pagkasira (Prevention of Significant Deterioration, PSD)
Isang programa ng EPA kung saan ang pang-estado at/o pederal na mga permiso ay iniaatas upang takdaan ang mga emisyon sa mga lugar na tumutugon sa mga pederal na pamantayan para sa mga pamantayan sa pamparumi.
Pagsaliwa
Ang phenomenon ng isang layer ng mainit na hangin dumidiin sa mas malamig na hangin sa ibaba nito. Ang mga pagsaliwa ay isang espesyal na problema dahil ang mga ito ay pumipigil sa likas na pagkalat at paghina ng mga nagkokontamina sa hangin.
Pagsubaybay sa hangin
Mga sampol para sa at pagsukat ng mga pamparumi na matatagpuan sa atmospera.
Pagsunog
Ang pagsunog ng basurang pambahay at pang-industriya sa isang chamber ng pagniningas.
Pagsusuri ng Bagong Pinanggagalingan (New Source Review, NSR)
Isang pamamaraan sa pagbibigay ng permiso para sa bago o binagong nakapirming pinanggagalingan na natatagpuan sa Regulasyon 2. Ang NSR ay ginagamit kung ang mga emisyon mula sa bagong pinanggagalingan ay mas mataas sa antas ng trigger.
Pagtasa ng panganib sa kalusugan
Isang dokumento na tumutukoy sa mga panganib at bilang ng posibleng masasamang epekto sa kalusugan na maaaring resulta ng pagkahantad sa mga emisyon ng mga nakalalasong nagkokontamina sa hangin. Ang isang pagtaya ng panganib sa kalusugan ay hindi makakahula ng ispesipikong mga epekto sa kalusugan; ito ay naglalarawan lamang ng tumaas na posibilidad ng masasamang epekto sa kalusugan batay sa pinakamahusay na siyentipikong impormasyon na makukuha.
Pagtatamo
Isang designasyon na ginagamit kapag ang isang lugar ay nakatutugon sa pamantayan ng kalidad ng hangin.
Pamantayan sa Emisyon
Ang pinakamaraming pagpaparumi na ipinahihintulot na ilabas mula sa isang pinanggagalingan ng pagpaparumi. Halimbawa, ang bilang ng mga libra ng alikabok na maaaring ilabas kada oras mula sa isang prosesong pang-industriya.
Pamantayan sa kalidad ng hangin
Ang iba't ibang dami ng pagpaparumi at tagal ng pagkahantad kung saan ang masasamang epekto sa kalusugan at kaginhawahan ay nangyayari.
Pamantayan sa Kalidad ng Hangin (Air Quality Standard, AQS)
Ang itinagubiling antas ng pamparumi sa panlabas na hangin na hindi dapat humigit sa isang ispesipikong panahon upang protektahan ang pampublikong kalusugan. Itinatag ng pareho ng pederal at pang-estadong mga gobyerno.
Pamantayan sa mga nagpaparumi sa hangin
Gaya ng iniaatas ng Batas sa Malinis na Hangin, ang EPA ay tumutukoy at nagtatatag ng mga pamantayan upang protektahan ang kalusugan at kapakanan ng tao para sa anim na pamparumi: ozone, carbon monoxide, particulate na bagay, sulfur dioxide, tingga, at nitrogen oxide. Ang katawagang "mga pamantayan sa mga nagpaparumi sa hangin" ay nanggagaling mula sa iniaatas na ang EPA ay dapat maglarawan ng mga katangian at posibleng mga epekto sa kalusugan at kapakanan ng mga pamparuming ito. Ang EPA ay nagrerepaso pana-panahon ng mga bagong datos na siyentipiko at maaaring magmungkahi ng mga pagbabago sa mga pamantayan bilang resulta.
Pambansang mga Pamantayan ng Kalidad na Nakapaligid na Hangin (National Ambient Air Quality Standards, NAAQS)
Nakabase-sa-kalusugan na mga limitasyon sa konsentrasyon ng pamparumi na itinatag ng EPA na angkop sa panlabas na hangin (Tingnan ang Mga Pamantayang Pamparumi).
Pambansang mga Pamantayan sa mga Emisyon para sa mga Mapanganib na Pamparumi ng Hangin (National Emissions Standards for Hazardous Air Pollutants, NESHAPS)
Mga pamantayan sa emisyon na itinatag ng EPA para sa mga pamparumi sa hangin na hindi saklaw ng NAAQS na maaaring maging dahil ng pagtaas sa mga pagkamatay o sa seryoso, hindi malulunasan, o nagtatanggal ng kakayahan na sakit; kabilang ang nakalalasong mga emisyon tulad ng benzene.
Panganib sa kalusugan
Ang kalamangan na ang pagkahantad sa isang set ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin ay magreresulta sa masamang epekto sa kalusugan. Ang panganib sa kalusugan ay apektado ng maraming factor: ang dami at pagiging nakalalason ng mga emisyon; ang panahon; gaano kalayo ang mga pinanggagalingan mula sa mga tao; ang distansiya sa pagitan ng mga pinanggagalingan; at ang edad, kalusugan at istilo ng pamumuhay ng mga taong naninirahan at nagtatrabaho sa lokasyon ng receptor. Ang katawagang "panganib" ay karaniwang tumutukoy sa tumaas ng panganib ng pagkakaroon ng kanser bilang resulta ng pagkahantad at ipinahahayag bilang isang kalamangan, iyon ay, mga panganib sa isang milyon.
Pangunahing pinanggagalingan
Isang pinanggagalingan na naglalabas o may potensiyal na maglabas ng higit sa 100 tonelada ng anumang pamparumi na pinangangasiwaan sa ilalim ng pederal na Batas sa Malinis na Hangin, higit sa 10 tonelada ng anumang mapanganib na mga pamparumi sa hangin, o 25 tonelada ng lahat ng mapanganib na mga pamparumi sa hangin.
Pantanggal ng grasa
Kagamitang nagtatanggal ng grasa, dumi, o di-gustong mga materyal mula sa alinmang bahagi o produkto. Ang mga pantanggal ng grasa ay pangkaraniwang gumagamit ng mga solvent, tulad ng mga liquid bath o mga condensing vapor, upang tanggalin ang naturang materyal.
Particulate
Isang partikulo ng solido o likidong bagay; duming likha ng usok, alikabok, mga aerosol, sulasok, at mist.
Permiso Upang Magpatakbo (Permit to Operate, P/O)
Isang permiso sa pagpapatakbo na iniisyu taun-taon ng Distrito ng Hangin sa mga pinanggagalingan na tumutugon sa mga iniaatas ng regulasyon.
Photochemical na proseso
ang proseso kung saan ang liwanag ng araw ay umaakto sa iba't ibang mga timplada, nagiging dahilan upang mangyari ang isang kemikal na reaksiyon.
Photochemical na Ulap-Usok
Nalilikha kapag ang mga hydrocarbon at oxides of nitrogen ay nagsasama sa liwanag ng araw upang bumuo ng ozone.
Pinagmulan
Mga timplada na sumasailalim sa kemikal o pisikal na pagbabago bago ilabas sa hangin at sa huli ay lumilikha ng mga pamparumi sa hangin. Halimbawa, ang organikong mga timplada ay mga pinagmulan ng ozone.
Pinakamababang Makakamit na Antas ng Emisyon (LAER)
Sa ilalim ng Batas sa Malinis na Hangin, ang antas ng mga emisyon na nagpapakita ng (a) pinakamahigpit na mga limitasyon sa emisyon sa plano sa pagpapatupad ng estado na tinukoy para sa isang pinanggagalingan maliban kung ang may-ari o tagapagpatakbo ay nagpapakita na ang naturang mga limitasyon ay hindi makakamit o (b) ang pinakamahigpit na mga limitasyon sa mga emisyon ay magagawa, alinman ang mas mahigpit.
Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol (Best Available Control Technology, BACT)
Ang limitasyon sa mga emisyon batay sa paggamit ng pinakamodernong mga paraan, sistema, technique, at proseso ng produksiyon na magagamit upang makamit ang pinakamataas na magagawang mga pagbawas sa emisyon. Ang mga ito ang pinakamahigpit na mga iniaatas para sa bago o binagong mga pinaggagalingan at ipinapasiya batay sa kaso bilang bahagi ng Pagsusuri ng Bagong Pinanggagalingan.
Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol (Best Available Control Technology, BACT)
Kagamitan sa pagpapatighaw sa pagpaparumi sa hangin na parehong matutupad ng teknolohiya at mabisang paggasta.
Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol (Best Available Control Technology, BACT)
Katulad ng mga pamantayan ng BACT, maliban sa ito ay angkop sa mga pinanggagalingan ng nakalalasong mga emisyon. Sa maraming kaso, ito ay katulad ng BACT. Ang limitasyon sa mga emisyon batay sa paggamit ng pinakamodernong mga paraan, sistema, technique, at proseso ng produksiyon na magagamit upang makamit ang pinakamataas na magagawang mga pagbawas sa emisyon. Ang mga ito ang pinakamahigpit na mga iniaatas para sa bago o binagong mga pinaggagalingan at ipinapasiya batay sa kaso.
Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol sa Muling Pagpapatibay (Best Available Retrofit Control Technology, BARCT)
Ang limitasyon sa mga emisyon batay sa pinakamataas na antas ng pagbawas na kayang makamit para sa mga kasalukuyang pinanggagalingan na isinasaalang-alang ang epekto sa kapaligiran, enerhiya, at ekonomiya.
Pinakamataas na Makakamit na Teknolohiya ng Pagkontrol (Maximum Achievable Control Technology, MACT)
Ang mga pamantayan ng EPA na ipinag-utos ng mga susog ng 1990 sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin para sa pagkontrol ng nakalalasong mga emisyon mula sa iba't ibang mga industriya. Ang mga industriya ay mula sa mga dry cleaner hanggang sa mga dalisayan ng petrolyo.
Plano para sa Malinis na Hangin ng Bay Area
Ang dokumento sa pagpaplano na nilikha ng Distrito ng Hangin ay tumutukoy sa lahat ng magagawang hakbang para sa pagbawas ng lebel-ng-lupa na ozone sa Bay Area gaya ng ipinag-uutos ng Batas sa Malinis na Hangin ng California.
Plano sa Kalidad ng Hangin (Air Quality Plan, AQP)
Isang planong binuo upang matamo at panatilihin ang pamantayan ng kalidad ng hangin.
Plano sa Pagpapatupad ng Estado (State Implementation Plan, SIP)
Inaprobahan ng EPA na mga plano ng estado para sa pagtatamo at pagpapanatili ng mga pambansang pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin.
Plume
Isang nakikita o masusukat na paglabas ng isang nagkokontamina mula sa isang puntong pinanggalingan na masusukat alinsunod sa Ringelmann scale.
PM10 (Particulate Matter mas mababa kaysa 2.5 na micron)
Maliliit na solido o likidong partikulo, pangkaraniwan ay mga duming likha ng usok at aerosols. Ang sukat ng mga partikulo (2.5 na micron o mas maliit, mga 0.0001 pulgada o mas maliit) ay nagpapahintulot sa mga ito na madaling makapasok sa air sacs sa loob ng mga baga kung saan ang mga ito ay maging dahilan ng masasamang epekto sa kalusugan; ang PM2.5 ay nagiging dahilan din ng pagbawas ng bisibilidad.
PM10 (particulate na bagay mas mababa kaysa 10 micron)
Maliliit na solido o likidong partikulo ng duming likha ng usok, alikabok, usok, mga sulasok, at mga aerosol. Ang sukat ng mga partikulo (2.5 micron o mas maliit, mga 0.0001 pulgada o mas maliit) ay nagpapahintulot sa mga ito na madaling makapasok sa mga air sac sa loob ng mga baga kung saan ang mga ito ay maaaring ideposito, nagreresulta sa masasamang epekto sa kalusugan. Ang PM10 ay nagiging dahilan ng pagkabawas ng bisibilidad at isang pamantayan na pamparumi sa hangin.
Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for Clean Air, TFCA)
Mga gawad ng Distrito ng Hangin sa mga pampublikong ahensiya para sa karapat-dapat na mga proyekto sa transportasyon na nagbabawas ng mga emisyon mula sa mga sasakyang de-motor.
Pugon
Isang chamber ng pagniningas; isang nakasarang istruktura kung saan ang gatong ay sinusunog upang magpainit ng hangin o materyal.
R
Radon
Isang walang-kulay, likas na nangyayari, radyoaktibo, di-gumagalaw na gas na elemento na binubuo ng radyoaktibong pagkabulok ng mga radium atom sa lupa o mga bato.
Reaktibong mga Organikong Gas (Reactive Organic Gases, ROG)
Mga uri ng organikong mga timplada, lalo na ang olefins, substituted aromatics, at aldehydes, na mabilis ang reaksiyon sa atmospera upang bumuo ng photochemical smog o ozone.
Ringelmann Chart
Isang serye ng mga chart, may numerong 0 hanggang 5, na gumagaya sa iba't ibang densidad ng usok sa pamamagitan ng paghaharap ng magkakaibang persentahe ng itim. Ang isang Ringelmann No. 1 ay katumbas ng 20% itim; ang isang Ringelmann No. 5 ay 100% itim. Ang mga ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagiging hindi tinatagusan ng liwanag o katumbas na pagkalabo ng usok na lumilitaw mula sa mga stack at ibang mga pinanggagalingan sa pamamagitan ng pagpares ng aktuwal na effluent sa iba't ibang bilang, o mga densidad, ipinababatid ng mga chart.
S
Sasakyan para sa Malinis na Hangin
Isang sasakyan na hindi gumagamit ng gasolina o diesel bilang pangunahing gatong nito at sertipikado ng CARB upang tugunan ang napakahigpit na mga pamantayan sa emisyon ng tambutso.
Sasakyang Naiaagpang ang Gatong
Ang mga sasakyan na nakakagamit ng alinman sa mga gatong na alkohol (methanol o ethanol) o isang kombinasyon ng gatong na alkohol at walang-tinggang gasolina.
Saturated Hydrocarbon
Isang organikong timplada na binubuo lamang ng karbon at hydrogan atom na walang doble o tripleng bond. Ang mga halimbawa ay ethane, methane, at propane. Ang mga ito ay hindi reaktibo, (iyon ay, hindi tumutugon sa photochemical na ulap-usok nang kasingbilis ng ibang mga organiko).
Stratosphere
Ang bahagi ng atmospera na 10 hanggang 25 milyang mas mataas kaysa ibabaw ng mundo.
Sulasok
Mga solidong partikulo na wala pang 1 micron ang diameter, nabubuo habang ang mga singaw umiigsi o habang ang mga kemikal na reaksiyon ay nangyayari.
T
Tagakuskos
Isang kagamitan na gumagamit ng mataas ang enerhiya na likidong pangwilig upang tanggalin ang aerosol at gas na pamparumi mula sa daloy ng hangin. Ang mga gas ay tinatanggal sa pamamagitan ng pagsipsip o kemikal na reaksiyon
Tagasubaybay sa Patuloy na Emisyon (Continuous Emission Monitor, CEM)
Isang uri ng kagamitan sa pagsubaybay sa emisyon na ikinakabit upang patuloy na magpatakbo sa loob ng isang stack ng usok o ibang pinanggagalingan ng mga emisyon.
Tangke sa pag-iimbak
Anumang nakapirming sisidlan, imbakan, o tangkeng ginagamit para sa pag-iimbak ng mga likido. Ang mga regulasyon ng distrito ay karaniwang ginagamit lamang sa pag-iimbak ng mga organikong likido.
Tangke sa pag-iimbak na nasa ilalim ng lupa
Ang isang tangkeng matatagpuan nang lubos o bahagi lamang sa ilalim ng lupa na idinisenyo upang hawakan ang gasolina o ibang mga produktong petrolyo o mga kemikal na solusyon.
Titulo III
Isang seksiyon ng mga susog ng 1990 sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin na humaharap sa pagkontrol ng nakalalasong mga emisyon sa hangin.
Titulo V
Isang seksiyon ng mga pagbabago ng 1990 sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin na nangangailangan ng pederal na ipinatutupad na permiso sa pagpapatakbo para sa mga pangunahing pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin.
Topograpiya
Ang kaayusan ng isang ibabaw, lalo na ang ibabaw ng mundo, kabilang ang relief at posisyon nito sa likas at gawa ng tao na mga katangian.
Troposphere
Ang layer ng atmospera na pinakamalapit sa ibabaw ng mundo. Ang troposphere palabas na umaabot nang mga 5 milya sa mga pole at 10 milya sa equator.
Tuloy-tuloy
Markado ng matagal o madalas na pangyayari, tulad ng tuloy-tuloy na sakit.
U
Ulap-Usok
Isang katawagan na ginagamit upang ilarawan ang mga problema ng pagpaparumi sa hangin. Ang ulap-usok ay isang pag-urong ng usok at fog; sa California, ito ay naglalarawan ng nakakapangati, hindi sumusulong na haze na mula sa epekto ng araw sa mga pamparumi sa hangin.