Pagpaplano para sa Pangkapaligirang Hustisya / SB 1000

Alamin ang tungkol sa mga pagsusumikap ng Air District upang itaguyod ang mahusay na pagpaplano ng komunidad at tutulungan ang mga lungsod at county ng Bay Area sa pagsasama ng mga patakaran ng pangkapaligirang hustisya sa kanilang mga update sa Pangkalahatang Plano.

Ang dokumentong gabay sa Pagpaplano ng mga Maayos na Lugar ng Air District ay hinihikayat ang mga lokal na gobyerno at mga developer na maagang tugunan at bawasan ang mga posibleng maging pagpaparumi sa hangin sa pagpaplano ng paggamit ng lupa at proseso ng pag-develop.

Ayon sa mga kinakailangan ng Batas ng Senado 1000, nagbibigay din ang Air District ng impormasyon, mga rekomendasyon at mga teknikal na tool upang tulungan ang mga lungsod at county sa pagsasama ng “mga pinakamagandang kasanayan” para sa mga patakaran ng pangkapaligirang hustisya sa kanilang mga proseso ng Pangkalahatang Pagpaplano tungkol sa kalidad ng hangin at mga nauugnay na pagsasaalang-alang ng epekto sa kalusugan ng komunidad.

Sa kabila ng malaking pagbabago sa kalidad ng hangin, ang ilan sa mga komunidad sa Bay Area ay nakakaranas pa rin ng mas mataas na mga antas ng pagpaparumi sa hangin kaysa sa iba, at kaya mas mataas ang mga insidente ng masasamang epekto sa kalusugan. Ang Programang CARE ng Air District ay hinangad na matukoy ang mga hindi proporsyong apektadong lugar na ito at pinuntirya ang mga mapagkukunan sa mga lugar na ito upang bawasan ang mga emisyon sa lugar at pagkakalantad ng publiko.

Sumusunod din ang SB 1000 sa iba pang mga kasalukuyang inisiyatiba ng estado sa pagpaplano, tulad ng AB 617, hinihikayat ang mga pagsusumikap upang mabawasan ang hindi proporsyon na mga pahirap ng polusyon sa mga komunidad na ito. Nangunguna ang Air District sa pagsuporta sa parehong mga pagsusumikap na ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga apektado sa komunidad upang matukoy ang mga partikular na patakaran at mga layunin sa pagpaplano ng paggamit ng lupa na maaaring iugnay ang lokal na pagpaplano sa mga layunin sa pagprotekta sa kalusugan at klima ng rehiyon.

SB 1000

Bagaman matagal nang nakita ng maraming lungsod at county ang pangkapaligirang hustisya at pagkakapantay-pantay sa lipunan bilang mahahalagang problema, hindi pa hiniling dati ng batas ng estado ang pagsasaalang-alang ng mga problema tungkol sa pangkapaligirang hustisya bilang bahagi ng pagpaplano ng komunidad. Sa ilang mga kaso, nagresulta ito sa nandidiskriminang mga kasanayan ng paggamit ng lupa na nagresulta sa mga pinagmumulan ng polusyon, tulad ng industriya, mga freeway o mga pasilidad ng kargamento, na malapit sa mga tahanan at mga paaralan at sa mga bakuran ng karamihan sa mga walang pribilehiyong mga komunidad. Bunga nito, ang mga komunidad na mababa ang kita at ang mga may kulay ay mas malamang na magdusa mula sa pagkakalantad sa mga nakakalasong kemikal, na humahantong sa mas mataas na bilang ng hika, mga sakit sa puso at mga kanser kaysa sa mas mayayamang komunidad.

Noong 2016, nagpasa ang Batasan ng Batas ng Senado 1000 – Paggamit ng lupa: mga pangkalahatang plano: kaligtasan at pangkapaligirang hustisya (Leyva, Chapter 587) na nag-aatas sa mga lungsod at mga county na may mga dehadong* komunidad na isama ang mga patakaran ng pangkapaligirang hustisya sa kanilang mga Pangkalahatang Plano, sa hiwalay na elemento o sa pamamagitan ng mga nauugnay na layunin, patakaran at mga layunin sa lahat ng iba pang mga elemento. Ang update na ito, o pagbabago (kung mayroon nang mga layunin sa pangkapaligirang hustisya ang lokal na gobyerno, mga patakaran at mga layunin) ay dapat mangyari kapag napagtibay o sa susunod na pagbabago ng dalawa o higit pang elemento nang sabay na nagsimula noong 2018.

Ang lahat ng hurisdiksiyon ay inaatasan na ngayong tukuyin ang mga komunidad na mababa ang kita na hindi proporsyong naaapektuhan ng polusyon at ng iba pang mga problema sa pangkapaligirang hustisya. Kapag natukoy na ang mga komuniad na ito, aatasan na ngayon ang mga hurisdiksiyon na gumawa ng mga layunin, patakaran at mga layunin upang tugunan ang pinakamababang pitong problema na may kaugnayan sa EJ:

  • Pagkakalantad sa polusyon (kasama ang kalidad ng hangin)
  • Access sa pagkain
  • Mga pampublikong pasilidad
  • Mga tahanan para sa kaligtasan at kalinisan
  • Pisikal na aktibidad
  • “Sibil” na pakikipag-ugnayan (“pakikipag-ugnayan ng komunidad”)
  • Pagbibigay ng prayoridad sa mga pagpapahusay at programa na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga dehadong komunidad.

Ang mga bagong kinakailangang ito na ayon sa batas ay alinsunod sa mga prinsipyo ng magandang pagpaplano at ang obligasyon ng mga nagpaplanong maghangad ng katarungan at pagkakapantay-pantay at pagtiyak sa pagsasama ng mas maraming tao sa paggawa ng desisyon ng publiko.

Ang pagpaplano ng pangkapaligirang hustisya ay nakapaloob sa Kodigo ng Etika at Propesyonal na Asal ng Samahan sa Amerika ng Mga Sertipikadong Tagaplano (American Institute of Certified Planners, AICP). Ang balangkas ng pagpaplano ng pangkapaligirang hustisya ay nilalayong hindi lang lutasin ang mga nakaraang hindi makatarungang mga pangkapaligirang epekto sa mga dehadong komunidad; humahantong din ito sa malaking positibong mga pamamaraan ng pagpaplano upang makamit ang mas magandang mga resulta sa kalusugan at katarungan para sa komunidad.

* Para sa mga layunin ng SB 1000, ang “mga dehadong komunidad” ay nangangahulugan sa lugar na tinukoy ng Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng California Alinsunod sa Seksyon 39711 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan O lugar na mababa ang kita na hindi proporsyong naapektuhan ng polusyon sa kapaligiran at iba pang mga panganib na maaaring humantong sa mga negatibong epekto sa kalusugan, pagkakalantad o mga pangkapaligirang pagkasira (Kodigo ng Gobyerno § 65302(h)(4)(A)). Higit pang tinutukoy ng batas ang “lugar na mababa ang kita” upang mangahulugang “isang lugar na mayroong mga kita ng sambahayan na nasa o na mababa sa 80 porsiyento ng nasa kalahating kita sa buong estado O na mayroong mga kita ng sambahayan na nasa o na mababa sa hangganan na itinalaga ng listahan ng mga limitasyon sa kita ng Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad bilang mababang kita alinsunod sa Seksyon 50093” (Kodigo ng Gobyerno § 65302(h)(4)(C)).

Suporta para sa mga Tagaplano

Mga Pagpupulong at Mga Kaganapan

Page Loading

Mag-sign Up para sa Impormasyon tungkol sa SB 1000

Mangyaring mag-sign up para sa mga update sa email sa Pagpaplano para sa Pangkapaligirang Hustisya at SB 1000
 MAG-SUBSCRIBE 

Andrea Gordon
Nakatataas na Tagaplanong Pangkapaligiran

415.749.4940 agordon@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon sa Pagpaplano

415 749-4995 planning@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 4/17/2020