Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Ang Magagawa Mo

Alamin ang magagawa mo bilang isang residente ng Bay Area upang bawasan ang Pagpaparumi sa Hangin.

Bilang isang residente ng Bay Area, maraming bagay na magagawa ka upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin:

Bawasan ang Pagmamaneho

Ang pinakamahalaga ay bawasan ang pagmamaneho - gumamit ng pampublikong paghahatid, carpool, bisikleta, o maglakad tuwing makakarating ka sa trabaho, pamilihan, o saanman na kailangan mong pumunta.  511.org at stacommutetips.org ay mahuhusay na tagatulong sa paghahanap ng paraan upang makapunta sa mga lugar nang hindi gumagamit ng kotse.

Bawasan ang pagsunog ng Kahoy

Sa taglamig, ang pagbawas sa pagsunog ng kahoy ay makakagawa ng malaking pagkakaiba sa lokal na kalidad ng hangin at tutulong na protektahan ang kalusugan ng iyong pamilya at mga kapitbahay.  Labag sa batas sa Bay Area na magsunog ng kahoy kapag ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay pinaiiral.

Iligtas ang Hangin

Ang website na Iligtas ang Hangin ay nagkakaloob ng maraming payo at tagatulong para sa pagbawas sa pagpaparumi ng hangin.

Maaari mo ring malaman kung ang kalidad ng hangin ay inaasahan na magiging hindi malusog sa pamamagitan ng pagpapatala upang makatanggap ng mga paunawa ng Alerto na Iligtas ang Hangin. Makakatanggap ka ng mga ito sa pamamagitan ng email o pag-download ng Spare the Air app para sa iPhone o Android. Ang mga alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay makukuha rin sa pamamagitan ng may-awtomasyon na tawag sa telepono.

Maaari ka ring kumonekta sa programang Iligtas ang Hangin ng Distrito ng Hangin sa Facebook, Twitter o Google para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin.

Lumahok

Kung interesado ka sa mga isyu sa kalidad ng hangin, isaalang-alang ang paglahok sa Pangkat ng Tagatulong para Iligtas ang Hangin ng Distrito ng Hangin sa iyong komunidad. Mula noong 1991, ang mga Pangkat ng Tagatulong para Iligtas ang Hangin ay nagsama-sama sa mga lokal na grupong sibil, ahensiya, negosyo, at organisasyong pangkapaligiran upang magtrabaho sa mga proyektong nagtataguyod ng mas malinis na hangin.

Maaari mo ring imbitahan ang isang tauhan ng Distrito ng Hangin sa iyong lokal na pulong ng komunidad, grupo ng mga scout, klab, paaralan, o organisasyon upang talakayin ang mga lokal na isyu sa kalidad ng hangin.

Kung ikaw ay isang estudyante sa Bay Area, sumama sa programang Iligtas ang Hangin ng Kabataan at iharap ang iyong mga ideya sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin at ng kapaligiran sa iyong mga kapantay!

Panghuli, makakaagapay ka sa mga aktibidad ng Distrito sa pamamagitan ng pagpapatala para sa elektronikong newsletter ng Distrito ng Hangin at mga paunawa sa email.


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

docked-alert-title

Last Updated: 8/3/2023