Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Katayuan sa mga Pamantayan at Pagtatamo na Kaugnay ng Kalidad ng Hangin

Tingnan ang pang-estado at pederal na pamantayan para sa 11 pamparumi sa hangin at tingnan ang katayuan sa pagtatamo ng Bay Area para sa bawat pamparumi.

Ang pederal at pang-estadong mga pamantayan sa kalidad na nakapaligid na hangin ay itinatag upang protektahan ang pampublikong kalusugan at ang klima. “Pagtatamo” na katayuan para sa isang pamparumi ay nangangahulugang ang Distrito ng Hangin ay nakakatugon sa pamantayang itinatag ng Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. (pederal) o Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng California (estado). Ang patuloy na pagsubaybay sa hangin ay tumitiyak na ang mga pamantayang ito ay natutugunan at napapanatili.

Pamparumi Pag-average ng
Oras
Mga Pamantayan ng California1 Mga Pambansang Pamantayan2
Konsentrasyon Katayuan ng Pagtatamo Konsentrasyon3 Katayuan ng Pagtatamo
ozone 8 oras 0.070 ppm
(137µg/m3)
N9 0.075 ppm N4
1 Oras 0.09 ppm
(180 µg/m3)
N   Tingnan ang Tala #5
Carbon Monoxide
8 Oras


9 ppm
(10 mg/m3)


A


9.0 ppm
(10 mg/m3)


A6
1 Oras 20 ppm
(23 mg/m3)
A 35 ppm
(40 mg/m3)
A
nitrogen dioxide
1 Oras


0.18 ppm
(339 µg/m3)

A
0.100 ppm
Tingnan ang Tala #11
U
Annual Arithmetic Mean

0.030 ppm

(57 µg/m3)

 

0.053 ppm

(100 µg/m3)

A
Sulfur Dioxide
Tingnan ang Tala #12


24 na Oras


0.04 ppm
(105 µg/m3)


A


0.14 ppm
(365 µg/m3)
 A

1 Oras

0.25 ppm
(655 µg/m3)
A 0.075 ppm
(196 µg/m3)
A
Annual Arithmetic Mean     0.09 ppm
(180 µg/m3)
A
Particulate na Bagay (PM10)

Annual Arithmetic Mean
20 µg/m3 N7    
24 na Oras 50 µg/m3 N 50 µg/m3 U
Particulate na Bagay - Pino (PM2.5)

Annual Arithmetic Mean

12 µg/m3

N7

12 µg/m3
Tingnan ang Tala #15

U/A
24 na Oras     35 µg/m3
Tingnan ang Tala #10
N


mga sulfate


24 na Oras


25 µg/m3


A
   
Tingga
Tingnan ang Tala #13


30 araw na Average
1.5 µg/m3  
-


A
Calendar Quarter -   1.5 µg/m3 A
Rolling 3 Month
Average14
-   0.15 µg/m3
Tingnan ang Tala #14


Hydrogen Sulfide (H2S)


1 Oras


0.03 ppm
(42 µg/m3


U
   


Vinyl Chloride (chloroethene)


24 na Oras


0.010 ppm
(26 µg/m3


Walang makukuhang impormasyon
   


Mga Partikulong Nagbabawas ng Bisibilidad

8 Hour
(10:00 to 18:00 PST)
Tingnan ang Tala #8
U
   
A=Attainment (Pagtatamo) N=Nonattainment (Di-pagtatamo) U=Unclassified (Hindi klasipikado)
µg/m3= mga microgram kada cubic meter mga bahagi kada milyon mg/m3=mga milligram kada cubic meter
MGA TALA
  1. Mga pamantayan ng California para sa ozone, carbon monoxide (maliban sa Lake Tahoe), sulfur dioxide (1-oras at 24-na-oras), nitrogen dioxide, suspendidong particulate na bagay - PM10, at mga partikulong nagbabawas ng bisibilidad ay mga value na hindi dapat higitan. Ang mga pamantayan para sa mga sulfate, carbon monoxide, tingga, hydrogen sulfide, at vinyl chloride sa Lake Tahoe ay hindi dapat pantayan o higitan. Kung ang pamantayan ay para sa isang 1-oras, 8-oras o 24-na-oras na average (iyon ay, lahat ng mga pamantayan maliban sa tingga at ang taunang pamantayan sa PM10), saka ang ilang pagsukat ay maaaring hindi isama. Sa partikular, ang mga pagsukat ay hindi isinasama na ipinasiya ng ARB na mangyayari nang mas madalang kaysa minsan sa isang taon sa average. Ang Lake Tahoe CO standard ay 6.0 ppm, isang antas na kalahati ng pambansang pamantayan at dalawang-ikatlo ng pamantayan ng estado.
  2. Ang mga pambansang pamantayan na ipinakikita ay ang "pangunahing pamantayan" na idinisenyo upang protektahan ang pampublikong kalusugan. Ang mga pambansang pamantayan na iba sa ozone, mga particulate at ang mga batay sa mga taunang average ay hindi dapat higitan nang higit sa minsan sa isang taon. Ang 1-oras na pamantayan sa ozone ay natatamo kung, sa panahon ng pinakahuling tatlong-taong panahon, ang average na bilang ng mga araw kada taon na may pinakamataas na orasang mga konsentrasyon na mas mataas sa pamantayan ay kapantay o mas mababa kaysa isa. Ang 8-oras na pamantayan sa ozone ay natatamo kapag ang 3-taong average ng ika-4 na pinakamataas na arawang mga konsentrasyon ay 0.075 ppm (75 ppb) o mas mababa. Ang 24-na-oras na pamantayan sa PM10 ay natatamo kapag ang 3-taong average ng 99th percentile ng sinusubaybayang mga konsentasyon ay mas mababa kaysa 150 µg/m3. Ang 24-na-oras na pamantayan sa PM2.5 ay natatamo kapag ang 3-taong average ng 99th percentile ay mas mababa kaysa 35 µg/m3.

    Maliban sa mga pambansang pamantayan sa particulate, ang mga taunang pamantayan ay natutugunan kung ang taunang average ay pumapatak nang mas mababa kaysa pamantayan sa bawat lugar. Ang pambansang pamantayan sa taunang particulate para sa PM10 ay natutugunan kung ang 3-taong average ay pumapatak nang mas mababa kaysa pamantayan sa bawat lugar. Ang taunang pamantayan sa PM2.5 ay natutugunan kung ang 3-taong average ng taunang mga average na ginawan ng pag-average ng espasyo sa opisyal na idinisenyong mga kumpol ng mga lugar ay pumapatak nang mas mababa kaysa pamantayan.
  3. Ang mga pambansang pamantayan sa kalidad ng hangin ay itinatatag ng US EPA sa mga antas na ipinasiyang nagpoprotekta sa pampublikong kalusugan na may sapat na mardyin ng kaligtasan.
  4. Mga pangwakas na designasyon simula sa ika-20 ng Hulyo, 2012.
  5. Ang pambansang pamantayan sa 1-oras na ozone ay pinawalang-bisa ng U.S. EPA noong ika-15 ng Hunyo, 2005.
  6. Noong Abril 1998, ang Bay Area ay muling itinalaga sa pagtatamo para sa pambansang 8-oras na pamantayan sa carbon monoxide.
  7. Noong Hunyo 2002, ang CARB ay nagtatag ng bagong taunang mga pamantayan para sa PM2.5 at PM10.
  8. Pambuong-estadong Pamantayan sa VRP (maliban sa Lake Tahoe Air Basin): Ang mga partikulo na may sapat na dami upang lumikha ng extinction coefficient ng 0.23 kada kilometro kapag ang relatibong humidity ay mas mababa kaysa 70 porsiyento. Ang pamantayang ito ay nilalayong limitahan ang dalas at tindi ng paghina ng bisibilidad dahil sa panrehiyong haze at kapantay ng isang 10-milyang nominal visual range.
  9. Ang 8-oras na pamantayan sa ozone ng CA ay inaprobahan ng Lupon ng mga Tagatulong ng Hangin noong April 28, 2005 at nagkabisa noong May 17, 2006.
  10. Noong Enero 9, 2013, ang EPA ay nag-isyu ng pangwakas na tuntunin upang malaman na ang Bay Area ay nagtatamo ng 24-na-oras na pambansang pamantayan sa PM2.5. Itong tuntunin ng EPA ay nagsususpinde ng mga pangunahing iniaatas ng SIP hanggang nagpapatuloy ang mga datos ng pagsubaybay upang ipakita na ang Bay Area ay nagtatamo ng pamantayan. Sa kabila nitong aksiyon ng EPA, ang Bay Area ay patuloy na itatalaga bilang isang “di-nagtatamo” para sa pambansang 24-na-oras na pamantayan sa PM2.5 hanggang sa naturang panahon na magsumite ang Distrito ng Hangin ng isang “paghiling muling designasyon” at isang “plano sa pagpapanatili” sa EPA, at inaprobahan ng EPA ang iminumungkahing muling designasyon.
  11. Upang matamo ang pamantayang ito, ang 3-taong average ng 98th percentile ng arawang pinakamataas na 1-oras na average sa bawat pagsubaybay sa loob ng isang lugar ay hindi dapat humigit sa 0.100ppm (magsisimula sa ika-22 ng Enero, 2010).
  12. Noong ika-2 ng Hunyo, 2010, ang U.S. EPA ay nagtatag ng isang bagong 1-oras na pamantayan sa SO2, simula noong ika-23 ng Agosto, 2010, na batay sa 3-taong average ng taunang 99th percentile of 1-oras na arawang pinakamataas na mga konsentrasyon.  Ang kasalukuyang 0.030 ppm annual at 0.14 ppm 24-hour SO2 NAAQS gayunman ay dapat magpatuloy na gamitin hanggang isang taon kasunod ng mga unang designasyon ng U.S. EPA ng bagong 1-oras na SO2 NAAQS.  Ang EPA ay umaasang italaga na mga lugar bagong lumampas ang Hunyo 2012.
  13. Ang ARB ay tumukoy sa tingga at vinyl chloride bilang ‘nakalalasong nagkokontamina sa hangin’ na walang threshold na antas ng pagkahantad na ang mas mababa dito ay walang masasamang epekto sa kalusugan na nalaman.
  14. Ang pambansang pamantayan sa tingga, gumugulong na 3-buwan na average: pangwakas na tuntunin na pinirmahan noong ika-15 ng Oktubre, 2008. Mga pangwakas na designasyon na magkakabisa sa ika-31 ng Disyembre 31, 2011. 
  15. Noong Disyembre 2012, pinalakas ng EPA ang taunang Pambansang mga Pamantayan ng Kalidad na Nakapaligid na Hangin (National Ambient Air Quality Standards, NAAQS) sa PM 2.5 mula sa 15.0 patungo sa 12.0 NA mga microgram kada cubic meter (μg/m3). Noong Disyembre 2014, nag-isyu ang EPA ng pangwakas na mga designasyon ng lugar para sa 2012 na pangunahing taunang PM 2.5 NAAQS. Ang mga lugar na itinalagang “hindi makaklasipika/nagtatamo” ay dapat magpatuloy na gumawa ng mga hakbang upang pigilan ang kalidad ng kanilang hangin na mauwi sa hindi malusog na mga antas. Ang petsa ng pagkakabisa ng pamantayang ito ay ika-15 ng Abril, 2015.


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

docked-alert-title

Last Updated: 1/5/2017