Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Laboratoryo at Pagsusuri ng Pinanggagalingan

Alamin kung paano ng mga seksiyon ng Laboratoryo at Pagsusuri ng Pinanggagalingan ay sumusukat at nagsusuri: mga sampol mula sa network ng pagsubaybay, mga sampol sa field at kinokontrol na mga emisyon ng pasilidad.

Laboratoryo

Ang Seksiyon ng Laboratoryo (Lab) ay nagkakaloob ng mga serbisyong teknikal at suporta sa mga tauhan ng Distrito ng Hangin sa pamamagitan ng pagsusuri ng maraming magkakaibang sampol para sa posibleng aksiyon sa pagpapatupad. Ang Lab ay may kakayahan ding magsuri ng iba't ibang sampol sa panahon at pagkatapos ng mga episode. Ang Lab ay lumalahok paminsan-minsan sa mga espesyal na proyekto bilang suporta sa maraming magkakaibang ahensiya at institusyon upang gumawa ng panrelihiyon at lokal na pagsubaybay ng kalidad ng hangin.

Ang Lab ay gumagawa rin ng mga pagsusuri bilang suporta sa mga programa ng USEPA, estado at Distrito ng Hangin upang subaybayan ang kalidad ng hangin sa Bay Area at sinusuri ng mga ito, at ibang mga ahensiya upang panatilihin at natatanging mga pamantayan sa pagkontrol ng kalidad. Ang mga pampublikong paglilibot sa Lab ay makukuha kapag hiniling.

Pagsusuri ng Pinanggagalingan

Ang Seksiyon na Pagsusuri ng Pinanggagalingan ay nagkakaloob ng kadalubhasaan at kagamitan upang malaman ang uri at bilang ng mga pamparumi na inilalabas mula sa mga pinanggagalingan sa pamamagitan ng mga sampol na mga effluent stream. Ang pagbilang ng mga emisyon ng pamparumi ay nagpapahintulot sa Distrito ng Hangin na malaman kung ang pinanggagalingan ay sumusunod sa mga regulasyon na pangkapaligiran. Ang pagsunod ay nakakamit sa iba't ibang mga paraan; kabilang ang, pero hindi limitado sa, pagsasagawa ng mga pagsusuri ng pinanggagalingan, pagrepaso at pagpapasiya ng pagiging katanggap-tanggap ng ikatlong-partidong mga pagsusuri ng pinanggagalingan, pagsasagawa ng mga pagsusuri ng pagganap sa mga sistema ng Tagasubaybay sa Patuloy na Emisyon (Continuous Emission Monitor, CEM) at Pagsubaybay ng Hinuhulaang mga Emisyon (Predictive Emissions Monitoring, PEM), at pagsasagawa ng mga pagsusuri ng pagsunod sa mga pasilidad ng pamamahagi ng gas (GDFs).

Ang mga kontak para sa iba't ibang mga uri ng pagsusuri ng pinanggagalingan na isinasagawa ng Distrito ng Hangin ay ang mga sumusunod:

Mga Sistema ng Pagsubaybay sa Patuloy na Emisyon (Continuous Emission Monitor, CEM at PEM)

William “Bill” Hammel
Nakatataas na Inhinyero ng Kalidad ng Hangin
415-749-4605

Pagbawi ng Singaw ng Gasolina: GDF, Pagkakarga at mga Terminal na Pandagat

Marco Hernandez
Nakatataas ng Inhinyero ng Kalidad ng Hangin
415-749-5112

Particulate, mga Metal, Wet Chemistry na Pagsusuri

Bradley "Brad" Kino
Inhinyero ng Kalidad ng Hangin
415-749-5140

Pabagu-bago na Organikong mga Timplada: Mga Pamahid, mga Solvent, Tuyong Paglilinis

Elaine Ko
Inhinyera ng Kalidad ng Hangin
415-749-4604

Pagrepaso ng Pagsusuri ng Tagalabas na Kontratista (non-GDF Tests)

Tim Underwood
Pangunahing Inhinyero ng Kalidad ng Hangin
415-749-4612

Mga Pasilidad ng Pamamahagi ng Gasolina, Pagsusuri ng Istasyon ng Gas

Hiroshi Doi
Nangangasiwang Tekniko ng Kalidad ng Hangin
415-749-4603

Pangkalahatang Impormasyon, Mga Katanungan sa Pagsusuri

Charles “Chuck” McClure
Nangangasiwang Inhinyero ng Kalidad ng Hangin
415-749-4608 


Laboratoryo

415 749-5014


Pagsusuri ng Pinagkukunan

415 749-4607

docked-alert-title

Last Updated: 8/16/2018