Data at Mga Talaan

Simula nang mag-umpisa ang programang Iligtas ang Hangin noong 1991, nagpanatili na ang Distrito ng Hangin ng mga talaan para sa bilang ng mga inilalabas na alerto bawat taon.

Historikal na Datos sa Particulate Matter

May iba't ibang laki ang particulate matter, o PM, kung saan nagdudulot ng mas matinding panganib sa pampublikong kalusugan ang mas maliliit at pinong particle. Tumutukoy ang PM 2.5 sa mga particulate na 2.5 micron o mas maliit, humigit-kumulang 1/28 ng laki ng buhok ng tao.

Ang PM 2.5 na pamantayan ay ipinakilala ng pederal na pamahalaan noong 2000 at pinagtibay noong 2006. Ang pambansang 8 oras na pamantayan para sa PM 2.5 ay 35 micrograms per cubic meter.

Nakalista sa mga talahanayan sa ibaba ang dami ng pagtawag ng Araw ng Iligtas ang Hangin dahil na-forecast na lalampas sa mga pambansang pamantayan ang PM, pati na rin ang dami ng mga araw kung kailan opisyal na lumampas ang mga konsentrasyon ng PM sa mga pang-estado at pederal na pamantayan sa nakabatay sa kalusugang kalidad ng hangin.

Bago ang tag-init 2020, ang mga alerto na Iligtas ang Hangin para sa PM na ito ay tinatawag na mga araw ng Iligtas ang Hangin sa Taglamig na inilalabas lang sa isang partikular na panahon ng Iligtas ang Hangin sa Taglamig tuwing Nobyembre-Disyembre. Dahil puwedeng mangyari buong taon ang mga paglampas ng PM, lalo na dahil sa mga wildfire, sinusugan ng Air District ang Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy nito noong 2019 para alisin ang kategoryang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig.

Para sa dahilang iyon, may dalawang talahanayan sa ibaba: isang talahanayan ng taon ng kalendaryo, at isa pang nagpapakita ng datos mula 2020 at mas maaga pa batay sa mga partikular na panahon ng Iligtas ang Hangin sa Taglamig.

 

Ayon sa Taon
Taon
Mga Alerto ng Iligtas ang Hangin
Pambansang 24 na Oras PM 10 Labis na Araw
CA 24 na Oras PM 10 Labis na Araw
Pambansang 24 na Oras PM 2 5 Labis na Araw
2022  0  0  0  0
2021 5
0 0 2
2020 46
0 0 25
2019 3
0 5 1
2018 18 1 6 18
2017 28 0 6 18
2016 5 0 0 0
2015 17 0 0 6
2014 13 0 2 3
2013 33 0 6 13
2012 5 0 1 3
2011 12 0 3 8
2010 6 0 2 6
2009 9 0 1 11
2008 6 0 5 12
2007 23 0 4 14
2006 12 0 15 10
2005 0 0 6 0
2004 0 0 7 1
2003 0 0 6 0
2002 1 0 9 7
2001 0 0 12 5
2000 0 0 7 1
1999 0 0 12 N/A
1998 0 0 5 N/A
1997 0 0 4 N/A
1996 0 0 3 N/A
1995 0 0 7 N/A
1994 3 0 9 N/A
1993 0 0 10 N/A
1992 1 0 18 N/A
1991 11 2 18 N/A

 

Ayon sa Panahon (Nobyembre - Pebrero)
Panahong Iligtas ang Hangin sa Taglamig
Mga Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig
Buong Bansa 24 na Oras PM 10 Labis na Araw
CA 24 na Oras PM 10 Labis na Araw
Buong Bansa 24 na Oras PM 2 5 Labis na Araw
2019-2020 2 0 0 0
2018-2019 4 0 0 1
2017-2018 19 0 0 7
2016-2017 7 0 0 0
2015-2016 1 0 0 0
2014-2015 23 0 0 6
2013-2014 30 0 7 15
2012-2013 10 0 1 1
2011-2012 15 0 4 11
2010-2011 4 0 0 1
2009-2010 7 0 2 9
2008-2009 11 0 0 13
2007-2008 6 0 3 7
2006-2007 30 0 6 20
 
24 na Oras PM na Mga Pamantayan
  • Ang pambansang 24 na oras na pamantayan para sa kalidad ng hangin para sa PM 10 ay itinakda sa 150 micrograms per cubic meter ng PM 10 sa nakapaligid na hangin, na na-average sa loob ng 24 na oras.
  • Ang California 24 na oras na pamantayan para sa PM 10 ay itinakda sa 50 micrograms per cubic meter sa nakapaligid na hangin, na na-average sa loob ng 24 na oras.
  • Ang pambansang 24 na oras na pamantayan para sa PM 2.5 ay itinakda sa 35 micrograms per cubic meter ng PM 2.5 sa nakapaligid na hangin, na na-average sa loob ng 24 na oras. (Bago ang 2006, nakatakda ang pamantayan sa 65 micrograms per cubic meter.)
  • Kasalukuyang nasa proseso ng pagtukoy ang California 24 na oras na pamantayan para sa PM 2.5.