Data at Mga Talaan

Simula nang mag-umpisa ang programang Iligtas ang Hangin noong 1991, nagpanatili na ang Distrito ng Hangin ng mga talaan para sa bilang ng mga inilalabas na alerto bawat taon.

Inililista ng talahanayan sa ibaba ang bilang ng mga araw ng Iligtas ang Hangin na inilabas para sa Bay Area bawat taon, pati ang bilang ng mga araw kung kailan lumampas ang concentration ng ozone sa mga pamantayan sa kalusugan ng estado at pederal kaugnay ng kalidad ng hangin. Simula noong 2020, ipinapakita na ng talahanayang ito ang bilang ng mga inilabas na araw ng Iligtas ang Hangin, para sa ozone o PM, o parehong pollutant.

Taon
Mga Araw na Iligtas ang Hangin
Mga Araw na Sumobra sa 1 Oras sa Buong Bansa
Mga Araw na Sumobra sa 8 Oras sa Buong Bansa
Mga Araw na Sumobra sa 1 Oras sa CA
Mga Araw na Sumobra sa 8 Oras sa CA
2022 2 * 2 0 2
2021 16 * 9**** 5 9
2020 52 * 9**** 6 10
2019 26 * 9**** 6 9
2018 13 * 3**** 2 3
2017 18 * 6**** 6 6
2016 27 * 15 5 15
2015 9 * 5 4 11
2014 10 * 5 3 10
2013 6 * 3 3 3
2012 10 * 4 3 8
2011 8 * 4 5 10
2010 10 * 9 8 11
2009 14 * 8 11 13
2008 13 * 12**** 9 20
2007 2 * 1 4 9
2006 11 * 12 18 22
2005 1 * 1 9 9
2004 4 0 0 7 ***
2003 9 1 7 19 ***
2002 7 2 7 16 ***
2001 5 1 7 15 ***
2000 5 3 4 12 ***
(1999 11 3 9 20 ***
1998 23 8 16 29 ***
1997 3 0 ** 8 ***
1996 25 8 ** 34 ***
1995 24 11 ** 28 ***
1994 12 2 ** 13 ***
1993 19 3 ** 19 ***
1992 7 2 ** 23 ***
1991 11 2 ** 23 ***

 

Ipinapakita ng talaan para sa dating data ng ozone ang mga update sa mga pamantayan ng EPA.

* Binawi ang 1 oras na pamantayan sa ozone sa buong bansa noong Hunyo 15, 2005.
** Ipinatupad ang 8 oras na pamantayan sa ozone na 0.08 ppm sa buong bansa noong 1998. Noong Mayo 27, 2008, nagpatupad ang Ahensya para sa Proteksyon ng Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA) ng U.S. ng mas mahigpit na 8 oras na pamantayan sa ozone na 0.075 ppm sa buong bansa. Noong Disyembre 2015, nagpatupad ang EPA ng U.S. ng mas mahigpit pang 8 oras na pamantayan sa ozone na 0.070 ppm sa buong bansa.
*** Nagkaroon ng bisa ang 8 oras na pamantayan sa ozone ng California noong Mayo 17, 2006. Nagsimulang magtabi ng mga talaan ang Distrito ng Hangin para sa pamantayan noong 2005. Nakatakda ang pamantayan sa 70 parts per billion ng ozone sa nakapaligid na hangin, na average ng 8 oras.
**** Sa ilan sa mga araw na ito na may exceedance, posibleng tumindi ang concentration ng ozone dahil sa mga emisyong dulot ng wildfire. Hindi ito nangangahulugang mga emisyon lang na dulot ng wildfire ang nagsanhi sa mga nasabing exceedance sa ozone.