Ano ang Iligtas ang Hangin?

Ang Iligtas ang Hangin ay ginawa ng Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area noong 1991 para alertuhin ang mga residente kapag tinatayang makakasama sa kalusugan ang kalidad ng hangin, at para magbahagi ng impormasyon tungkol sa mga paraan para mabawasan ang polusyon sa hangin.

Mula sa mga pang-araw-araw na tool na madaling gamitin—gaya ng mga tip sa pagko-commute—at resource para sa kalidad ng hangin, gaya ng mga paliwanag ng mga pangunahing pinagmumulan ng pollutant sa hangin at epekto ng mga ito sa kalusugan, nakatuon ang Iligtas ang Hangin sa pagbibigay-kaalaman at pagtulong sa mga residente na pumili ng mga pagkilos na magpapaganda sa kalidad ng hangin at gagawing mas naaangkop para sa paninirahan at mas malayo sa sakit ang Bay Area.

Kasama sa Iligtas ang Hangin ang pitong county ng Bay Area pati ang kalahati ng county ng Solano at Sonoma. Nakaayos ang mga county sa limang zone ng pag-uulat, at ipinapakita ng Mapa ng Pagtataya sa Kalidad ng Hangin ang pagtataya sa kalidad ng hangin para sa rehiyon.

Iligtas ang Hangin Araw-araw

Ang pinakamahusay na paraan para mapaganda ang kalidad ng hangin araw-araw ay ang bawasan ang pagmamaneho. Ang mga sasakyan, light duty truck, at iba pang sasakyan ang pinakamalaking pinagmumulan ng polusyon sa hangin, na 75 porsyento ng mga emisyon. Baguhin ang pagko-commute mo at tumulong na mas paluwagin ang paghinga sa Bay Area.

Ang mga emisyon mula sa mga sasakyan, truck, kagamitan sa konstruksyon, gasolinahan, refinery, at iba pang pinagmumulan ay may mga organic na compound at oxide ng nitrogen na gumagawa ng ozone sa ground, o “smog,” kapag nagre-react ang mga ito sa sikat ng araw.

Bagama't araw-araw napo-produce ang ozone, madalas ay hindi ito umaabot sa concentration na nakakasama sa kalusugan kapag mas malamig ang temperatura at hindi pabagu-bago ang ihip ng hangin. Sa mas maiinit na buwan sa Bay Area mula Abril hanggang Oktubre, kapag mas mahaba at mainit ang mga araw, puwedeng umabot ang ozone sa mga antas na lumalabag sa mga pederal na pamantayan sa kalusugan. Kapag inaasahan itong mangyari, naglalabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin. Matuto pa tungkol sa mga epekto ng ozone sa kalusugan.

Iligtas ang Hangin sa Taglamig

Mula Nobyembre hanggang Pebrero, ang pangunahing pollutant sa hangin ay particulate matter. Ang particulate matter ay binubuo ng mga microscopic na solid o liquid na particle. Ang mga particle na may diameter na wala pang 10 micrometer ay puwedeng magdulot ng mga malalang problema sa kalusugan, kung saan ang mga “pinong” particle, na may sukat na wala pang 2.5 micrometer - na tinatawag ding PM.2.5 - ang pinakamapanganib.

Madaling naba-bypass ng mga pinong particle ang mga natural na filter ng katawan sa ilong at lalamunan, at puwedeng malanghap ang mga ito patungo sa mga baga, kung saan puwedeng mapunta ang mga ito sa bloodstream. Matuto pa tungkol sa mga panganib sa kalusugan ng particulate matter.

Sa mas malalamig na buwan ng taglamig, mahigit sa one-third ng polusyong dulot ng particulate ang nagmumula sa kahoy. Sa ilang araw, sa ilang partikular na lugar, puwedeng hanggang sa 90 porsyento ng polusyong dulot ng particulate ang manggaling sa usok na dulot ng kahoy.

Sa malalamig na kalmadong araw, puwedeng ma-trap ng inversion layer ang usok na dulot ng kahoy malapit sa ground, na kadalasang nabubuo kapag may layer ng mainit na hangin na tumatakip sa layer ng mas malamig na hangin. Kapag may inversion, napipigilang umakyat ang hangin mula sa ibaba, na nagiging dahilan para maipon ang mga pollutant.

Kapag inaasahan ang mga kundisyong ito, naglalabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin para sa polusyong dulot ng pinong particulate. Sa panahon ng alerto, ilegal ang paggamit ng lahat ng device para sa pagsunog ng kahoy indoors at outdoors.

Isinabatas ng Distrito ng Hangin ang regulasyon nito sa pagsunog ng kahoy noong Hulyo 2008, kung saan ilegal magsunog ng kahoy, panggatong, pellet, o iba pang solid na fuel sa mga fireplace, wood stove, outdoor na fire pit, o iba pang device para sa pagsunog ng kahoy kapag may ipinapatupad na Alerto na Iligtas ang Hangin para sa polusyong dulot ng pinong particulate. Manatiling updated sa mga panuntunan at pagsunod sa pagsunog ng kahoy.

Sa loob ng maraming taon, sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero lang naglalabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin na nagbabawal sa pagsunog ng kahoy. Gayunpaman, simula noong 2019, puwede nang maglabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin na nagbabawal sa pagsunog ng kahoy para sa polusyong dulot ng particulate sa buong taon, lalo na kapag may mga wildfire na nakakaapekto sa Bay Area.