Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy
Noong 2008, nagpasa ang Air District ng isang panuntunan na ginagawang ilegal na magsunog ng kahoy sa mga araw kung saan epektibo ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin para sa polusyon sa particulate. Ipinatupad ang regulasyong ito para protektahan ang pampublikong kalusugan, at orihinal na inilapat lang sa mga buwan ng taglamig sa pagitan ng Nobyembre at Pebrero.
Noong 2019, sinusugan ang panuntunan para i-extend ang pagbabawal sa pagsunog ng kahoy at isama ang anumang araw sa buong taon kapag epektibo ang Alerto na Iligtas ang Hangin dahil sa matataas na antas ng polusyon ng pinong particulate, gaya sa isang wildfire.
Ang mga pinong particle sa usok ng kahoy ay humigit-kumulang 1/70 ng lapad ng buhok ng tao. Puwedeng malusutan ng mga ito ang mga natural na sistema ng depensa ng katawan sa ilong at lalamunan, pumasok sa mga baga at daluyan ng dugo, at magdulot ng mga seryosong epekto sa kalusugan. Dahil sa matataas ng antas ng polusyon ng pinong particle, puwede maging mahirap ang paghinga, lumubha ang hika, at magdulot ng maagang pagkamatay para sa mga taong may sakit sa puso o baga.
Sa mga buwan ng taglamig, ang usok ng kahoy ang pinakamalaking pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa Bay Area, na pinagmumulan ng mahigit one-third ng polusyon ng pinong particulate matter. Sa malalamig at kalmadong araw kung kailan may layer ng pagsaliwa ng mainit na hangin na nagsisilbing hati sa layer ng malamig na hangin, nagsasama-sama ang usok ng kahoy sa antas lupa hanggang sa mga nakakasamang konsentrasyon.
Kapag inaasahan ang mga kundisyong ito, tatawag ang Air District ng Alerto na Iligtas ang Hangin para sa polusyon sa particulate, kung saan hindi papayagan ang paggamit ng mga fireplace, outdoor na fire pit, at wood stove. Para sa higit pang impormasyon, at para mag-file ng reklamo sa pagsunog ng kahoy, puwede kang tumawag sa 1-877-4NO-BURN (1-877-466-2876).
Mga Hot Tip para sa Malinis na Hangin
Kapag tinawag ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin dahil sa matataas na antas ng polusyon ng pinong particulate, dahil sa regulasyon sa pagsunog ng kahoy ng Air District, nagiging ilegal, indoors at outdoors, sa buong Bay Area na magsunog na kahoy, panggatong, pellet, o iba pang solid na gatong sa fireplace, wood stove, outdoor na fire pit, o iba pang device sa pagsunog ng kahoy. Nalalapat ang regulasyong ito sa mga sambahayan at negosyo tulad ng mga hotel at restaurant.
Ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay bibigyan ng opsyon na kumuha ng klase para magkaroon ng kaalaman tungkol sa usok ng kahoy, online o sa sulat, o pagbabayad ng $100 na ticket. Ang pangalawang mga paglabag ay magreresulta sa $500 na ticket, at ang mga halaga ng susunod na ticket ay mas mataas.
Iwasang makatanggap ng ticket sa pamamagitan ng mga hakbang na ito.
Magtinging ng Mga Alerto Bago Ka Magsiga
Huwag kailanmang mapag-iwanan sa isang alerto sa pamamagitan ng pag-signi up para sa Mga Alerto na Iligtas ang Hangin. I-customize ang iyong alerto para sa text, email, o tawag sa telepono.
Ipo-post din ang Mga Alerto na Iligtas ang Hangin sa website at social media page ng Iligtas ang Hangin at Air District (Facebook, Twitter, at Instagram). Maraming lokal na radyo at TV news media ang nagbabalita rin ng mga alerto.
Patuloy na Sumunod
Maliban sa pagiging ilegal ng pagsunog ng kahoy sa Mga Araw ng Iligtas ang Hangin na iniisyu para sa polusyon sa pinong particle, may iba pang probisyon sa Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy.
Ipinagbabawal ang mga device sa pagsunog ng kahoy sa mga bagong gusali na itinayo sa Bay Area. Pinapahintulutan ang mga gas-fueled na fireplace at log, gas insert, at electrical na fireplace.
Ang sinumang residente na magsisimula ng proyekto sa chimney o remodeling, na nagkakahalaga ng mahigit $15,000 at nangangailangan ng permit sa pagpapatayo, ay puwede lang mag-install ng device na gas-fueled, electric, o EPA-certified. Ang mga residenteng ang pinagmumulan lang ng init ay pagsunog ng kahoy ay inaatasang gumamit ng EPA-certified na device, nakarehistro sa Air District. Hindi na kwalipikado sa pagbubukod ang mga open hearth na fireplace.
Alamin ang Sinusunog Mo
Nagtakda ang Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy ng pambuong taon na pagbabawal sa labis na usok mula sa chimney. Lumalabag ang usok kapag nakakaharang ito sa mga bagay na nakikita rito nang mahigit 20 porsyento. Puwedeng magresulta sa paglabag ang multa.
Ipinagbabawal din sa buong taon ang pagsunog na basura, mga plastic, o iba pang makakasamang materyal sa mga fireplace at wood stove.
Magsunog lang ng malinis at tuyong kahoy, ibig sabihin, mga hot fire, at hanapin ang “seasoned” na label na ipinag-aatas sa mga supplier ng Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy. Ang seasoned na kahoy ay mababa ang moisture content at mas malinis na nasusunog. Bago bumili, mag-install, o mag-operate ng device na nagsusunog ng kahoy, tingnan kung EPA-certified ang device.
Bagama't hindi ipinagbabawal ang mga apoy para sa pagluluto sa Mga Alerto na Iligtas ang Hangin, isaalang-alang ang pampublikong kalusugan at isaisip ang kalidad sa mga panahong ito. Pag-isipan ang paggamit ng gas o propane barbecue sa halip ng device sa pagluluto na ginagamitan ng kahoy o uling.
Mga Pagbubukod
Hindi ganap na ipinagbabawal ng Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy ang mga fireplace at wood stove, at hindi rin nito ganap na ipinagbabawal ang pagsusunog ng kahoy sa Bay Area. Hindi rin nito ipinag-aatas ang pagpapalit ng mga kasalukuyang fireplace o wood stove.
Tulong sa Pananalapi
Ang impormasyon tungkol sa mga programa sa tulong sa pananalapi para sa pagbabayad ng mga pangangailangan sa pagpapainit ng tahanan ay available sa English, Spanish, at Vietnamese.