Pledge na I-flex ang Pagko-commute Mo

Ang I-flex ang Pagko-commute Mo (Flex Your Commute) ay isang bagong kampanyang nagbibigay ng mga resource sa mga employer para matulungan silang bumuo ng mga programa sa pagko-commute para sa kanilang mga empleyado. Mahalaga ang tungkulin ng mga employer sa paghikayat sa kanilang mga empleyado na mag-commute sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, pagbibisikleta, pag-carpool, pag-vanpool, paglalakad, o paggamit ng telework. Ang layunin ay pabutihin ang kalagayan ng mga empleyado at tumulong na panatilihin ang mahuhusay na empleyado habang gumagawa ng kultura ng inobasyon sa pagko-commute. Sa Bay Area, transportasyon ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin, mga greenhouse gas, at pagsisikip ng trapiko. Ilang oras na nagmamaneho nang mag-isa ang mga commuter, na gumagamit ng oras at pera nila at ng kanilang mga employer. Kung isusulong ng mga employer ang mga sustainable na kasanayan sa pagko-commute, mababawasan ang stress sa empleyado at mapapabuti ang kanilang kalusugan.

Ang Pledge na I-flex ang Pagko-commute Mo

Sa paglagda sa pledge na I-flex ang Pagko-commute Mo, sumasang-ayon ang iyong organisasyon na isulong ang pagko-commute at makipagtulungan sa mga empleyado na gumawa ng mas mainam na paraan ng pagtatrabaho. Ang paghikayat sa iyong mga empleyado na mag-commute sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, carpool, vanpool, bisikleta, o telework ay makakabuti sa iyong kumpanya at sa kalusugan ng iyong mga empleyado. Kung magpapaabot ng tulong sa pagko-commute, makakapagbigay ng benepisyong makakatulong sa pagpapanatili ng mahuhusay na empleyado, habang pinapaganda ang kalidad ng hangin at binabawasan ang mga emisyon ng greenhouse gas.