Ang Aming Epekto

Ang pagpapaganda sa kalidad ng hangin ay ilang dekada nang pangunahing priyoridad ng pampublikong patakaran sa Bay Area. Kahit lumalaki ang populasyon at lumalago ang ekonomiya, tuluy-tuloy na nabawasan ang concentration ng polusyon sa hangin sa Bay Area sa nakalipas na 50 taon.

Ibinuod ng ulat ng Distrito ng Hangin noong 2011 ang mga antas at trend ng emisyon para sa Bay Area mula 1990 hanggang 2011. Napag-alaman nitong lumago nang 77 porsyento ang ekonomiya ng Bay Area, nadagdagan nang 23 porsyento ang populasyon, at tumaas nang 30 porsyento ang kabuuang bilang ng nabiyaheng milya. Gayunpaman, sa panahon ding iyon, nabawasan nang 60 porsyento ang mga emisyon para sa mga pamantayang pollutant na sinusukat ng Distrito ng Hangin, kasama ang ozone at particulate matter. Matuto pa tungkol sa kasaysayan at pag-usad ng kalidad ng hangin ng Bay Area.

Bagama't nabawasan ang pangkalahatang emisyon, halos walang nagbago sa bilang ng Alerto na Iligtas ang Hangin, dahil mas humigpit ang mga pamantayan sa kalidad ng hangin sa panahong iyon.

Kasama sa iba pang pagkilos na isinagawa para matugunan ang mga pinahigpit na pamantayang ito at para mas maprotektahan ang kalusugan ng publiko, isinabatas ng Distrito ng Hangin ang Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy noong 2008, kung saan ilegal na magsunog ng kahoy, indoors o outdoors, sa mga araw kapag may ipinapatupad na Alerto na Iligtas ang Hangin para sa polusyong dulot ng pinong particulate. Ang usok na dulot ng kahoy ay ang pangunahing pinagmumulan ng pinong particulate matter, ang pangunahing pollutant sa hangin tuwing taglamig at, sa loob ng ilang taon, tuwing Nobyembre hanggang Pebrero lang ipinagbabawal ang pagsunog ng kahoy para Iligtas ang Hangin. Gayunpaman, noong 2019, para matugunan ang mga panganib ng usok na dulot ng wildfire, sinusugan ng Distrito ng Hangin ang Panuntunan sa Pagsunog ng Kahoy para ipagbawal ang pagsunog ng kahoy anumang araw sa buong taon kapag nasa mga antas na nakakasama sa kalusugan ang polusyong dulot ng pinong particulate.

Pagbabawas sa Mga Emisyon ng Ozone

Ang pinakamatataas na concentration ng ozone sa Bay Area ay mas mababa kaysa sa mga unang naitala nang mag-umpisa ang pagsubaybay sa kalidad ng hangin kalahating siglo ang nakalipas. Ngayon, ang average na antas ng ozone ay hindi bababa sa one-third na mas mababa kaysa sa mga antas noong 1970s. Sa pangkalahatan, mas mababa ang antas ng ozone sa Bay Area kaysa sa karamihan ng iba pang pangunahing metropolitan na lugar sa U.S.

Ang mga pag-usad na ito ay dahil sa mahihigpit na pamantayan sa emisyon ng sasakyang de motor ng California, at nakatulong ang paggawa ng mga mas clean na sasakyan at truck na bawasan ang mga emisyon, sa kabila ng paglaki ng populasyon, pagdami ng mga sasakyan, at paglawak ng mga nabiyaheng milya sa Bay Area.

Gayunpaman, nag-iiba taun-taon ang concentration ng ozone depende sa mga kundisyon ng lagay ng panahon. Kapag hindi maganda ang lagay ng panahon, at mataas ang temperatura at mahina ang ihip ng hangin, tumataas ang concentration sa mga pinakaapektadong lugar sa rehiyon at puwede itong lumampas sa mahihigpit na pamantayan ng pederal para sa ozone.

Pagbabawas sa Usok na Dulot ng Kahoy

Sa nakalipas na 15 taon, ang tatlong taong taunang average na concentration ng particulate matter sa Bay Area ay bumaba at naging 7.8 micrograms per cubic meter mula sa 12.3 micrograms per cubic meter — na isang napakahusay na pag-usad sa loob ng maikling panahon. Kumpara sa iba pang pangunahing metropolitan na lugar sa U.S., kasama ang Bay Area sa gitna ng pack para sa concentration ng particulate matter.

Ang particulate matter ay isang matinding banta sa kalusugan, at isang malalang isyu sa kapaligiran para sa Bay Area. Dahil sa miniscule na size ng mga pinong article, nakakapasok ang mga ito sa mga baga, kung saan ang mga ito ay napupunta sa bloodstream at nagti-trigger ng mga malalang kundisyon gaya ng hika, stroke, at atake sa puso.

Nanggagaling ang mga pinong article na ito sa iba't ibang aktibidad at pinagmumulan, kasama ang mga pang-industriyang aktibidad, wildfire, at sasakyang de-motor. Gayunpaman, nananatili ang pagsunog ng kahoy sa bahay bilang pinakamatinding pinagmumulan ng emisyon ng pinong particulate tuwing taglamig.