Mga Alerto at Paunawa

Ginagamit ang Mga Alerto na Iligtas ang Hangin at Paunawa sa Kalidad ng Hangin para maipabatid sa mga residente ang tungkol sa kalidad ng hangin sa Bay Area.

Mga Alerto na Iligtas ang Hangin

summer alert mode

May dalawang pangunahing nakakabahalang pollutant para sa Bay Area: ang ozone, na karaniwang isyu sa mas maiinit na buwan, at ang polusyong dulot ng pinong particulate, na karaniwang alalahanin tuwing taglamig, pero puwede ring madagdagan buong taon kapag may wildfire.

Mula Abril hanggang Oktubre, puwedeng umabot ang ozone sa mga antas na nakakasama sa kalusugan dahil sa mas maiinit na temperatura at mas mahahabang araw. Kapag nangyari ito, maglalabas ang Distrito ng Hangin ng Alerto na Iligtas ang Hangin para sa ozone.

Sa mga araw na may Alerto na Iligtas ang Hangin para sa ozone, dapat pag-isipan ng mga residente ng Bay Area na limitahan ang mga outdoor na aktibidad.

Mula Nobyembre hanggang Pebrero, maglalabas ang Distrito ng Hangin ng Alerto na Iligtas ang Hangin kapag inaasahang aabot sa mga antas na nakakasama sa kalusugan ang polusyong dulot ng pinong particle. Kadalasan, ginagawa ito sa malalamig na kalmadong araw kapag nata-trap malapit sa ground ang usok na dulot ng kahoy mula sa mga tsimineya at wood stove ng mga tao.

Puwede ring maglabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin sa mga buwang hindi taglamig, lalo na kapag may mga wildfire na nakakaapekto sa Bay Area.

Sa mga araw na may ipinapatupad na Alerto na Iligtas ang Hangin dahil sa mataas na antas ng polusyong dulot ng pinong particle, ilegal magsunog ng kahoy, panggatong, pellet, o iba pang solid na fuel sa mga fireplace, wood stove, outdoor na fire pit, at iba pang device para sa pagsunog ng kahoy.

May mga pagbabago sa pang-araw-araw na gawi, gaya ng paggamit ng pampublikong transportasyon, carpool, vanpool, at bisikleta na makakatulong na pagandahin ang kalidad ng hangin sa buong taon. Mahalaga ang mga pagkilos na ito, sa partikular, sa mga araw kung kailan may Alerto na Iligtas ang Hangin.

Mga Paunawa sa Kalidad ng Hangin

advisory mode sa kalidad ng hangin 

Kapag naaapektuhan ng mga event gaya ng mga wildfire ang lokal na kalidad ng hangin, pero hindi inaasahang malalampasan ang mga pederal na pamantayan batay sa kalusugan, magpo-post ang Distrito ng Hangin ng Paunawa sa Kalidad ng Hangin.

Halimbawa, puwedeng maglabas ng Paunawa sa Kalidad ng Hangin kapag may nakikitang usok na dulot ng wildfire sa atmosphere, pero hindi ito lubos na nakakaapekto sa kalidad ng hangin sa mga mas mababang antas kung saan humihinga ang mga tao.

Kung magbabago ang mga kundisyon habang may Paunawa sa Kalidad ng Hangin, at inaasahang lalampas ang mga antas ng polusyon sa mga pederal na pamantayan sa kalidad ng hangin, maglalabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin.

Palaging gumagalaw ang hangin. Ang Bay Area na may siyam na county ay iisang basin ng hangin, at ang mga pagkilos para mabawasan ang mga emisyon sa isang bahagi ay puwedeng magkaroon ng malalaking epekto sa kalidad ng hangin sa mga lokasyong milya-milya ang layo. Iyon ang dahilan kung bakit kapag inaasahang makakasama sa kalusugan ang kalidad ng hangin sa anumang bahagi ng Bay Area, naglalabas ng Alerto na Iligtas ang Hangin para sa buong rehiyon. Mag-sign up para sa mga alerto.