|
|
Alamin ang tungkol sa mga gawad para sa mga pampublikong ahensiya na bumili o umarkila ng bagong plug-in na de-kuryenteng mga sasakyan.
Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa Bay Area sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa paggamit ng plug-in na de-kuryenteng mga sasakyan (PEV). Pinopondohan ng Panrehiyong Pondo ng Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for Clean Air, TFCA), itong pinasimpleng programang insentibo ay nagkakaloob ng pagpopondo sa mga pampublikong ahensiya sa pamamagitan ng mga voucher na maaaring tubusin para sa pagbili o pag-arkila ng mga kuwalipikadong sasakyan. Hanggang $2 milyon ang makukuha, at ang pagpopondo ay igagawad sa mga kuwalipikadong proyekto batay sa kung sino ang nauna. Ang Distrito ng Hangin ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikasyon hanggang 4:00PM, Biyernes, Hunyo 3, 2016, o hanggang ang mga pondo ng programa ay maubos.
Ang mga pagsasauli ng ibinayad para sa mga sumusunod na uri ng sasakyan:
Para sa isang buong listahan ng maagang inaprobahan na mga sasakyan, mangyaring suriin ang Inaprobahang Listahan ng mga Sasakyan.
Tanging ang mga pampublikong ahensiya sa loob ng hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin ang karapat-dapat. Ang mga hindi pampublikong entidad ay hinihimok na bisitahin ang mga pahina ng web na nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa mga karapat-dapat na mga pagkakataon sa gawad para sa Mga Negosyo at Fleet at Mga Residente.
Tatlong webinar bago ang aplikasyon ang ginanap upang talakayin ang mga iniaatas ng programa, ang proseso ng aplikasyon, ang pamantayan sa pagtaya, at mga iniaatas sa ginagawaran. Ang pinakahuling presentasyon ng webinar ay inilagay sa ilalim ng seksiyon na Mga Tagatulong sa ibaba.
Batay sa pangangailangan, ang mga karagdagang webinar ay maaaring itakda sa hinaharap.Ang isang paunawa tungkol sa karagdagang mga webinar bago ang aplikasyon ay ipapadala sa pamamagitan ng email sa mga partidong pumirma upang tumanggap ng libreng mga email na alerto sa TFCA.
Patrick Wenzinger
Manunuring Pampangasiwaan
415.749.4934 pwenzinger@baaqmd.gov
Last Updated: 3/27/2017