Pagpopondo sa Gawad

Programang Paggalaw ng mga Kalakal

Pahusayin o palitan ang kagamitang diesel sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Paggalaw ng mga Kalakal. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa mga aktibidad na paglilipat ng kargada sa California.

Aplikasyon sa Programang Paggalaw ng mga Kalakal
Pansamantalang Hindi Makukuha
Ang aplikasyong ito ay kasalukuyang offline. Humihingi kami ng paumanhin para sa anumang idinulot na hindi maginhawa.

Patnubay sa Gumagamit ng Online na Aplikasyon sa Proyektong Trak

Taon 5 ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal

Ang Distrito ay nangangasiwa ng Proposisyon 1B na Programang Pagbawas ng Emisyon sa Paggalaw ng mga Kalakal para sa Bay Area.  Sa inog na ito ng pagpopondo, ang Distrito ay maglalabas ng mga solisitasyon para sa mga proyekto na nauukol sa mga trak, lokomotibo, mga Yunit ng Repriherasyon sa Transportasyon (Transportation Refrigeration Units, mga TRU), kagamitan sa paghawak ng kargada, at kagamitan sa shore power.  Ang Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California ay nag-aproba ng humigit-kumulang na $48 milyon para sa Taon 5 ng Programa ng Distrito ng Hangin.

Karapat-dapat ng Kagamitan at mga Petsa ng Solisitasyon

Page Loading

Mga Proyektong Lokomotibo at Railyard

Ang Distrito ng Hangin ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa proyektong lokomotibo at rail yard hanggang Enero 29, 2016.  Mangyaring tingnan ang mga porma ng aplikasyon at papel ng dapat malaman na nakalista sa ibaba.

Mga Proyektong Trak

Ang Distrito ng Hangin ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa trak para sa ika-2 solisitasyon ng Taon 5 ng Programa, Enero 25 – Abril 15, 2016. Ito ang ikalawang solisitasyon ng proyektong trak para sa Taon 5 ng programa. Kumilos ngayon upang palitan o palitan ang nagpapatakbo ng heavy-duty na ginagatungan ng diesel na mga trak o mag-instala ng impra-istruktura ng pagkarga at paggatong na may pagpopondo sa gawad.

Karapat-dapat na Kagamitan

Mga Opsiyon sa Pagpopondo ng Kagamitan

Ang mga sumusunod na proyekto ay karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng Programang ito:

  • Pagpapalit ng Kagamitan/Sasakyan - palitan ang heavy-duty na mga diesel na trak, mga TRU, kagamitan sa paghawak ng kargo at mga lokomotibo ng pinakamalinis na makukuhang kagamitan
  • pagpapalit ng nagpapatakbo ng makina/pagbabago patungo sa kuryente - palitan ang nagpapatakbo ng maliit na fleet ng diesel na makina ng trak ng 2015 o mas bagong makina o gawing de-kuryente ang isang diesel na yard truck
  • Elektripikasyon ng tigilan ng trak - mag-instala ng impra-istruktura ng kuryente upang bawasan ang idling ng diesel na makina kung saan nagtitipun-tipon ang mga trak
  • Impra-istruktura ng pagkarga at paggatong – Mag-instala ng impra-istruktura ng de-kuryenteng pagkarga, hydrogen na paggatong o cryogenic na pagkarga para sa mga trak, kagamitan sa paghawak ng kargo, o mga TRU
  • Pagpapatibay ng lokomotibo – palitan ang nagpapatakbo o mag-instala ng isang remanufacture kit o filter upang bawasan ang mga emisyon mula sa isang lokomotibong makina
  • Kagamitan sa pagbihag at pagkontrol ng emisyon – mag-instala ng isang sistema ng pagbihag at pagkontrol ng mga emisyon upang bawasan ang mga emisyon ng diesel mula sa mga lokomotibo at mga barko sa lugar ng piyer
  • Elektripikasyon ng shoreside (mga barko sa lugar ng piyer) – para sa mga lugar ng piyer ng barko ng kargo na binibisita lamang ng mga sasakyang-dagat na hindi napapailalim sa mga iniaatas na pagkontrol ng Regulasyon sa mga Barko sa Lugar ng Piyer ng CA, mag-instala ng nakabase-sa-grid o hindi nakabase-sa-grid na impra-istruktura ng elektripikasyon

Pagiging Karapat-dapat

Ang mga gawad ay hindi magagamit para sa kagamitan na inaatasan nang pahusayin o palitan ng batas o kasunduan, kabilang ang kagamitan na hindi sumusunod sa angkop na mga regulasyon ng CARB.

Proseso ng Aplikasyon at Award

  1. Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong kasalukuyang kagamitan at piliin ang isang uri ng proyekto.
  2. Tipunin ang kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong kasalukuyang kagamitan at kasaysayan ng paggamit, kabilang ang impormasyon sa makina at pagpapatibay at mga sertipiko ng pagsunod ng fleet
  3. Isumite ang iyong aplikasyon online (ang mga proyektong impra-istruktura ay nagsusumite ng mungkahi)
  4. Ang mga tauhan ng Distrito ay nagsusuri ng mga aplikasyon para sa pagkumpleto at pagiging karapat-dapat at kinokontak ang mga aplikante kung ang karagdagang impormasyon ay kinakailangan.
  5. Ang mga tauhan ng Distrito ay nagsusumite ng isang listahan ng mga inaprobahang proyekto sa Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin (Air Resources Board, CARB) ng CA para sa pagsusuri at pagraranggo. Ang mga nangunguna sa ranggo na mga proyekto ay pinipili para sa pagpopondo.
  6. Ang mga tauhan ng Distrito ay maagang nagsusuri ng kasalukuyang kagamitan at nag-aalok ng mga kontrata para sa mga proyektong tumutugon sa lahat ng iniaatas sa pagiging karapat-dapat ng Programa.
  7. Ang mga ginawaran ay nagkukumpleto ng proyekto alinsunod sa mga iniaatas ng kontrata. Pagkatapos pumasa ang kagamitan sa mga huling inspeksiyon, ang Ginawaran (o dealer) ay magsusumite ng isang kahilingan para sa pagbabayad sa Distrito ng Hangin.
  8. Ang mga ginawaran ay nagpapanatili at gumagamit ng kagamitan alinsunod sa mga iniaatas ng kontrata at nagsusumite ng iniaatas na mga ulat hanggang ang kinontratang panahon (buhay ng proyekto) ay matapos.

Naunang Inaprobahang mga Listahan ng Proyekto

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.

Karagdagang impormasyon

Ang Proposisyon 1B: Ang Programang Pagbawas ng Emisyon sa Paglipat ng mga Kalakal ay isang pagbabakasan sa pagitan ng CARB at mga lokal na ahensiya (tulad ng mga distrito ng hangin, mga daungan, at mga ahensiya ng transportasyon) upang mabilis na bawasan ang mga emisyon ng pagpaparumi sa hangin mula sa paglilipat ng kargada sa kahabaan ng  ng mga koridor ng kalakal ng California. Ang CARB ay nagkakaloob ng pagpopondo sa mga karapat-dapat na ahensiya; ang mga ahensiyang iyon ay mag-aalay naman ng mga pinansiyal na insentibo sa mga may-ari ng kagamitang ginagamit sa paglilipat ng kargada upang lumipat sa mas malinis na mga teknolohiya. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pambuong-estadong Programang Paggalaw ng mga Kalakal o kontakin ang CARB sa (916) 44-GOODS (444-6637) o sa pamamagitan ng email: gmbond@arb.ca.gov

Mga Sertipikadong Tagabuwag

Sumusunod ang isang listahan ng mga sertipikadong tagabuwag ng Distrito ng Hangin Ang mga sertipikadong tagabuwag ay may kontrata sa Distrito ng Hangin na magsagawa ng mga kinakailangang inspeksiyon at kumpletuhin at isumite ang mga kinakailangang papeles para sa programang GMERP. Ang Distrito ng Hangin ay nag-aatas ng paggamit ng sertipikadong tagabuwag ng Distrito ng Hangin. Kung nais mong gumamit ng isang tagabuwag na hindi matatagpuan sa listahang ito, mangyaring kontakin ang aming opisina upang talakayin ito.

Page Loading

Yu Zhang Liu
Senior Staff Specialist, Mga Estratehikong Insentibo

415.749.8430 yliu@baaqmd.gov

Grants Programs Information Request Line, Mga Estratehikong Insentibo

415.749.4994 grants@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 1/19/2022