Pagiging Kwalipikado

Languages:

Matuto tungkol sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado at malaman kung kwalipikado kang palitan ang iyong sasakyan, at makatanggap ng pagpopondo sa Clean Cars for All.

Puwedeng suriin ng mga kalahok na nagsumite ng aplikasyon sa pagitan ng Hulyo 1, 2022 at Enero 31, 2024 ang 2022-2023 na Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado ng CCFA 

Kwalipikado ka kung...
 
 
Lokasyon
Nakatira ka sa Bay Area sa loob ng hurisdiksyon ng Distrito ng Hangin.
 
 
Kita
Pasok ang kita ng sambahayan sa isa sa mga nakasaad na bracket ng kita.
 
 
Sasakyan
Ang Sertipiko ng Titulo sa California (pink na slip) ay nakapangalan sa iyo, nakarehistro sa California, 2007 na taon ng modelo o mas luma, gumagana, at wala pang 10,000 pounds.
 
 
Bagong Aplikante
Isa kang bagong aplikante sa isang programa ng grant sa pagpapalit ng sasakyan.

Lokasyon

Sa kasalukuyan, bukas lang ang Clean Cars for All sa mga residente ng Bay Area na kwalipikado ang kita na nakatira sa hurisdikyon ng Distrito ng Hangin.

Kita

Para maging kwalipikado sa Clean Cars for All, dapat ay nasa o mas mababa sa aming limitasyon sa kita ang taunang kita ng iyong sambahayan. Ipinapakita ang mga limitasyong ito sa talahanayan sa ibaba.

Laki ng Sambahayan Limitasyon sa Taunang Kita ng Sambahayan
1 $45,180
2 $61,320
3 $77,460
4 $93,600
5 $109,740
6 $125,880
7 $142,020
8 $158,160
9+ Magdagdag ng $16,140 para sa bawat karagdagang tao
Bilangin ang iyong sarili, ang kapareha mo, at ang sinumang dependent sa iyong tax return.
Clean Transportation Options Grant Amount +DAC Census Tract ***
Hybrid** $7,000 $7,000
Plug-In Hybrid $9,500* $11,500*
Battery Electric $10,000* $12,000
Fuel Cell Electric Vehicle $10,000 $12,000
Mobility Option $7,500 $7,500

* Up to $2,000 is available for an EV charger rebate. Learn more by downloading the Electric vehicle charger Rebate Manual.
** Conventional hybrids will not be available as a replacement option for new applications beginning October 31, 2024, and awarded participants cannot purchase after December 31, 2024.
*** To confirm if you reside in a DAC census tract, view our Disadvantaged Community Census Tract Guide.

Bagong Aplikante

Hindi kwalipikado para sa Programang CCFA ang mga kalahok na nakatanggap ng pagpopondo mula sa Programa ng Tulong sa Clean Vehicle, Programa ng Tulong sa Clean Driving, Clean Cars 4 All Sacramento, Clean Cars 4 All San Diego, Replace Your Ride, Tune‐in & Tune‐up, at Drive Clean in the San Joaquin, pambuong estado na Clean Cars 4 All, , pambuong estado na programa sa Tulong sa Pananalapi, o anumang iba pang programang hindi puwedeng pagsama-samahin, i-stack, o tanggapin bilang karagdagan sa CCFA ng Distrito ng Hangin o Lupon ng Mga Resource sa Hangin ng California. Dapat ihintong gamitin ng mga kalahok ang kanilang sasakyan sa pamamagitan ng Clean Cars for All at hindi nila puwedeng ibenta ang nasabing sasakyan o hindi sila puwedeng tumanggap ng pagpopondo sa pamamagitan ng paghinto sa paggamit sa parehong sasakyan sa pamamagitan ng Programa ng Tulong sa Consumer (Consumer Assistance, CAP) o Programa ng Muling Pagbili ng Sasakyan (Vehicle Buy Back Program, VBB).

Pagiging Kwalipikado ng Naretiro nang Sasakyan

Dapat matugunan ng ihinintong gamiting sasakyan ang mga sumusunod na kinakakailangan:

  1. Taon 2007 o mas lumang modelo (hal. 2007, 2006, 2005, atbp.)
  2. Light o medium duty vehicle na pinapatakbo ng gasolina o diesel (hanggang 10,000 pounds na Gross Vehicle Weight Rating [GVWR]).
  3. Kasalukuyang nakarehistro sa isang indibidwal sa Departamento ng Mga Sasakyang de Motor ng California (DMV) na may valid at hindi pa nag-e-expire na sticker ng pagpaparehistro, na bayad na ang lahat ng bayarin sa DMV at may pagpaparehistrong hindi pa nag-e-expire nang mahigit sa 120 araw. Puwedeng payagan ang mga pagbubukod, sumangguni sa seksyong Mga Pagbubukod sa ibaba.
  4. Tuluy-tuloy na nakarehistro sa California sa DMV sa loob ng dalawang magkasunod na taon bago ang petsa ng pag-expire ng kasalukuyang pagpaparehistro, nang walang break sa pagitan ng pagpaparehistro na mahigit sa 120 araw. Puwedeng payagan ang mga pagbubukod, sumangguni sa seksyong Mga Pagbubukod sa ibaba.
  5. Gumagana dapat ang sasakyan. Puwedeng atasan ang kalahok na sumailalim sa isang pagsusuri sa smog mula sa tailpipe, kumumpleto ng Acceleration Simulation Mode (ASM) test, o kumumpleto ng pagsusuri sa functionality na isinasagawa ng Distrito ng Hangin, GRID Alternatives, o mga awtorisadaong dismantler.

Mga Pagbubukod sa Sasakyan

Ang isang hindi nakarehistrong sasakyan o sasakyang nakarehistro sa kasalukuyan na hindi nakakatugon sa mga ipinag-aatas (c) at (d) sa seksyong Pagiging Kwalipikado ng Naretiro nang Sasakyan ay posible ring maging kwalipikado kung napatunayang sa California ito pangunahing ibiniyahe sa nakalipas na dalawang taon, at hindi ito nairehistro sa iba pang estado o bansa sa nakalipas na dalawang taon. Posibleng kasama ang mga sumusunod sa dokumentasyon:

  • Patunay ng insurance sa loob ng dalawang magkasunod na taon, na walang lapse na mahigit sa 120 araw sa kabuuan; o
  • Dalawang invoice mula sa isang Dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan na nakarehistro sa Bureau of Automotive Repair. Mula dapat ang mga invoice sa dalawang magkahiwalay na taon ng kalendaryo at hindi dapat mas luma sa 24 na buwan ang pinakaluma. Kasama dapat ang mga sumusunod sa invoice:
    • Valid na numero ng pagpaparehistro ng Dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan
    • Pangalan at address ng Dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan
    • Paglalarawan ng operasyon sa pagkukumpuni o pagmementina na isinagawa sa sasakyan
    • Taon ng sasakyan, manufacturer, modelo, at numero ng pagkakakilanlan o plaka ng sasakyan na tumutugma sa ireretirong sasakyan
    • Petsa ng pagbisita para sa pagkukumpuni o pagmementina

Mga Sasakyang Hindi Kwalipikado para sa Pagreretiro

Ang mga sumusunod na sasakyan ay hindi kwalipikadong lumahok sa Programang CCFA:

  • Mga dismantled o salvaged na sasakyan na hindi nirehistro ulit, alinsunod sa seksyon 11519 ng Kodigo sa Sasakyan.
  • Nakarehistro sa non-profit o negosyo.
  • Pinapatakbo ng pampublikong ahensya o fleet na nilisensyahan at nirehistro alinsunod sa seksyon 44019 at 44020 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.
  • Sumasailalim sa paglilipat ng pagmamay-ari.

GRID Alternatives

855.256.3656 CleanCars@gridalternatives.org

docked-alert-title