Tingnan para malaman kung kwalipikado ka para sa programang Clean Cars for All, at magsumite ng aplikasyon.
Anunsyo: Handa nang malaman kung kwalipikado ka? Magparehistro ng account at MAG-APPLY NGAYON.
Paano Mag-apply
Hihilingin sa iyong magbigay ng dokumentasyon para sa mga sumusunod na kategorya sa iyong aplikasyon sa Clean Cars for All:
- Form W-9
- Magsumite ng Kahilingan para sa Numero ng Pagkakakilanlan at Sertipikasyon ng Nagbabayad ng Buwis (Form W-9). Tumingin ng halimbawang Form W-9.
- I-download ang PDF na Form W-9.
- Pag-verify ng Kita
- Mayroon kang dalawang opsyon para ma-verify ang iyong kita:
- Opsyon #1: Ang iyong Transcript ng Tax Return sa Pederal mula sa inihaing pinakakamailang taon ng buwis (mas pinipiling opsyon).
- Opsyon #2: Kopya ng iyong pinakakamakailang Tax Return sa Pederal (IRS Form 1040) at isang IRS Form 4506-C (IVES Kahilingan para sa Transcript ng Tax Return, Seksyon 6c).
- Mag-downlaod at sumagot ng Form 4506-C. Dapat sagutan ang form sa electronic na paraan (mga naka-type na sagot), na may digital na lagda. Isusumite ng Distrito ng Hangin ang Form 4506-C sa IRS sa ngalan mo kung mapipili ka para sa pag-verify ng kita.
- Kung hindi ka naghain ng mga buwis, dapat kang magsumite ng nakanotaryong Affidavit ng Kita ng Sambahayan sa Distrito ng Hangin (tingnan ang halimbawa) AT ng IRS Form 4506-C (IVES Kahilingan para sa Transcript ng Tax Return, Seksyon 6c) para humiling ng “Talaan ng Account.” Tingnan ang halimbawa at aming gabay sa kung paano kumpletuhin ang Form 4506-C. Dapat sagutan ang IRS Form 4506-C sa electronic na paraan, at mayroon dapat itong wet signature. Isusumite ng Air District ang Form 4506-C sa IRS sa ngalan mo.
- Kopya ng may bisang Lisensya sa Pagmamaneho sa California.
- Kopya ng buong page ng Sertipiko ng Titulo sa California (pink na slip) na nakapangalan sa aplikante sa panahon ng pagsusumite sa aplikasyon. Kung hinihintay mo ang titulo mula sa DMV, dapat kang maghintay hanggang sa matanggap mo ito bago ka mag-apply. Posibleng maglaman ang titulo ng mga joint na may-ari (mahigit sa isang pangalan), pero iisang halaga lang ng incentive ang puwedeng matanggap ng sinumang may-ari o joint na may-ari sa ilalim ng programa. Iisang halaga lang ng incentive ang ibibigay sa isang sambahayang kwalipikado sa ilalim ng IRS.
- Kasaysayan ng Pagpaparehistro ng Sasakyan sa DMV sa nakalipas na 2 taon (mga nakarehistro at hindi nakarehistrong sasakyan).
- May apat na paraan para ma-verify ang iyong kasaysayan ng pagpaparehistro sa DMV:
- Magbigay ng talaan ng pagpaparehistro ng sasakyan sa DMV. Puwede kang kumuha ng kopya ng iyong talaan ng pagpaparehistro nang may maliit na fee online, sa pamamagitan ng koreo, o nang personal sa DMV. Kung may lapse sa pagpaparehistro na 120 araw o higit pa sa kabuuan, kailangan din ng dokumentasyon ng Katibayan ng Operability (tingnan ang #6). Puwede kang magbigay ng 2 taong mga invoice ng auto insurance o pagkukumpuni. Kung walang lapse, hindi kailangan ng karagdagang dokumentasyon.
- Ibigay ang 2 buong taong mga card ng pagpaparehistro sa DMV (dalawang magkasunod na taon bago ang kasalukuyang petsa ng pag-expire ng pagpaparehistro). Kung may lapse sa pagpaparehistro na 120 araw o higit pa sa kabuuan, kailangan din ng dokumentasyon ng Katibayan ng Operability (tingnan ang #6). Kung may lapse na 120 araw sa kabuuan, puwede kang magbigay ng 2 taong mga invoice ng auto insurance o pagkukumpuni. Kung walang lapse, hindi kailangan ng karagdagang dokumentasyon.
- Kung hindi mo makukuha ang iyong talaan ng pagpaparehistro ng sasakyan sa DMV o kung hindi mo maibibigay ang 2 taong mga card ng pagpaparehistro, kailangan ng Katibayan ng Operability (tingnan ang seksyon #6). Puwede kang magbigay ng kasalukuyan o pinakabagong card ng pagpaparehistro sa DMV at 2 taong mga invoice ng auto insurance o pagkukumpuni.
- Kung hindi nakarehistro ang isang sasakyang may malinis na titulo dahil sa hindi naipasang pagsusuri para sa smog, puwede kaming tumanggap ng abiso sa pag-renew ng pagpaparehistro ng sasakyan sa DMV at hindi naipasang pagsusuri para sa smog (ipinapakita nitong hindi mo puwedeng iparehistro ang sasakyan) at 2 taong mga invoice ng auto insurance o pagkukumpuni; o Hindi Pa Nababayarang bill sa DMV o liham na nagpapakitang nasuspinde ang pagpaparehistro sa sasakyan at 2 taong mga invoice ng insurance o pagkukumpuni.
- Hindi ka puwedeng mag-mix and match ng mga uri ng dokumento. Halimbawa, hindi ka puwedeng magkaroon ng 1 taong kasaysayan ng pagpaparehistro at 1 taong mga invoice ng auto insurance/pagkukumpuni. Kung magbibigay ka ng auto insurance, dapat ay 2 taong insurance ito mula sa nakalipas na taon na walang lapse na 120 araw sa kabuuan. Kung magbibigay ka ng mga invoice ng pagkukumpuni, dapat ay mula ito sa dalawa sa pinakakamakailang taon ng kalendaryo (hal. 2023 at 2022).
- Katibayan ng Operability (kailangan lang kung...)
- Ang isang hindi nakarehistrong sasakyan na hindi nakakatugon sa Pagiging Kwalipikado ng Naretiro nang Sasakyan (na binanggit sa Mga Tuntunin at Kundisyon) ay posibleng kwalipikado kung napatunayang sa California ito pangunahing ibiniyahe sa nakalipas na dalawang taon, at hindi ito nairehistro sa iba pang estado o bansa sa nakalipas na dalawang taon.
- Posibleng kasama ang mga sumusunod sa dokumentasyon:
- Katibayan ng auto insurance ng California para sa dalawang magkasunod na taon, na walang lapse na mahigit sa 120 araw sa kabuuan; o dalawang invoice ng pagkukumpuni mula sa isang Dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan na nakarehistro sa Kawanihan para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan. Mula dapat ang mga invoice sa dalawang magkahiwalay na taon ng kalendaryo at hindi dapat mas luma sa 24 na buwan ang pinakaluma.
- Kasama dapat ang mga sumusunod sa invoice:
- Valid na numero ng pagpaparehistro ng Dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan.
- Pangalan at address ng dealer para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan.
- Paglalarawan ng operasyon sa pagkukumpuni o pagmementina na isinagawa sa sasakyan.
- Taon ng sasakyan, manufacturer, modelo, at numero ng pagkakakilanlan o plaka ng sasakyan na tumutugma sa ireretirong sasakyan.
- Petsa ng pagbisita para sa pagkukumpuni o pagmementina.
- Katibayan ng Paninirahan na may petsang nasa nakalipas na 90 araw (kailangan lang kung hindi ipinapakita ng Lisensya sa Pagmamaneho sa California ang kasalukuyang address).
- Kasama sa mga halimbawa ang bill ng utility, bill ng cell phone, pay slip, o buwis sa property.
Mag-subscribe sa Email List ng Clean Cars for All (Malilinis na Sasakyan para sa Lahat)
MAG-SUBSCRIBE