Programa ng Pagbawas ng Panganib sa Pasilidad

Tinututukan ng Programa ng Pagbawas ng Panganib sa Pasilidad ng Distrito ng Hangin ang mga kasalukuyang pasilidad na may pinakamalalaking panganib sa kalusugan sa mga kalapit na residente at manggagawa. Ipinag-aatas ng programang ito sa mga pasilidad na ito na magpatupad ng mga teknikal na magagawa at ekonomikong hakbang sa pagbawas sa panganib sa malalaking pinagmumulan ng panganib sa kalusugan.

Ang Regulasyon 11, Tuntunin 18: Pagbawas sa Panganib mula sa mga Nakalalasong Emisyon sa Hangin sa mga Kasalukuyang Pasilidad ng Distrito ay nag-aatas sa mga kasalukuyang pasilidad na may mga panganib sa kalusugan na mas mataas sa mga limitasyon para sa pagkilos sa panganib  na alinman sa bawasan ang mga panganib na iyon sa kalusugan nang mas mababa sa mga limitasyon ng tuntuniun para sa pagkilos sa panganib o pairalin ang Pinakamainam na Magagamit na Pagpapatibay na Teknolohiya ng Kontrol para sa mga Nakalalason sa lahat ng malaking pinagmumulan ng mga panganib sa kalusugan.

Plano ng Pagpapatupad ng Pagbawas ng Panganib sa Pasilidad

Nagsasagawa ang Distrito ng Hangin ng mga pagtasa ng panganib sa kalusugan (health risk assessment, HRA) para sa mga kasalukuyang pasilidad gamit ang pinakabagong siyensiya upang malaman kung aling mga pasilidad ang lumalampas sa mga limitasyon ng Tuntunin 11-18 para sa pagkilos sa panganib at kung gayon ay sasailalim sa mga pag-aatas ng Tuntunin 11-18 sa pagbawas ng panganib.

Nagtatalaga ang Distrito ng Hangin ng mga score para sa pagbibigay ng priyoridad upang malaman kung aling mga pasilidad ang dapat sumailalim sa pagtasa ng panganib sa kalusugan. Tutukuyin ng Distrito ng Hangin ang score para sa pagbibigay ng prayoridad para sa bawat pasilidad sa taunang proseso ng pag-renew ng permiso. Kinakalkula ang score para sa pagbibigay ng prayoridad batay sa imbentaryo ng nakakalasong emisyon para sa site, data ng mga epekto sa kalusugan para sa inilabas na nakakalason sa hangin, at mga layo mula sa site sa mga kalapit na residente at mga manggawa na wala sa lugar. Kung lalampas ang score ng lugar para sa pagbibigay ng priyoridad sa limitasyon ng score para sa pagbibigay ng priyoridad, magsasagawa ang Distrito ng Hangin ng pagtasa ng panganib sa kalusugan para sa lugar na iyon. 

Inilabas noon ng Distrito ng Hangin ang mga Proseso ng Pagpapatupad ng Tuntunin 11-18 noong 2020 at ang isang Flow Chart ng Pagpapatupad noong 2018, ngunit binawi ng Distrito ng Hangin ang mga dokumentong ito habang nagsisikap ito sa mga pagpapahusay sa Programa ng Pagbawas sa Panganib sa Pasilidad.

Mga Pagsasapanahon at Pagpapahusay sa Programa ng Pagbawas ng Panganib sa Pasilidad

Isinasapanahon at pinahuhusay ng Distrito ng Hangin ang Programa ng Pagbawas sa Panganib sa Pasilidad ng Tuntunin 11-18. Nagkaroon ng virtual na pampublikong workshop noong Pebrero 15, 2024 para magtalakayan at mangalap ng mga komento o maraming aytem. Kasama rito ang isang dokumento ng burador na isinapanahong Mga Proseso ng Pagpapatupad (Implementation Procedure, IP) ng Tuntunin 11-18 at Papel ng Konsepto ng Tuntunin 11-18. Ang Papel ng Konsepto ay panimulang hakbang sa proseso ng pagbuo ng mga amyenda sa Tuntunin 11-18. Sa papel, tinatalakay ng Distrito ng Hangin ang mga potensiyal na pagbabago sa tuntuning maaaring makatulong na pabilisin ang pagsusuri sa imbentaryo ng mga emisyon (isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng mga HRA), proseso ng HRA, at mga hakbang sa pag-apruba ng planong pagbawas ng panganib (risk reduction plan, RRP), pati iba pang pagbabagong posibleng magpahusay sa pagpapatupad ng Tuntunin 11-18. Tumanggap ng mga pampublikong komento sa dokumento ng burador na mga Proseso ng Pagpapatupad at Papel ng Konsepto hanggang Pebrero 29, 2024.

Makukuha na ang naisapanahong Pinal na mga Proseso ng Pagpapatupad, kasama ang isang dokumento ng Tugon sa mga Komento para sa mga komentong natanggap sa burador na mga Proseso ng Pagpapatupad at Papel ng Konsepto ng mga pagbabago ng tuntunin.

Mag-sign up para sa Impormasyon tungkol sa Programa ng Pagbawas sa Panganib sa Pasilidad ng Distrito ng Hangin.
 MAG-SUBSCRIBE  

Mga Pulong ng Apektado

Para matiyak ang transparency sa panahon ng pagpapatupad ng Tuntunin 11-18, pana-panahong magsasagawa ng pagpupulong ang Distrito ng Hangin kasama ang mga interesadong apektado para ipaliwanag ang mga proseso, sumagot ng mga tanong, at magbigay ng impormasyon tungkol sa katayuan ng mga pagsusuri sa imbentaryo ng mga emisyon, pagtasa ng panganib sa kalusugan, mga pagsusuri sa plano ng pagbawas, at paglalapat ng mga hakbang sa pagbawas ng panganib. Maaari ding abisuhan ng mga apektado ang Distrito ng Hangin tungkol sa mga pangangailangan sa edukasyon o impormasyon o alalahanin ng publiko tungkol sa mga pagkilos sa Tuntunin 11-18.

Panel ng Paglutas sa Hindi Pagkakasundo

Magtitipon ang Distrito ng Hangin ng Panel ng Paglutas sa Hindi Pagkakasundo para lumutas ng mga hindi pagkakasundong maaaring lumabas sa pagitan ng industriya, publiko, at Distrito ng Hangin hinggil sa Pagpapatupad ng Tuntunin 11-18 para sa ispesipikong pasilidad. Kabilang sa mga uri ng usaping aasikasuhin ng panel na ito ang: imbentaryong ginamit, mga factor sa emisyon ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin, technique sa pagkalkula ng emisyon, pagpapalagay sa pagmomodelo ng pagkalat ng hangin, teknikal na posibilidad o mga ekonomikong hadlang sa mga demonstrasyon sa oras ng pagsunod, o mga kapasiyahan sa Pinakamainam na Magagamit na Pagpapatibay na Teknolohiya sa Pagkontrol para sa mga Nakalalason.

Mga Karagdagang Sanggunian

Events

Page Loading

Comments

Page Loading
docked-alert-title

Last Updated: 5/17/2024