Kalusugan ng Komunidad

Alamin ang tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng pagpaparumi sa hangin at kung paano nagsusumikap ang Distrito ng Hangin na protektahan at pagandahin ang kalusugan ng komunidad.

Malaki ang ginanda ng kalidad ng hangin ng Bay Area sa mga kamakailang dekada. Nakamit ito kahit na lumaki ang populasyon ng rehiyon, dumami ang mga sasakyang de-motor at mga minanehong milya, at ang halaga ng produksyon ng ekonomiko ng rehiyon.

Ang aming pag-usad sa pagpapaganda ng kalidad ng hangin ay dahil sa komprehensibong mga programa ng pederal, estado at lokal na nakakabawas sa mga emisyon mula sa mga nakapirmi at gumagalaw na mga pinagmumulan ng mga nagpaparumi sa hangin. Gayunpaman, patuloy pa ring mayroong mga lokal na komunidad sa Bay Area na nakakaranas ng hindi magandang kalidad ng hangin at malalaking kahinaan sa kalusugan. Nangangako ang Distrito ng Hangin na makikipagtulungan sa mga komunidad upang bawasan ang mga diperensya sa kalidad ng hangin at upang pagandahin ang kabuuang kalusugan ng komunidad.

Pagsusumikap na Mapaganda ang Kalusugan ng Komunidad

Ang mga programa ng kalusugan ng komunidad ng Distrito ng Hangin ay nilalayong bawasan ang mga pagkakaiba sa pagpaparumi sa hangin sa San Francisco Bay Area. Ang mga matagal nang umiiral at mga bagong gawang programa ay partikular na dinisenyo upang bawasan ang mga emisyon at pagkakalantad sa nakakalasong nagkokontamina sa hangin, lalo na sa mga pinakamahinang komunidad ng rehiyon.

Programa ng Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad (AB 617) 

Ang Panukalang-batas ng Asembleya 617 ay maaaring isa sa pinakanakakaapektong mga regulasyon sa kalidad ng hangin sa nakalipas na 35 taon. Ito ay tinatanggap at kinakailangang inisiyatiba para sa pagpapaganda ng kalusugan ng publiko at pagiging makatarungan sa California. Hinihiling ng AB 617 sa mga distrito ng hangin na dagdagan ang aming pagtuon sa lokal na pagpaparumi sa hangin ng lugar sa mga nagdurusang komunidad.

Sa Bay Area, nangangahulugan ito sa pagbuo ng isang dekadang kaalaman at karanasang nakuha sa pamamagitan ng aming programa ng Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidadat pakikipagtulungan sa mga komunidad ng Bay Area upang bawasan ang mga emisyon at pagkakalantad sa pagpaparumi sa hangin sa mga nagdurusang komunidad sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng mga lokal na plano ng pagsubaybay at pagbawas sa emisyon.

Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad

Unang sinimulan ng Distrito ng Hangin ang komprehensibong programa upang matukoy ang mga lugar sa Bay Area na nakakaranas ng hindi proporsyon na bahagi ng pakakalantad sa pagpaparumi sa hangin noong 2004. Sa pamamagitan ng Pagsusuri ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (Community Air Risk Evaluation), o CARE, na programa, tinukoy ng Distrito ng Hangin ang mga lugar sa San Francisco Bay Area kung saan pinakamalaki ang mga pagkakaiba sa pagpaparumi sa hangin at kung saan ang mga populasyon ay pinakaapektado ng pagpaparumi sa hangin. Ginagamit ang impormasyon mula programang CARE upang idisenyo at ituon ang mga hakbang sa pagpapagaan sa mga lugar na ito.

Nagsilbi ang programang CARE bilang simula para sa Programa ng Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad. Inaatas ng AB 617 sa lahat ng distrito ng hangin at sa estado na tukuyin at piliin ang mga komunidad na nakakaranas ng problema dahil sa mataas na pagkakalantad sa panganib mula sa pagpaparumi sa hangin. Sa Bay Area, isinama ng mga komunidad na ito ang lahat ng lugar ng CARE ng Distrito ng Hangin, pati rin ang mga lugar na mayroong malaking pinagmumulan ng pagpaparumi sa hangin (mga dalisayan, daungan, paliparan, atbp.), mga lugar na natukoy ng mga tool sa pagsusuri sa buong estado bilang mayroong polusyon at/o kahinaan sa pagdurusa ng kalusugan, at mga lugar na mayroong mababang itinatagal ng buhay.

Pagpaplano para sa Pangkapaligirang Hustisya / SB 1000

Panukalang-batas ng Senado 1000 – Paggamit ng lupa: mga pangkalahatang plano: kaligtasan at pangkapaligirang hustisya, isinabatas noong 2016, inaatasan ang mga komunidad ng Bay Area na mayroong mga problema dahil sa mataas na pagkakalantad sa panganib na bumuo ng mga elemento ng kalusugan ng komunidad at pangkapaligirang hustisya sa kanilang mga Pangkalahatang Plano. Magbibigay ang Distrito ng Hangin ng teknikal na tulong at suporta sa mga lungsod at county upang tumulong sa pagsusumikap na ito. 

Programa ng Pagbawas ng Panganib ng Pasilidad

Regulasyon 11 ng Distrito ng Hangin, Tuntunin 18: Noong 2017, sinunod ang Pagbawas ng Panganib mula sa Mga Nakakalasong Emisyon sa Hangin sa Mga Umiiral na Pasilidad at inatasan ang anumang pasilidad na mayroong mga panganib sa kalusugan na mataas sa mga limitasyon ng aksyon sa panganib upang gumawa ng mga makatwirang pagbawas sa mga panganib sa kalusugan na iyon. Ang mga panganib sa kalusugan sa mga malapit na residente at manggagawa ay tinutukoy ng Distrito ng Hangin gamit ang pinakabagong magagamit na siyensiya at mga aprubadong imbentaryo ng nakakalasong emisyon ng Distrito ng Hangin.

Tingnan ang Page tungkol sa Pagbawas ng Panganib ng Pasilidad para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga limitasyon ng aksyon sa panganib, mga kinakailangan para bawasan ang panganib sa kalusugan, mga pagkakataon ng paglahok ng publiko, mga gabay na dokumento, mga posibleng paksang pasilidad, at mga ulat ng katayuan.

Bago at Binagong Pagsusuri ng Pinagmumulan ng Nakakalason sa Hangin

Simula 1987, sinuri ng Distrito ng Hangin ang mga iminumungkahing proyekto para sa mga posibleng panganib sa kalusugan bago ang paggawa. Ang mga bago o binagong pinagmumulan ay dapat gumamit ng Pinakamagandang Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol upang bawasan ang mga emisyon ng nakakalasong nagkokontamina ng hangin. Kung lalampas sa mga trigger level ang mga emisyon mula sa iminumungkahing proyekto, dapat magsagawa ng Pagtasa ng Panganib sa Kalusugan, at ang iminumungkahing proyekto ay maaaring kailanganing magkabit ng mga kontrol upang bawasan ang mga panganib sa kalusugan.  

Tingnan ang Tuntunin ng Bagong Pagsusuri ng Pinagmumulan ng mga Nakakalasong Nagkokontamina sa Hangin para sa higit pang impormasyon.

Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin

Nilalayon ng iba't ibang hakbang sa pagkontrol na bawasan ang Nakakalasong Nagkokontamina sa Hangin, Toxic Air Contaminant o TAC, mga emisyon sa Bay Area, kasama ang Regulasyon ng Distrito ng Hangin para sa Mga Mapanganib na Nakakarumi, Mga Hakbang ng California sa Pagkontrol ng Nakakalason sa Hangin na nagmula sa Batas ng California sa Nakakalasong Nagkokontamina sa Hangin, ang Programa ng California sa Mga Hot Spot ng Nakakalason sa Hangin, Pambansang Mga Pamantayan sa Emisyon para sa Mga Mapanganib na Pamparumi sa Hangin, at ang pederal na Batas sa Malinis na Hangin.

Makikita sa web page ng Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hanginang higit pang impormasyon tungkol sa mga hakbang na ito.

Pagsusuri ng mga Hot Spot ng mga Nakakalason sa Hangin

Noong 1987, gumawa ang batas ng California ng isang Programa ng "Mga Hot Spot" para sa mga Nakakalason sa Hangin na ipinatupad ng mga lokal na distrito ng hangin. Kinailangan ng programa ang pagtukoy at pagsusuri ng umiiral na pang-industriya at komersyal na mga pinagmumulan ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin at hinikayat ang mga pagbawas sa mga emisyon. Ang mga pasilidad na mayroong mataas na mga antas ng panganib ay inatasang abisuhan ang publiko at bawasan ang mga panganib ng pagkakalantad ng publiko sa ilang partikular na lebel na nasa partikular na takdang panahon. Ang sumunod na batas ay hindi isinama ang mga nasuri nang pasilidad sa mga karagdagang kinakailangan, maliban sa mga update sa emisyon paminsan-minsan.

Tingnan ang web page ng Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin  para sa higit pang impormasyon.

docked-alert-title

Last Updated: 4/17/2020