AB 617 Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng BARCT (Ipinatupad noong Disyembre 19, 2018)

Alamin ang tungkol sa proseso ng Air District para sa pagpapatupad ng Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng BARCT, na iniutos ng Panukalang-batas ng Asembleya 617 para sa mga industriyal na pasilidad sa Cap-and-Trade, na kasalukuyang walang ipinapatupad na Pinakamahusay na Available na Teknolohiya sa Pagkontrol ng Pagpapatibay.

Ang AB 617 na Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol sa Muling Pagpapatibay (BARCT) para sa Industriyal na Pasilidad na Cap-and-Trade ay pinatupad ng Mga Lupon ng Direktor ng Air District sa pampublikong pandinig noong Disyembre 19, 2018:

Panukalang-batas ng Asembleya 617

Inuutusan ng Panukalang-batas ng Asembleya 617 (AB 617) ang estado, nang may konsultasyon sa mga lokal na air district, na pumili mga komunidad na may mataas na cumulative na problema sa pagkakalantad sa pagpaparumi sa hangin. Kapag pinili, makikipagtulungan ang mga komunidad na ito sa mga lokal na air district sa mga programa sa pagbawas ng emisyon sa komunidad at/o kampanya sa pagsubaybay sa kalidad ng hangin. Ipinapatupad ng Air District ang mga pagsisikap sa AB 617 sa pamamagitan ng Programa sa Proteksyon ng Kalusugan ng Komunidad.

Iniaatas din ng panukalang-batas ang pinabilis na pagpapatupad ng Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol sa Muling Pagpapatibay, o BARCT, sa mga industriyal na pasilidad sa Cap-and-Trade.

AB 617 Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng BARCT

Inaatasan ng AB 617 ang mga air district na magpatupad ng Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol sa Muling Pagpapatibay o BARCT, sa mga pinagmumulan ng polusyon na matatagpuan sa mga pasilidad alinsunod sa programang Cap-and-Trade. Tinukoy ng Air District ang 19 sa mga industriyal na pasilidad na ito sa Bay Area, na lumalampas sa mahigit 1,800 pinagkukunan.

Para matugunan ang mga pasilidad na walang nakatalagang BARCT, dapat magpatupad ang bawat air district ng Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng BARCT bago ang pagtatapos ng 2018. Tinukoy ng Air District ang mga kategorya ng pinagkukunan kung saan hindi ipinapatupad ang BARCT, at gumawa ito ng listahan ng mga isasaalang-alang na anim na tuntunin sa mga proyekto sa development para sa mga pagpapatupad na tutugon sa mga emisyon ng PM, NOx, ROG, at SO2.

Tinanggap ng Air District ang mga pampublikong komento sa panukalang Pinabilis na Iskedyul sa Pagpapatupad ng BARCT, Ulat ng Mga Kawani, at Draft ng Ulat sa Epekto sa Kapaligiran (Environmental Impact Report, EIR) ng CEQA: 

Na-present ng mga kawani ang mga pinal na panukalang dokumento para sa Pinabilis na Isedkyul sa Pagpapatupad ng BARCT at pagsusuri ng CEQA sa Lupon ng Mga Direktor ng Air District para sa pagsasaalang-alang pampublikong pandinig noong Disyembre 19, 2018.

Mga Pagpupulong at Mga Kaganapan

Page Loading

Mga Dokumento at Mga Materyal

Page Loading

Victor Douglas
Pangunahing Espesyalista sa Kalidad ng Hangin

415.749.4752 vdouglas@baaqmd.gov

David Joe
Assistant Manager, Community Engagement and Policy

415.749.8623 djoe@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 7/14/2020