Mga Resource Team sa Komunidad

Sinimulan noong 1991, pinagsasama-sama ng Mga Resource Team sa Komunidad ang mga sibikong grupo, ahensya, negosyo, at organisasyon para sa kapaligiran para regular na mag-meeting at mag-collaborate para makapagpatupad ng mga proyektong nagsusulong ng mas malinis na hangin.

Sa kasalukuyan, may walong Resource Team sa Komunidad na aktibong nakikipagtulungan sa Distrito ng Hangin. Nakakatanggap ang bawat team ng suporta para makabuo at makapagsagawa ng mga proyektong tumutulong na tumugon sa mga natatanging alalahanin sa kalidad ng hangin ng mga komunidad. Kasama sa mga aktibidad ang paggawa ng mga pagsubok, pagsusulong ng mga lokal na kampanya para sa kabatiran, at pakikibahagi sa mga inisyatiba sa rehiyon. Ang pagsali sa isang Resource Team sa Komunidad ay boluntaryo at hindi nakakatugon sa pagsunod sa Programa ng Mga Benepisyo sa Commuter ng Bay Area.

Makibahagi: Makipag-ugnayan kay Stephanie Anderson sa pamamagitan ng email.

County ng Contra Costa

Ang isang mahalagang proyekto ng Resource Team ng County ng Contra Costa ay ang Walang Idle na Bay Area (Idle Free Bay Area), na isang programang nakatuon sa pagbibigay-kaalaman sa mga magulang at miyembro ng komunidad tungkol sa mga simpleng paraan para makatipid ng pera at gasolina habang binabawasan ang polusyon.

County ng Marin

Inilunsad ng Resource Team ng County ng Marin, sa pakikipagtulungan sa Mga Ligtas na Ruta Papasok ng Paaralan ng County ng Marin, ang Programang Mag-park at Maglakad (Park and Walk) noong 2019 para hikayatin ang mga pamilyang karaniwang nagmamaneho na mag-park at maglakad nang maikling distansya papasok ng paaralan. Ipinatupad ang programa sa apat na pilot na elemantarya, at tumutulong itong bawasan ang trapiko at polusyon sa mga campus ng paaralan. 

County ng Napa

Kasama sa mga hallmark ng Resource Team ng County ng Napa ang pag-host ng mga meeting para sa malinis na transportasyon, pakikibahagi sa Walang Idle na Bay Area (Idle Free Bay Area), at pakikipagtulungan sa Visit Napa Valley para maisulong ang sustainable na turismo at mabawasan ang polusyon sa hangin at pagsisikip ng trapiko.

County ng San Francisco

Nagsisikap ang Resource Team para sa Iligtas ng Hangin ng San Francisco na hikayatin ang mga commuter sa San Francisco na mag-explore ng mga alternatibo sa pagko-commute para sa malinis na hangin gaya ng pag-carpool, pagbibisikleta, pagsakay ng ferry, pag-vanpool, o paggamit ng pampublikong transportasyon – kahit ano maliban sa pagmamaneho nang mag-isa papasok ng trabaho! Ang mga kalahok sa Fit Trips Challenge ng team, na nagsusulong sa mga benepisyo sa kalusugan ng katawan at pag-iisip ng mga alternatibo sa pagmamaneho nang mag-isa, ay itinatampok sa mga video interview.

County ng San Mateo

Bilang suporta sa pagbabawas sa pagsisikip ng trapiko at mga emisyon ng greenhouse gas, binuo ng Resource Team ng County ng San Mateo ang Gabay sa Pagsusulong ng Mga Aktibong Biyahe (Active Trips Promoter Guide) at gumawa sila ng draw ng papremyo para isulong ang mga alternatibo sa pagmamaneho nang mag-isa.

County ng Santa Clara

Mula sa Mga Kuwento ng Pagko-commute (Tales of the Commute), na isang toolkit para matulungan ang mga employer na tulungan ang mga empleyado sa pagpili ng mga alternatibo sa pagko-commute na iba sa pagmamaneho nang mag-isa, hanggang sa mga interview sa mga commuter, nakatuon ang Resource Team ng County ng Santa Clara sa pagbabawas sa polusyon sa hangin at pagsisikip ng trapiko na dulot ng pagko-commute.

County ng Sonoma

Ang Mga Fair para sa Transportasyon sa Komunidad, na hino-host sa mga pampublikong center at may mga partner na employer, at ang Go Sonoma ay mga centerpiece ng pagsisikap ng Resource Team ng Sonoma para mabigyan ang mga residente ng madaling i-access na impormasyon tungkol sa mga alternatibo sa pagmamaneho.

Southern County ng Alameda

Ang outreach ng Resource Team ng Southern Alameda ay may mga webinar at workshop para sa mga staff ng lungsod at kolaborasyon sa Mga Ligtas na Ruta Papasok ng Paaralan para palawakin ang kabatiran sa paggasta at naaaksaya kapag idle.

Lugar ng Tri-Valley

Para makibahagi ang komunidad sa pagsisikap tungo sa malinis na hangin, ginawa ng Resource Team ng Tri-Valley ang Award para sa Epekto sa Kalidad ng Hangin (Air Quality Impact Award, AQIA) para kilalanin ang mga negosyong nagsisikap na bawasan ang kanilang carbon footprint sa pamamagitan ng mga opsyon sa malinis na pagko-commute, at inilunsad nila ang Walang Idle na Tri-Valley (Idle Free Tri-Valley) para suportahan ang pagbabawas sa mga emisyon ng sasakyan.