Pagpaparumi ng Usok ng Kahoy

Alamin kung paano binabawasan ng Distrito ng Hangin ang pagpaparumi ng usok ng kahoy sa Bay Area sa pamamagitan ng mga Alerto na Iligtas ang Hangin at mga kabawalan sa pagsunog ng kahoy, at alamin kung paano kayo makakatulong sa bahay.

Sa panahon ng taglamig, ang usok mula sa pagsunog ng kahoy sa tirahan ay ang nangungunang dahilan ng pagpaparumi sa hangin sa Bay Area. Ang maliliit na partikulo at mga nakalalasong kemikal mula sa usok ng kahoy ay maaaring magdulot ng seryosong problema sa kalusugan, lalo na sa mga bata, mas matandang mga nasa hustong gulang, at ang mga may mga problema sa puso at paghinga. Upang malaman kung paano nakakaapekto ang pagpaparumi ng usok ng kahoy sa iyong kalusugan, bisitahin ang pahina sa web ng Mga Epekto sa Kalusugan ng Burn Wise ng EPA ng U.S..

Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig

Kapag ang kalidad ng hangin ay hindi malusog, ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu ng isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig (PDF) at nagbabawal ng pagsunog ng kahoy. Upang malaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay pinaiiral:

Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy

Pinagtibay ng Lupon ng mga Direktor noong Hulyo 2008, ang Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy (PDF):

  • Ipinagbabawal ang paggamit ng anumang mga kagamitan sa pagsunog ng kahoy (tulad ng mga fireplace, kalan ng kahoy, o kalan ng pellet) kapag ang isang Alertong Iligtas ang Hangin ay pinaiiral.
  • Nililimitahan ang sobrang usok kapag ang pagsunog ay ipinahihintulot.
  • Ipinagbabwal ang pagsunog ng basura, mga plastik, at ibang mga nakalalasong materyal.
  • Nag-aatas ng pagtatatak sa paggatong na kahoy at ibang mga solidong gatong na ibinebenta sa Bay Area.
  • Nag-aatas na tanging ang malinis na nasusunog, setripikado ng EPA na mga kalan at mga ipinapasok ang ibebenta at gagamitin sa mga lokal na proyektong konstruksiyon.

Ang karagdagang impormasyon ay makukuha sa Mga Madalas Itanong Tungkol sa Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy (PDF).

Mga Pagbabago sa Tuntunin ng 2015

Noong ika-21 ng Oktubre, 2015, ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay lubos na nagkakaisang nagpatibay ng mga bagong tadhana na magpapabuti nang malaki sa regulasyon ng ahensiya sa pagsunog ng kahoy, na idinisenyo upang ipagsanggalang ang pampublikong kalusugan laban sa mga panganib ng pagpaparumi ng pinong partikulo. Ang mga pagbabagong ito ay naghihigpit sa mga pagkalibre at iniaatas mula sa orihinal na tuntunin, na pinagtibay noong Hulyo 2008.

Mga Pagkalibre sa Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy

(Pagsasapanahon noong 10/21/15: Impormasyon Habang Hinihintay ang Pagbabago)

May mga pagkalibre sa Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy kung saan ang mga tao ay maaaring magsunog ng kahoy kapag may Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig:

Ordinansang Modelong Usok ng Kahoy

Mula nang pagtibayin ang Tuntunin sa mga Kagamitan sa Pagsunog ng Kahoy, ang mga antas ng pagpaparumi ng usok ng kahoy ay nabawasan sa buong Bay Area. Gayunman, ang kaayusan ng lupa ng mga partikular na lugar ay maaaring magkulong sa usok, lilikha ng mga pocket ng pagpaparumi na nakakaapekto nang masama sa pampublikong kalusugan. Upang tugunan ang mga lugar na ito, ang Distrito ng Hangin ay bumuo ng Modelong Ordinansa sa Usok ng Kahoy (PDF), na kabilang ang iba't ibang mga opsiyon para sa pagbawas ng lokal na usok ng kahoy. Itong modelong ordinansa ay magagamit ng mga lungsod at county upang magpatibay at magsapanahon ng mga ordinansa, depende sa mga pangangailangan ng komunidad. Tingnan ang Madaling Masasangguning Patnubay (PDF) para sa karagdagang impormasyon.

Paano Mababawasan ng mga Residente ang Pagpaparumi ng Usok ng Kahoy

Ang Distrito ng Hangin ay humihimok sa mga residente na gumamit ng mas malinis, mas episyenteng mga kagamitan sa pagpapainit, tulad ng likas na gas o elektrik na pagpapainit, upang painitin ang kanilang mga bahay. Kung ikaw ay nagsusunog ng kahoy sa mga araw na ito ay ipinahihintulot, bawasan ang pagpaparumi sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patnubay na ito:

  • Lumipat sa isang sertipikado ng EPA na kagamitan o gas sa pagsunog ng kahoy.
  • Gumawa ng malinis, maiinit na apoy na maraming hangin.
  • Huwag magsunog na pinintahan o ginamot na kahoy, particle board, mga plastik, mga pambalot na papel, o ibang basura.
  • Magsunog ng tuyong matigas na kahoy na tulad ng oak o cherry, na naglalabas ng mas kaunting usok.
  • Mag-imbak ng kahoy sa isang tuyo, natatakipang lugar.
  • Panatilihin ang iyong fireplace at kalan ng kahoy na malinis at maayos.
  • Tiyakin na mahusay ang insulasyon ng iyong bahay.
  • Magbihis nang mainit upang bawasan ang pangangailangan ng karagdagang pagpapainit.

Kumuha ng mga karagdagang payo mula sa Programang Burn Wise ng EPA ng U.S. (PDF), makukuha sa Ingles at Kastila.


Tulong sa Pagsunod

415 749 4999 compliance@baaqmd.gov

Rule Development

415.749.4653 woodsmokerule@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 9/25/2024