|
|
Alamin ang tungkol sa Paunawa ng Paglabag ng Distrito ng Hangin at kung ano ang dapat gawin kung nakatanggap ka nito.
Ang isang Paunawa ng Paglabag ay isang pormal na rekord ng paglabag sa batas ng estado o mga regulasyon ng Distrito ng Hangin. Ikaw ay maaaring sumailalim sa mga fee sa multa at, mga seryosong kaso, pag-uusig na sibil o pangkrimen. Sa karamihan ng mga kaso, ang isang Paunawa ng mga Paglabag ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng paggawa ng pangwastong aksiyon at pagbabayad ng fee sa multa.
Gumawa ng agad na aksiyon upang pigilan ang paglabag. Sa ilalim ng batas ng estado, ang bawat karagdagang araw ng hindi pagsunod ay itinuturing na isang karagdagang paglabag.
Iwasto ang paglabag at ayusin ang mga problemang ipinabatid, saka bigyan ng paunawa ang grupo ng Pagsunod at Pagpapatupad sa loob ng 10 araw ng trabaho. Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon kapag tatawag ka:
Kung hindi mo magawang iwasto ang paglabag o pigilan ito na mangyari, maaari kang humingi ng pagkakaiba mula sa Lupon ng Pagdinig ng Distrito ng Hangin. Ang isang pagkakaiba ay magkakaloob ng pansamantalang pagkalibre mula sa mga ispesipikong iniaatas sa regulasyon.
Ang iyong Paunawa ng Paglabag ay maaaring lutasin sa pamamagitan ng Programang Pag-aayos ng Isa't Isa ng Distrito ng Hangin o ang Departamentong Pambatas nito.
Ang programang ito ay nagpapahintulot sa inyo sa ayusin ang inyong kaso sa labas ng hukuman sa pamamagitan ng pakikipag-ayos sa Distrito ng Hangin. Kung ang iyong paglabag ay inirekomenda sa programang ito, tatanggap ka ng alok na makipag-ayos na may malilinaw na tadhana. Ang ilang mga kaso ay karapat-dapat para sa walang fee na mga pakikipag-ayos kung ang mga ispesipikong aksiyon ay ginawa upang pabutihin ang kalidad ng hangin (higit sa pagsunod). Ang mga parusa ay ipinapasiya batay sa uri ng paglabag, ang tagal nito, at kasaysayan ng mga paglabag sa pasilidad o pagpapatakbo.
Ang mga paglabag na hindi nalutas sa pamamagitan ng Programang Pag-aayos ng Isa't Isa ay hahawakan ng Departamentong Pambatas ng Distrito ng Hangin. Ang ilan sa mga kasong ito ay maaaring ayusin sa labas ng hukuman. Ang Departamentong Pambatas ay magpapasiya kung ang paglabag ay nagbibigay-katwiran para sa pamapangasiwaan, pangkrimen, o sibil na aksiyon.
Pangkalahatang Impormasyon Tungkol sa Pagsunod
415 749-4795 compliance@baaqmd.gov
Tulong sa Pagsunod
415 749 4999 compliance@baaqmd.gov
Rule Development
Pagbuo ng Tuntunin
415 749-4787 ruledevelopment@baaqmd.gov
Last Updated: 8/3/2023