Pagbuo ng Tuntunin

Alamin kung paano bumubuo ng mga tuntunin ang Distrito ng Hangin na nagpapabuti sa lokal na kalidad ng hangin, at nagpoprotekta sa kalusugan ng mga residente ng Bay Area at pandaigdig na klima.

Ang Proseso ng Pagbuo ng Tuntunin

Pinapatnubayan ng isang set ng mga pangunahing prinsipyo, ang grupo ng Pagbuo ng Tuntunin ng Distrito ng Hangin ay nangangasiwa sa proseso ng paglikha at pagbabago ng mga tuntunin at regulasyon. Ang sumusunod ay isang maikling buod ng prosesong ito:

  1. Magsagawa ng panloob na pulong sa pagsaklaw
  2. Tinatalakay ng mga tauhan ng Distrito ng Hangin ang isang problema sa pagpaparumi sa hangin na nakarating sa kanilang atensiyon.

  3. Maghanda ng isang memo ng pagtayang teknikal
  4. Sinusuri ng Distrito ng Hangin ang mga opsiyon sa pagtugon sa problema, kabilang ang paglikha ng isang bagong tuntunin, pagbabago sa umiiral na tuntunin, o pagdaragdag ng mga bagong pagbabago, at itinatala ang mga opsiyong ito sa isang teknikal na memo.

  5. Maging punong-abala sa mga pulong ng apektado
  6. Ang Distrito ng Hangin ay nagsasagawa ng mga pulong sa mga negosyo, mga grupong pangkomunidad, at ibang mga interesadong partido upang talakayin ang mga isyu, magpalitan ng impormasyon, at himukin ang komunikasyon sa mga apektado.

  7. Maghanda ng isang unang burador ng iminumungkahing tuntunin
  8. Kung ang isang bagong tuntunin o pagbabago ay kailangan, ang Distrito ng Hangin ay sumasangguni sa mga apektado at bumubuo ng isang burador ng iminumungkahing aksiyon.

  9. Magsagawa ng mga Pampublikong workshop
  10. Ang isa o higit na pampublikong workshop ay ginagawa para sa bawat iminumungkahing tuntunin o pagbabago upang pahintulutan ang sinuman na tumalakay o magtanong tungkol sa iminumungkahing aksiyon.

  11. Gumawa ng pagpapasiya sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California
  12. Sinusuri ng Distrito ng Hangin ang anumang mga posibleng epekto sa kapaligiran ng bagong tuntunin o pagbabago.

  13. Magsagawa ng pagsusuri ng epekto sa lipunan-ekonomiya at maghanda ng isang ulat
  14. Ang Distrito ng Hangin ay nagsusuri ng epekto sa lipunan-ekonomiya ng bagong tuntunin o pagbabago at bumubuo ng isang ulat na naglalarawan sa teknikal na pinagdaanan, mga pagbawas sa mga emisyon, at mga gastos na kaugnay ng iminumungkahing aksiyon.

  15. Magsagawa ng isang Pampublikong pagdinig
  16. Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagsusuri ng bawat iminumungkahing tuntunin o pagbabago sa isang pampublikong pagdinig, kung kailan sinuman ay maaaring magkomento. Sa katapusan ng pagdinig, ang lupon ay magpapasiya kung pagtitibayin ang iminumungkahing aksiyon.

  17. Bumuo ng patakaran at mga pamamaraan upang ipatupad ang tuntunin
  18. Pagkatapos pagtibayin ang tuntunin o pagbabago, ang Distrito ng Hangin ay lilikha o magbabago ng mga patakaran at pamamaraan upang linawin ang pagpapakahulugan sa tuntunin at direksiyon sa mga may-kaugnayang pamamaraan.

  19. Magsumite ng tuntunin para sa pag-aproba ng Plano sa Pagpapatupad ng Estado

Ang Distrito ng Hangin ay naghahanda ng isang pakete ng mga materyal sa pagpapatibay para sa mga tuntunin na nakakaapekto sa Plano sa Pagpapanatili na Kaugnay ng Ozone o California SIP, at dinadala ito sa Lupon sa mga Tagatulong ng Hangin ng California para isumite sa U.S. EPA.

Subscribe to the Rules and Regulations Email List

Sign up to receive updates on the latest Rules and Regulations activities.

Please refer to the Air District’s privacy policy if you have questions about how we use the information you submit.
*

Gregory Nudd
Tagapamahala ng Programa sa Kalidad ng Hangin

415.749.4786 gnudd@baaqmd.gov

Robert Cave
Nakatataas na Espesyalista sa Kalidad ng Hangin

415.749.5048 rcave@baaqmd.gov

Victor Douglas
Pangunahing Espesyalista sa Kalidad ng Hangin

415.749.4752 vdouglas@baaqmd.gov

Idania Zamora
Nakatataas na Inhinyero ng Kalidad ng Hangin

415.749.4683 izamora@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 10/25/2023