|
|
Alamin ang tungkol sa Paunawa na Sumunod ng Distrito ng Hangin at kung ano ang dapat gawin kung nakatanggap ka nito.
Ang Paunawa na Sumunod (PDF) ay isang pormal na paunawa ng maliliit na paglabag sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin. Ang mga paglabag na ito ay pangkaraniwang pampangasiwaan o may maliit na epekto sa kalidad ng hangin. Kung ang problema ay nilutas bago ang takdang petsa na nasa sitasyon, ang mga fee sa multa ay hindi sisingilin. Kung ang mga problema ay hindi iwinasto bago ang takdang petsa, ang isang Paunawa ng Paglabag ay maaaring iisyu.
Gumawa ng agad na aksiyon upang ayusin ang lahat ng problemang nakalista sa Paunawa na Sumunod. Sa sandaling ang mga problema ay maiwasto, dapat mong bigyan ng paunawa ang grupo ng Pagsunod at Pagpapatupad. Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon kapag tatawag ka:
Sa ilang mga kaso, ang inspektor ng Distrito ng Hangin ay maaaring makipag-ugnayan sa iyo upang beripikahin ang iyong mga pangwastong aksiyon. Kung naiwasto mo na ang lahat ng mga problemang binanggit sa Paunawa na Sumunod at binigyan ng paunawa ang Distrito ng Hangin, hindi mo na kailangang gumawa ng iba pa.
Kung may mga katanungan ka tungkol sa bagay na binigyan ka ng sitasyon o kung paano iwawasto ang mga problemang binanggit, tawagan ang inspektor na nakalagay sa ilalim ng Paunawa na Sumunod o Nakahandang Linya ng Tulong sa Pagsunod. Ang iyong lokal na kapisanan ng hanapbuhay o mga tagapayong pangkapaligiran ay maaari ring mag-alay ng tulong sa kung paano aayusin ang mga problemang tinukoy sa Paunawa na Sumunod.
Pangkalahatang Impormasyon Tungkol sa Pagsunod
415 749-4795 compliance@baaqmd.gov
Tulong sa Pagsunod
415 749 4999 compliance@baaqmd.gov
Rule Development
Pagbuo ng Tuntunin
415 749-4787 ruledevelopment@baaqmd.gov
Last Updated: 8/3/2023