Mga Plano at Klima

Alamin ang tungkol sa Kalidad ng Hangin at ibang mga plano, mga pagsisikap na bawasan ang pagbabago sa klima, palahukin ang ating mga komunidad, magkaloob ng CEQA at ibang mga kasangkapan sa mga lokal na gobyerno, at upang tasahin ang mga panganib sa kalusugan sa mga pinangangasiwaang pasilidad.

Mga Plano sa Kalidad ng Hangin...

Ang mga Plano sa Kalidad ng Hangin (o mga Plano sa Malinis na Hangin) ay nagkakaloob ng isang mapa ng daan sa mga aktibidad ng Distrito ng Hangin upang pabutihin ang kalidad ng hangin at tugunan ang pagbabago ng klima. Ang mga plano ay nakatuon din sa pagtulong sa mga residente, negosyo, lokal na pamahalaan at ibang mga interesadong partido sa Bay Area upang maunawaan ang kalidad ng hangin sa rehiyon at kung paano tayo makakapagtrabahong lahat upang protektahan ito, ang pampublikong kalusugan, at ang klima.

Ang Distrito ng Hangin ay naghahanda ng mga plano upang tuparin ang mga iniaatas na pagbawas ng pagpaparumi sa hangin ng Estado at pederal na pamahalaan mula noong 1982. Ang pinakahuli, ang Plano sa Malinis na Hangin ng 2010, ay binuo bilang isang plano sa maraming nagpaparumi - isang pinagsamang estratehiya sa pagkontrol upang bawasan ang ozone, particulate matter (PM), nakalalasong nagkokontamina sa hangin, at mga gas ng greenhouse.

Ang estratehiya sa pagkontrol ay binubuo ng: isang kombinasyon ng iminumungkahing mga regulasyon na pagtitibayin at ipatutupad ng Distrito ng Hangin; gawad at mga insentibong programa; pampublikong edukasyon at mga programang pakikipag-ugnayan; at mga pakikipagbakasan sa ibang mga ahensiya at mga apektado. Ang mga plano sa kalidad ng hangin ng Bay Area ay inihahanda sa pakikipagtulungan sa Komisyon sa Transportasyon ng Metropolitan, Komisyon sa Konserbasyon Pagpapaunlad ng Bay at Kapisanan ng mga Gobyerno ng Bay Area. Ang isang pagsasapanahon sa Plano sa Malinis na Hangin ng 2010 ay kasalukuyang isinasagawa.

Proteksiyon ng Klima

Bilang karagdagan sa mga hakbang na ibaba ang pagkahantad ng mga residente ng Bay Area sa ozone, particulate matter at nakalalasong nagkokontamina sa hangin sa malapit na takdang panahon, ang Plano sa Malinis na Hangin ng 2015 ay magsasama ng isang Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klima upang makamit ang malaki, pangmatagalang mga pagbawas sa mga emisyon ng gas ng greenhouse.

Plano sa Partisipasyon ng Publiko

Ang Plano sa Partisipasyon ng Publiko ay naglilingkod bilang isang patnubay upang magkaloob ng makabuluhang mga pagkakataon para sa mga komunidad upang lumahok sa Distrito ng Hangin habang nagsasagawa kami ng aming misyon na protektahan at pabutihin ang pampublikong kalusugan, kalidad ng hangin at pandaigdig na klima.

Pagtasa ng Panganib sa Kalusugan

Upang tulungan ang publiko sa pag-unawa sa mga aksiyon na kontrolin ang pagpaparumi sa hangin, ang Distrito ng Hangin ay naglalathala ng mga pagtasa ng mga panganib sa kalusugan na ipinakikita ng mga piling pinaggagalingang pang-industriya at mga plano sa pagbawas ng mga emisyon na binuo sa ilalim ng mga regulasyon ng Distrito ng Hangin.

Ibang mga Plano, Kasangkapan at Programa

Ang Distrito ng Hangin ay nagkakaloob ng mga kasangkapan at tulong na teknikal upang tulungan ang mga komunidad ng Bay Area na tugunan ang mga epekto ng kalidad ng hangin at lumahok sa pagbuo ang pagpapatupad ng mga solusyon. Ang Plano sa Kahandaan ng PEV ay tumutulong sa mga lungsod, negosyo at residente na maghanda para sa mga sasakyang de-kuryente, isang mahalagang sangkap ng Plano sa Malinis na Hangin ng 2010. Sa pamamagitan ng Mga Panuntunan ng CEQA at ng programang Pagtaya ng Panganib sa Hangin ng Komunidad (Community Air Risk Evaluation, CARE), ang Distrito ng Hangin ay nagkakaloob ng mga pangunahing impormasyong teknikal at mga kasangkapan upang tulungan ang mga residente, negosyo at lokal na ahensiya ng gobyerno upang tasahin at pagaanin ang mga problema sa kalidad ng hangin.

Michael Murphy
Nakatataas na Tagapayo sa Nauunang Proyekto

415.749.4644 mmurphy@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon sa Pagpaplano

415 749-4995 planning@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 2/21/2024