Isinapanahong mga Panuntunan sa CEQA

Alamin ang tungkol sa mga Panuntunan sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California ng Distrito ng Hangin, na tumutulong sa mga ahensiya na tayahin ang mga lokal na epekto sa kalidad ng hangin mula sa mga iminumungkahing proyekto at plano.

PAGSASAPANAHON: Enero 16, 2014
Noong Hunyo 2, 2010, ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area ay lubos na nagkakaisang nagpatibay ng mga hangganan ng kahalagahan upang tumulong sa pagsusuri ng mga proyekto sa ilalim ng Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California. Ang mga Hangganang ito ay idinisenyo upang itatag ang antas kung saan ang Distrito ay naniwala na ang mga emisyon ng pagpaparumi sa hangin ay magdudulot ng malalaking epekto sa kapaligiran sa ilalim ng CEQA at inilagay sa website ng Distrito ng Hangin at isinama sa isinapanahong Patnubay sa CEQA ng Distrito ng Hangin (isinapanahon noong Mayo 2012).

Noong Marso 5, 2012 ang Hukumang Superyor ng Alameda County ay nag-isyu ng isang hatol na nagpapasiya na ang Distrito ng Hangin ay nabigong sumunod sa CEQA noong pagtibayin nito ang Mga Hangganan. Hindi tiniyak ng hukuman kung ang Mga Hangganan ay may-bisa sa mga merito, pero nagpasiya na ang pagpapatibay ng Mga Hangganan ay isang proyekto sa ilalim ng CEQA. Ang hukuman ay nag-isyu ng isang kasulatan na nag-uutos sa Distrito na maglaan ng Mga Hanggahan at itigil ang pamamahagi ng mga ito hanggang sumunod ang Distrito ng Hangin sa CEQA. Iniapela ng Distrito ng Hangin ang desisyon ng Hukumang Superyor ng Alameda County. Ang Hukuman ng Apela ng Estado ng California, Unang Distrito ng Apela, ay nagpawalang-bisa sa desisyon ng hukuman ng paglilitis. Ang desisyon ng Hukuman ng Apela ay iniapela sa Korte Suprema ng California, na naggawad ng limitadong pagrepaso, at ang bagay ay kasalukuyang nakabinbin doon.

Dahil sa utos ng hukuman ng paglilitis na nananatili sa lugar habang hinihintay ang pangwakas na resolusyon ng kaso, ang Distrito ng Hangin ay hindi na nagrerekomenda na ang Mga Hanggahan ay gamitin bilang isang pangkaraniwang angkop na pagsukat ng malalaking epekto sa kalidad ng hangin ng isang proyekto. Ang mga namumunong ahensiya ay kailangang magpasiya ng angkop na mga hangganan ng kahalagahan ng kalidad ng hangin batay sa malaking ebidensiya na nasa rekord. Bagaman ang mga namumunong ahensiya ay maaaring umasa sa isinapanahong mga Panuntunan ng CEQA ng Distrito ng Hangin (isinapanahon noong Mayo 2012) para sa tulong sa pagkalkula sa mga emisyon ng pagpaparumi sa hangin, pagkuha ng impormasyon tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng mga pamparumi sa hangin, at pagtukoy sa posibleng mga hakbang sa pagpapagaan, ang Distrito ng Hangin ay inutusan na maglaan ng mga Hangganan at hindi na nagrerekomenda na ang mga Hangganang ito ay gamitin bilang isang pangkalahatang pagsukat ng malalaking epekto sa kalidad ng hangin ng proyekto. Ang mga namumunong ahensiya ay maaaring patuloy na umasa sa Mga Hangganan ng Kahalagahan 1999 ng Distrito ng Hangin at ang mga ito ay maaaring patuloy na gumawa ng mga pagpapasiya na nauukol sa laki ng mga epekto sa kalidad ng hangin ng proyekto batay sa malaking ebidensiya na nasa rekord para sa proyektong iyon.

Ang iba't ibang mga kasangkapan at tagatulong ay makukuha sa website na ito upang tulungan ang mga lokal na hurisdiksiyon sa paggamit ng Mga Panuntunan sa CEQA ng Distrito ng Hangin.

Tingnan ang Mga Panuntunan ng CEQA ng 1990ng Distrito ng Tubig.

Isinapanahong mga Panuntunan sa CEQA

Page Loading

Alison Kirk
Nakatataas na Tagaplanong Pangkapaligiran

415.749.5169 akirk@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 4/4/2023