|
|
Alamin ang tungkol sa mga plano sa pamamahala ng kalidad ng hangin na kasalukuyang binubuo.
Ang Distrito ng Hangin ay nagsasapanahon ng Plano para sa Malinis na Hangin ng Bay Area ng 2010 sa pakikipagbakasan sa Kapisanan ng mga Gobyerno ng Bay Area, sa Komisyon sa Konserbasyon at Pagpapaunlad ng Bay, at sa Komisyon sa Transportasyon ng Metropolitan.
Ang Plano sa Malinis na Hangin ng 2016/Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klima (Clean Air Plan/Regional Climate Protection Strategy, CAP/RCPS) ay magiging isang mapa ng daan para sa mga pagsisikap ng Distrito ng Hangin sa susunod na ilang taon upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin at protektahan ang pampublikong kalusugan at ang pandaigdig na klima. Ang CAP ay iniaatas ng Batas sa Malinis na Hangin ng California upang tukuyin ang mga posibleng tuntunin, mga hakbang sa pagkontrol, at mga estratehiya para sa Bay Area upang matugunan ang mga pamantayan ng estado para sa ozone o “ulap-usok.” Ang pagsasapanahon ng CAP ay magsasama ng kauna-unahang masasaklaw na mga RCPS ng Bay Area, na tutukoy sa mga posibleng tuntunin, mga hakbang sa pagkontrol, at mga estratehiya na mapagsisikapan ng Distrito ng Hangin upang bawasan ang mga gas ng greenhouse sa Bay Area.
Ang Distrito ng Hangin ay nagsagawa ng isang pampublikong workshop noong Pebrero 2014 upang simulan ang proseso ng pagsasapanahon ng Plano sa Malinis na Hangin ng 2010. Ang isang iniingatang webcast ng workshop ay makukuha.
Ang Distrito ng Hangin ay nag-iimbita sa inyo na lumahok sa isa ng anim na darating na bukas na bahay | ay makukuha rin: Espanyol | Biyetnamis | Tagalog | Tsino | upang malaman ang tungkol sa Plano sa Malinis na Hangin at Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klima ng 2016.
Gusto naming makarinig mula sa inyo!
Ang gagawin namin ay:
Plano sa Malinis na Hangin
Christy Riviere
Principal Environmental Planner
criviere@baaqmd.gov | 415.749.4925
Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klima
David Burch
Principal Environmental Planner
dburch@baaqmd.gov | 415-749-4641
Christy Riviere
Pangunahing Tagaplanong Pangkapaligiran
415.749.4925 criviere@baaqmd.gov
Last Updated: 7/24/2023