|
|
Alamin ang tungkol sa kung paano lumahok sa isang proyektong pagpapakita ng istasyon ng pagkarga sa de-kuryenteng sasakyan
Hanggang $900,000 sa pagpopondo sa gawad ang makukuha para sa Programang Pagpapakita ng Istasyon ng Pagkarga (Programa) ng De-kuryenteng Sasakyan (Electric Vehicle, EV), na magkakaloob ng hanggang 90% sa pagpopondo sa gawad para sa pagtatalaga ng bago, makukuha ng publiko na mga istasyon ng pagkarga ng EV sa mga pangunahing koridor ng transportasyon, sa mga lugar ng trabaho, at sa mga pangunahing destinasyon.
Ang mga pondo para sa proyektong ito ay igagawad sa mga pampublikong ahensiya na matatagpuan sa hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin sa pamamagitan ng isang tagisang proseso ng aplikasyon sa gawad upang palakihin hanggang maaari ang pagiging mabisang paggasta ng pagbawas sa paggamit ng petrolyo at pagpaparumi sa hangin. Bilang karagdagan, ang Programa ay nagbibigay ng priyoridad sa mga proyektong “shovel-ready”, nagsasama ng napapanibagong enerhiya (iyon ay, solar at hangin), tumutulong na sarhan ang mga puwang sa network ng pagkarga sa rehiyon, at matatagpuan sa itinalagang mga lugar ng Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE).
Ang impormasyong nakuha mula sa Programa ay titipunin sa isang Puting Papel upang idokumento ang mga benepisyo sa kapaligiran, ekonomiya, at pagpapatakbo ng Programa. Ang mga Ginawaran ng Programa ay aatasan na magpanatili ng mga istasyon, tumugon sa mga pinakamababang iniaatas sa paggamit, at mag-ulat ng mga datos sa paggamit at pangangailangan ng istasyon ng pagkarga ng EV para sa pinakamababang tatlong taon. Ang mga isponsor/ginawaran ng proyekto ay aatasan din na lumahok sa bilog na mesa na mga talakayan upang ibahagi ang mga aral na natutuhan at mga pinakamahusay na gawain.
Ang programang ito ay nagsara noong Disyembre 18, 2015. Ang mga Kinumpletong Aplikasyon ay tatayahin at raranguhan, at ang isang Paunawa ng Pagpapasiya ay gagawin sa huling bahagi ng Enero 2016.
Pagkilala
Ang programang ito ay naging posible sa pamamagitan ng isang gawad mula sa Pondo ng Pakikipag-ayos sa Pinalitan ang Pormula na Gasolina (Pondo). Nilikha bilang resulta ng isang antitrust na hablang aksiyon ng uri, ang layunin ng Pondo ay magkamit ng mga benepisyo ng malinis na hangin at pagiging episyente sa gatong para sa mga mamimili ng California.
Tanging ang mga pampublikong ahensiya ang karapat-dapat. Ang mga hindi pampublikong entidad ay hinihimok na bisitahin ang mga pahina ng web na nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa mga pagkakataon sa gawad para sa Mga Negosyo at Fleet at Mga Residente.
Ang programang ito ay nagsara noong Disyembre 18, 2015. Ang mga Kinumpletong Aplikasyon ay tatayahin at raranguhan, at ang isang Paunawa ng Pagpapasiya ay gagawin sa huling bahagi ng Enero 2016.
Ang isang webinar bago ang aplikasyon ay ginanap noong Miyerkoles, Disyembre 9, 2015, mula 2:00 hanggang 3:30PM.
Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.
Grants Programs Information Request Line
415 749-4994 grants@baaqmd.gov
Last Updated: 8/3/2023