|
|
Alamin ang tungkol sa pagpopondo para sa mga pampublikong ahensiya upang makatulong na palawakin ang kahandaan ng ligtas na paradahan ng bisikleta sa Bay Area.
Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa Bay Area sa pamamagitan ng pagsuporta sa malinis, alternatibong mga paraan ng transportasyon.
Ang mga aplikasyon ay kasalukuyang tinatanggap at ang pagpopondo para sa mga karapat-dapat na proyekto ay makukuha batay sa unang dumating, hanggang Biyernes, Hunyo 3, 2016, o hanggang ang lahat ng pondo ay magasta.
Para sa FYE 2016, $3.84 na milyon sa Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for Clean Air, TFCA) ang mga pondo ay makukuha para sa mga proyektong Pasilidad ng Bisikleta kabilang ang humigit-kumulang na $840,000 para sa paradahan ng bisikleta at $3 milyon para sa mga daanan ng bike. Sa nakaraang taon ng pananalapi, halos $637,000 sa mga pondo ng TFCA ay iginawad upang suportahan ang instalasyon ng bagong ligtas na paradahan ng bisikleta, na nagresulta sa instalasyon ng mga 2,200 rack ng bisikleta na mga espasyong paradahan at 220 elektronikong locker.
Tanging ang mga pampublikong ahensiya at institusyon na nagmumungkahi ng mga proyekto sa hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin ang maaaring mag-aplay para sa mga pondo. Ang mga hindi pampublikong entidad ay hinihimok na bisitahin ang mga pahina ng web na nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa mga karapat-dapat na mga pagkakataon sa gawad para sa Mga Negosyo at Fleet at Mga Residente.
Ang webinar bago ang aplikasyon ay ginanap noong Martes, Setyembre 15, 2015, na sumaklaw sa mga iniaatas ng programa, ang proseso ng aplikasyon, at ang pamantayan sa pagtaya ng aplikasyon. Ang presentasyon sa webinar ay inilagay sa ilalim ng seksiyon ng Mga Tagatulong sa ibaba.
Batay sa pangangailangan, ang mga karagdagang webinar ay maaaring itakda sa hinaharap. Ang isang paunawa tungkol sa karagdagang mga webinar bago ang aplikasyon ay ipapadala sa pamamagitan ng email sa mga partidong pumirma upang tumanggap ng libreng mga email na alerto sa TFCA.
Grants Programs Information Request Line
415 749-4994 grants@baaqmd.gov
Last Updated: 8/3/2023