|
|
Alamin ang tungkol sa mga pinagkukunan ng pagpopondo sa gawad ng Distrito ng Hangin na nagbabawas ng pagpaparumi sa hangin sa Bay Area, gayon din ang impormasyon tungkol sa mga pagkakataon sa karagdagang pagpopondo mula sa ibang mga ahensiya upang bawasan ang mga emisyon.
Ang Pang-alaalang Programang Carl Moyer ay nagkakaloob ng mga gawad upang pahusayin o palitan ang heavy-duty diesel na mga sasakyan at kagamitan, kabilang ang loob- at labas-ng-daan na mga sasakyan at kagamitan, mga bus ng paaralan, kagamitang pang-agrikultura, mga sasakyang-dagat, at mga lokomotibo. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa mga diesel na makinang ito na pinatatakbo sa California ng mga pampubliko at pribadong entidad.
Ang Pondo ng Insentibo sa Gumagalaw na Pinanggagalingan (Mobile Source Incentive Fund, MSIF) ay nagkakaloob ng mga gawad sa pampubliko at pribadong sektor para sa mga proyektong karapat-dapat para sa Programang Carl Moyer, pag-scrap ng sasakyan at mga programang tulong na pang-agrikultura, at para sa mga proyekto upang bawasan ang pagpaparumi mula sa mga bus ng paaralan. Ang mga kita ng pondo ay sinisingil mula sa isang fee na $2 sa mga sasakyang nakarehistro sa Bay Area, at lumilikha ng mga $11 milyon bawat taon.
Ang mga kita ng Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for Clean Air, TFCA) ay tinitipon mula sa isang dagdag na fee na $4 sa mga sasakyang nakarehistro sa Bay Area, lumilikha ng mga $22 milyon bawat taon, upang pondohan ang mabisang-paggasta na mga proyekto na nagbabawas ng mga emisyon ng loob-ng-daan na sasakyang de-motor sa loob ng hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin. Animnapung porsiyento (60%) ng mga pondo ng TFCA ay iginagawad ng Distrito ng Hangin sa mga karapat-dapat na proyekto at mga programa sa pamamagitan ng isang programang tinatawag na Panrehiyong Pondo ng TFCA. Ang natitirang apatnapung porsiyento (40%) ng mga kitang ito ay ipinamamahagi sa itinalagang Tagapamahala ng Programa ng County sa bawat isa ng siyam na county sa loob ng hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin para sa mga katulad na proyektong pagbawas ng mga emisyon.
Ang Programang Paggalaw ng mga Kalakal ay nag-aalay ng mga gawad upang pahusayin o palitan ang diesel na kagamitan sa paglipat ng kalakal sa loob ng mga koridor ng kalakal ng California, kabilang ang: mga trak, lokomotibo, harbor craft, kagamitan sa paghawak ng kargo, at elektripikasyon ng mga lugar sa piyer ng barko.
Bilang karagdagan sa pangunahing mga pinagkukunan ng pagpopondo na tinukoy sa itaas, ang Distrito ng Hangin ay patuloy na naghahanap ng mga pagkakataon sa pagpopondo at mga kabakas upang bumuo, magpakita at magtalaga ng mga nangungunang teknolohiya upang bawasan ang mga emisyon sa hangin ng gumagalaw na pinanggagalingan sa Bay Area.
Maraming ahensiya ang nag-iisponsor ng karagdagang mga programang gawad at insentibo para sa mga proyektong nagbabawas ng mga emisyon mula sa gumagalaw na pinanggagalingan. Ang mga programang ito ay hindi pinatatakbo ng Distrito ng Hangin.
Grants Programs Information Request Line
415 749-4994 grants@baaqmd.gov