sitewide-alert-advisory
|
Smoke from wildfires in the western U.S. and Canada is expected to impact air quality in the Bay Area on Thursday and Friday. Residents in affected areas should stay alert to news coverage and health warnings related to smoke. Check air quality at fire.airnow.gov and take steps to protect your health from smoke. Learn how at www.baaqmd.gov/wildfiresafety. Pollution levels are not expected to exceed the national 24-hour health standard. A Spare the Air Alert is not in effect.
|
|
Palitan o ibahin ang nagpapatakbo ng heavy-duty na ginagatungan-ng-diesel na mga trak o mag-instala ng impra-istruktura ng pagkarga at paggatong sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Paggalaw ng mga Kalakal. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa kagamitan na pangunahing ginagamit sa paglipat ng mga kargada at pangkomersiyong kalakal sa kahabaan ng mga pangunahing ruta ng kalakal sa California.
Ang Distrito ng Hangin ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa pagpapalit ng trak at pagpapalit ng nagpapatakbo, impra-istruktura ng pagkarga at paggatong, elektripikasyon ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal mula Enero 25 hanggang Abril 15, 2016.
Ang karapat-dapat na mga may-ari ng klase 6, klase 7, at klase 8 na diesel na trak ay iniimbitahang lumahok sa programang ito. Ang panghila (daungan) na mga trak ay karapat-dapat mag-aplay sa panahong ito ng solisitasyon. Ang mga online na aplikasyon para sa programang ito ay dapat isumite nang hindi lalampas ang Biyernes, Abril 15, 2016.
Mangyaring suriin ang impormasyon sa ibaba upang malaman kung ang iyong kagamitan ay nakatutugon sa mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat sa programa bago isumite ang iyong aplikasyon. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.
Ang unang Taon 5 na solisitasyon sa trak ay nagsara noong Nobyembre 20, 2015, at ang mga tauhan ay kasalukuyang nagtataya ng mga aplikasyon na natanggap. Kokontakin ng mga tauhan ang mga aplikante ng trak sa unang bahagi ng 2016 tungkol sa katayuan ng kanilang mga aplikasyon.
Ang mga sumusunod na proyekto ay karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng programang ito:
Ang mga sumusunod na pamantayan sa pagiging karapat-dapat ay dapat matugunan ng kasalukuyang diesel na kagamitan para isaalang-alang:
Ang Programang Paggalaw ng mga Kalakal ay nagbibigay-kahulugan sa isang malaking fleet bilang apat o higit na diesel na mga trak na may GVWR na mas mabigat kaysa 14,000 lbs na nasa ilalim ng iisang pag-aari o kontrol, at ang isang maliit na fleet bilang tatlo o mas kaunting diesel na mga trak na may GVWR na mas mabigat kaysa 14,000 lbs na nasa ilalim ng iisang pag-aari o kontrol. Para sa mga layunin ng Taon 5 ng Programa, ang mga fleet ng Panghila ay bibigyan ng kahulugan sa kaparehong paraan. Sa panahon ng aplikasyon at sa buong buhay ng proyekto, ang fleet ng aplikante at bawat trak ay dapat sumunod sa Regulasyon sa Trak at Bus ng CA o CA Regulasyon sa Panghilang Trak gaya ng angkop.
Ang Programang ito ay hindi maaaring tumanggap ng mga aplikasyon para sa diesel na mga trak na napapailalim sa anumang huling-araw sa pagsunod sa regulasyon bago ang Enero 1, 2017.
Ang sumusunod ay isang listahan ng mga sertipikadong dealer ng trak ng Distrito ng Hangin Ang mga sertipikadong tagabenta ay may kontrata sa Distrito ng Hangin upang inspeksiyunin ang iyong lumang trak at ibenta sa iyo ang isang bago/nagamit nang trak na susunod sa mga regulasyon sa trak ng California.Ang Distrito ng Hangin ay nagrerekomenda, pero hindi nag-aatas, ng paggamit ng sertipikadong dealer ng trak ng Distrito ng Hangin.
Grants Programs Information Request Line, Mga Estratehikong Insentibo
415.749.4994 grants@baaqmd.gov
Last Updated: 8/3/2023