Pagpopondo sa Gawad

Kagamitang Pang-agrikultura

Pahusayin o palitan ang labas-ng-daan na diesel na (mga) makinang pambombang pag-agrikultura sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Carl Moyer. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa heavy-duty na diesel na mga makina sa California.

Mga Uri ng Proyekto

Ang pagpopondo ay iniaalok batay sa kung sino ang nauna hanggang ang lahat ng pondo ay magasta. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.

Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:

  • Pagpapalit ng makina (pagpapalit ng nagpapatakbo) - palitan ang isang lumang makina ng isang bago, sertipikado-sa-emisyon na makina (nakapirmi at nabibitbit na mga pambomba/makina na pang-agrikultura.
  • Pagpapatibay ng makina - mag-instala ng isang kagamitan sa pagkontrol ng emisyon (nakapirmi at nabibitbit na kagamitan).
  • Pagpapalit ng kagamitan -palitan ang lumang kagamitan ng pinakamalinis na makukuha (naililipat na kagamitan - mga tractor, loader, dozer, atbp. ).

Pagiging Karapat-dapat

Ang sumusunod na kagamitang pang-agrikultura ay pangkaraniwang karapat-dapat para sa pagpopondo; gayunman, kailangan mong sumunod sa mga angkop na tuntunin (tingnan sa ibaba) upang mag-aplay:

Mga Tuntunin at Regulasyon

Ang Hakbang sa Pagkontrol ng Nakalalason na Dala ng Hangin para sa Nakapirming Siniksik na Ignition na mga Makina (Airborne Toxic Control Measure for Stationary Compression Ignition Engines, ATCM) (nagkabisa noong Oktubre 18, 2007) ay kabilang ang mga iniaatas para sa nakapirmi at nabibitbit na pinatatakbo ng diesel na mga makina na ginagamit sa agrikultura lamang. Pangkaraniwan, ang mga makinang ito ay ginagamit upang bumomba ng tubig o magkaloob ng kuryente para sa pag-aalaga ng mga halaman o hayop. Lahat ng aplikanteng interesado sa pag-aaplay para sa nakapirmi/nabibitbit na kagamitan ay dapat sumunod sa ATCM.

Mangyaring bisitahin ang Mga Diesel na Makinang Pang-agrikultura para sa karagdagang impormasyon tungkol sa regulasyon o kontakin si Joe Slamovich sa 415-749-4681 para sa pagpaparehistro ng makina, at Guy Gimlen sa 415-749-4734 para sa mga katanungan tungkol sa regulasyon sa makinang Pang-agrikultura.

Paano Dapat Mag-aplay

  1. Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong kagamitan para sa programang ito.
  2. Tukuyin ang uri ng proyekto para sa iyong kagamitan.
  3. Tipunin ang kinakailangang mga impormasyon tungkol sa iyong kasalukuyang kagamitan at pamalit na kagamitan o makina.
  4. Makipagtulungan sa dealer ng kagamitan upang makakuha ng pamalit na kagamitan at mga makina.
  5. Mag-aplay para sa pagpopondo online.

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.

Karagdagang impormasyon

Karagdagang impormasyon tungkol sa regulasyon sa kagamitang pang-agrikultura at mga iniaatas sa pagsunod:

Mga Dokumento ng Programa

Grants Programs Information Request Line

415 749-4994 grants@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 9/21/2022