Ihingi ng panibagong bisa ang permiso

  Alamin ang mga tuntunin at iniaatas para sa pagpapanibago ng bisa ng Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C), Permiso Upang Magpatakbo (Permit to Operate, P/O), Mga Sertipiko ng Pagpaparehistro at Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Titulo V) na mga Permiso.

Pangkalahatang-tanaw sa Pagpapanibago ng Bisa ng Permiso

May mga partikular na permiso ng Distrito ng Hangin na nangangailangan ng pagpapanibago ng bisa o aksiyon bago mag-expire. Ito ay nalalapat sa Mga Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct), Permiso Upang Magpatakbo (Permit to Operate), Sertipiko ng Pagpaparehistro, at Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Titulo V) na mga Permiso.

Narito ang isang pangkalahatang-tanaw sa proseso ng pagpapanibago ng bisa:

Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C)) - Kung ang anumang kagamitang saklaw ng A/C ay hindi nakumpleto bago ito mag-expire, dapat mong bigyan ng paunawa ang Distrito ng Hangin bago ang pag-expire. Kung ang isang A/C ay hindi kuwalipikado para sa pagpapanibago ng bisa, ang aplikante ay dapat kumuha ng isang bagong A/C sa pamamagitan ng muling pagsusumite ng isang bagong aplikasyon para sa permiso. Tingnan ang Regulasyon 2, Tuntunin 1 ng Distrito ng Hangin. Ang Distrito ng Hangin ay mag-iisyu ng invoice para sa pagpapanibago ng bisa ng A/C pagkatapos matanggap ang paunawa. Bilang karagdagan, dapat magbigay ng paunawa ang aplikante kapag pinaandar ang anumang kagamitang nasasaklawan ng A/C o kung hindi na kinakailangan ang A/C. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa web page ng Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C).

Permiso upang Magpatakbo (Permit to Operate, P/O) – Bago makatanggap ng invoice para ihingi ng panibagong bisa ang P/O, maaaring hilingin sa iyong magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng Pagsasapanahon ng mga Datos (tingnan ang seksiyon sa ibaba). Simula sa 2021, kakailanganin ng ilang pasilidad na magsumite ng pag-uulat ng taon ng kalendaryo sa ilalim ng tuntunin sa Pag-uulat sa Mga Pamantayang Nagpaparumi at Nakalalasong Emisyon (Criteria Pollutant and Toxics Emissions Reporting, CTR) ng Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California (California Air Resources Board). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-uulat sa CTR, pumunta sa web page ng Pag-uulat sa Mga Pamantayang Nakalalason.

Ang invoice sa pagpapanibago ng bisa ay pangkaraniwang iniisyu 30 hanggang 60 araw bago ang pag-expire. Ang mga pagkaantala sa pagsusumite ng iyong Pagsasapanahon ng mga Datos ay posibleng ikahuli ng pagkakaisyu ng iyong invoice ng pagpapanibagong bisa ng permiso. Ang kabiguang ibalik ang iyong Pagsasapanahon ng mga Datos ay posibleng magresulta sa aksiyon sa pagpapatupad o makahadlang sa pagkakaisyu ng iyong invoice sa pagpapanibagong bisa ng permiso.

Sertipiko ng Pagpaparehistro (Pagpaparehistro) – Kung sinasaklawan lang ng pagpaparehistro ang iyong pasilidad, iisyuhan ka ng invoice ng pagpapanibagong bisa na karaniwang ipinapadala nang 30 hanggang 60 araw bago ang pag-expire. Para sa mga nakarehistrong kagamitan at pagpapatakbong kasama rin sa P/O, ang mga pagpaparehistro ay ihihingi ng panibagong bisa kasabay ng P/O.

Permiso sa Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Major Facility Review, MFR o Titulo V) – Pinapanibagong bisa ang ganitong uri ng permiso kada 5 taon. Ang Responsableng Opisyal ay dapat magsumite ng isang aplikasyon na ihingi ng panibagong bisa ang Titulo V na permiso nang hindi mahuhuli sa 6 na buwan at hindi mas maaga kaysa 12 buwan mula sa pag-expire. Ang Distrito ng Hangin ay mag-iisyu ng isang invoice para sa pagpapanibago ng bisa ng Titulo V habang nasa proseso.

Pagsasapanahon ng mga Datos

Maliban kung ang iyong pasilidad ay napapailalim sa pag-uulat ng Mga Pamantayan sa mga Nagpaparumi sa Hangin at Nakakalasong Nagkokontamina sa Hangin (Criteria Air Pollutants and Toxic Air Contaminants, CTR), bago makatanggap ng invoice para ihingi ng pagpapanibagong bisa ang isang P/O, ang Distrito ng Hangin ay maaaring pana-panahong humingi ng impormasyon sa pamamagitan ng isang "Pagsasapanahon ng mga Datos," na karaniwang ipinapadala nang 110 hanggang 150 araw bago ang pag-expire ng permiso. Ang Pagsasapanahon ng mga Datos ay ipinadala sa nakatalagang may-ari/operator. Ang mga datos ay isinasapanahon kada 1 hanggang 4 na taon, depende sa device. Hindi lahat ng device (mga pinagkukunan) ay nangangailangan ng pagsasapanahon sa prosesong ito at maaaring hindi ilista sa Pagsasapanahon ng mga Datos.

Ang impormasyong ibibigay mo ay gagamitin para:

  • Isapanahon ang imbentaryo ng mga emisyon ng pasilidad
  • Kuwentahin ang mga fee sa pagpapanibago ng bisa ng permiso
  • Tingnan ang pagsunod sa mga angkop na regulasyon at mga kondisyon ng permiso
  • Sumunod sa Batas sa Impormasyon at Pagtasa ng "Hot Spots" ng Mga Nakalalason sa Hangin (AB 2588)

Lihim na Pangkalakalan: Sa ilalim ng Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California (California Public Records Act), ang lahat ng impormasyon sa isusumite mo ay ituturing na usapin sa pampublikong rekord at maaaring ilahad sa publiko, maliban kung hiniling mo sa Distrito ng Hangin na ituring ang ilang partikular na aytem bilang lihim na pangkalakalan gaya ng tinutukoy sa Regulasyon 2, Tuntunin 1, Seksiyon 402.7.

  • Ang bawat pahinang naglalaman ng impormasyo ng lihim na pangkalakalan ay dapat lagyan ng label na “lihim na pangkalakalan” kung saan malinaw na namamarkahan ang impormasyon ng lihim na pangkalakalan at dapat kang magbigay ng “pampublikong kopya” kung saan hindi nakalahad ang impormasyon.
  • Para sa bawat aytem na igigiit na lihim na pangkalakalan, dapat kang magbigay ng pahayag na ibinibigay ang batayan para sa iyong pag-aangkin.

Pagbabalik ng mga nakumpletong form:

  • Sa pamamagitan ng online na pag-uulat (gusto) BAGO
    • Kung may account ka na, mag-log in sa iyong account, buksan ang pagpapanibagong bisa para sa naaangkop na pasilidad at ilagay ang iyong impormasyon para sa pagsasapanahon ng mga datos.
    • Kung wala kang online na account:
      • Posibleng nabigyan ka ng liham na “Imbitasyon sa Sistema ng Pagbibigay ng Permiso ng Distrito ng Hangin” na may Access Code ng Pasilidad.
      • Puwede kang humiling ng bagong access code sa pasilidad sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa Permithelp@baaqmd.gov. Isama ang pangalan ng pasilidad at numero ng pasilidad sa linya ng paksa.
        Tandaan: Opisyal na kontak ka dapat para makakuha ng code ang pasilidad.
  • Sa pamamagitan ng email (susunod na pinakamagandang opsyon)
    • I-email ang lahat ng nakumpletong form sa DataUpdate@baaqmd.gov
    • Gamitin ang linya ng paksa na “Pagsasapanahon ng mga Datos para sa ID ng Pasilidad/Planta #:XXXXX”
    • Maglakip lang ng mga PDF o larawang file (hal., jpeg, jpg, png, tiff, bmp).
    • Ang email kasama ang mga kalakip ay nalilimitahan sa laking 35 MB
  • Sa pamamagitan ng koreo:
    • Ipadala ang iyong mga nakumpletong form sa address sa ibaba. Huwag iukol ang iyong pagsusumite sa sinumang partikular na tao.

BAAQMD – Engineering Division
375 Beale Street, Suite 600
San Francisco, CA 94105

Mga Pagbabayad ng Invoice at Katayuan ng Pagbabayad

Ipapadala sa nakatalagang kontak para sa pasilidad ang iyong invoice sa pagpapanibagong bisa ng permiso. Responsibilidad ng may-ari/operator na abisuhan ang Distrito ng Hangin kung nagbago ang iyong kontak.

Hinihikayat ang mga online na pagbabayad. Magagawa mong tingnan ang katayuan ng iyong mga pagbabayad sa invoice ng permiso o, sa karamihan ng mga kaso, magbayad online sa www.baaqmd.gov/pay. Kakailanganin mo ang iyong numero ng invoice at numero ng customer na makikita sa iyong invoice para magamit ang serbisyong ito.

Mas matagal maiproseso ang mga pagbabayad na isinumite sa pamamagitan ng koreo, nasa 14 na araw mula sa araw na natanggap ang mga ito. Posibleng gawin munang cash ang iyong tseke at pagkatapos ay umabot nang ilang araw para lumabas sa iyong balanse ng invoice.

Kabilang sa mga karaniwang pagkakamali ang:

  • Hindi pagbibigay ng stub ng pagbabayad ng invoice o anumang impormasyon ng pagkakakilanlan sa tsekeng ipinadala sa pamamagitan ng koreo
  • Pagsubok na magbayad ng maraming invoice gamit ang iisang tseke
    • Magbigay ng hiwalay na tseke para sa BAWAT invoice o bayaran ang bawat invoice nang online
  • Mga kulang na pagbabayad
  • Hindi kasama ang mga pagbabayad ng fee sa pagkahuli kung binayaran o na-postmark nang lampas sa takdang petsa ng invoice

Mga Dokumento ng Pagpapanibagong Bisa ng Permisong May Panibagong Bisa

Ang mga dokumento ng permisong may panibagong bisa ay ipapadala sa nakatalagang may-ari/operator sa loob ng 5 hanggang 10 araw ng negosyo pagkatapos mabayaran ang iyong invoice ng pagpapanibagong bisa ng permiso. Dapat mong bayaran ang buong balanse ng iyong invoice ng pagpapanibagong bisa ng permiso bago iisyu ang iyong mga dokumento ng permisong may panibagong bisa.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagbabayad, tingnan ang nakaraang seksiyong "Mga Pagbabayad ng Invoice at Katayuan ng Pagbabayad" ng web page na ito.

Asbestos
Asbestos

415 749-4762 asbestosjobs@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon sa Inhinyeriya

415.749.4990 permits@baaqmd.gov

Pagsunod at Pagpapatupad
Underground Tanks

415 749.4999

docked-alert-title

Last Updated: 11/14/2024