Katayuan sa Bangko ng Mapagpapalit na Kredito sa Pagbawas ng Emisyon

Alamin ang tungkol sa programang Mapagpapalit na Kredito sa Pagbawas ng Emisyon kabilang ang kung paano dapat ibangko at gamitin ang mga kreditong iyon.

Mapagpapalit na Kredito sa Pagbawas ng Emisyon

Ayon sa Regulasyon 2, Tuntunin 9 ng Distrito, ang Mapagpapalit na kredito sa pagbawas ng emisyon (mga IERC) ay magagamit sa halip ng pagsunod sa mga partikular na Pamantayan sa Emisyon na napapaloob sa ibang mga tuntunin ng Distrito. Ang mga IERC ay hindi magagamit sa halip ng pagsunod sa Pinakamahusay na Magagamit na Teknolohiya sa Pagkontrol (Best Available Control Technology, BACT)) o mga iniaatas na Offset o anumang ibang pederal na maipatutupad na limitasyon sa emisyon tulad ng Mga Pamantayan sa Pagganap ng Bagong Pinanggagalingan (New Source Performance Standards, NSPS), Pambansang mga Pamantayan sa mga Emisyon para sa mga Mapanganib na Pamparumi ng Hangin (National Emissions Standards for Hazardous Air Pollutants, NESHAPS), o mga pamantayan sa Pinakamataas na Makakamit na Teknolohiya ng Pagkontrol (Maximum Achievable Control Technology, MACT).

Ang mga IERC ay may-bisa para sa limang taon lamang, at dapat gamitin sa kaparehong lokasyon kung saan ang orihinal na mga pagbawas sa emisyon ay nangyari. Ang mga IERC ay magagamit lamang sa kaparehong pasilidad kung saan ang IERC ay nilikha, bilang bahagi ng isang Alternatibong Plano sa Pagsunod (Alternative Compliance Plan, ACP) upang sumunod sa isang pamantayan sa emisyon na kaugnay ng NOx ng isang tuntunin sa Regulasyon 9, o kondisyon ng permiso na batay sa naturang tuntunin. Ang mga kredito (sa mga tonelada) ay ibinabangko sa isang-taong mga increment, at hanggang tatlong taon ng mga pagbawas ng emisyon ay maaaring ibangko sa ilalim ng isang aplikasyon para sa pagbabangko ng IERC.

Paano Dapat Magbangko ng Mapagpapalit na Kredito sa Pagbawas ng Emisyon

Ang mga IERC ay ibinabangko sa mahinahon na mga panahon ng paglikha ng kredito hanggang isang taon. Ang isang aplikasyon sa pagbabangko ng IERC ay maaaring isumite bago mangyari ang isang pagbawas ng emisyon, o pagkatapos mangyari ang pagbawas. Ang unang panahon ng paglikha ng kredito ay hindi dapat na higit sa 30 buwan bago ang pagsumite ng unang kumpletong aplikasyon para sa pagbabangko ng IERC para sa isang partikular na pagbawas ng emisyon.

Magsumite ng isang aplikasyon para sa pagbabangko na kasama ang:

  • 1. Isang porma ng Aplikasyon para sa mga Kredito para sa Pagbawas ng Emisyon (Pagbabangko). Form P-401;
  • 2. Isang Porma ng Impormasyon sa Kapaligiran ng CEQA Apendise H;
  • 3. Pagbabayad ng mga angkop na fee. Tingnan ang Regulasyon 3 ng Distrito ng Hangin sa seksiyon ng Pagbabangko.
  • 4. Isang pabalat na liham na nagpapabatid ng mga pinanggagalingan na nalikha o lilikhain ng mga IERC, at kung paano nakakamit ang mga pagbawas ng emisyon.
  • 5. Dokumentasyon upang maberipika ang mga pagbawas ng mga emisyon (tulad ng mga datos sa pagsubaybay ng emisyon, mga resulta ng pagsusuri ng pinanggagalingan, mga talaan ng pagpapatakbo, mga rekord ng pagbili ng materyal, mga throughput ng produkto at mga rekord ng paggamit ng gatong).

Paano Dapat Gamitin ang Mapagpapalit na Kredito sa Pagbawas ng Emisyon

Upang gumamit ng mga IERC, dapat kang magsumite ng isang iminumungkahing ACP. Ang planong iyon ay dapat aprobahan ng Distrito ng Hangin bago gamitin ang mga IERC. Ang mga ACP ay may-bisa para sa isang taon at dapat ihingi ng panibagong bisa taun-taon.

Magsumite ng isang iminumungkahing ACP na kabilang ang:

  • 1. Isang pabalat na liham at paglalarawan ng proyekto na nagpapabatid na ikaw ay humihiling ng isang IERC ACP.
    • a. Ilarawan ang (mga) pinanggagalingan at angkop na (mga) tuntunin ng Distrito kung saan nais mong gamitin ang mga IERC sa halip ng pagsunod nang tuwiran sa (mga) tuntunin.
    • b. Ipabatid kung ilang tonelada ng mga IERC ang inaasahang magagamit mo sa panahon ng plano sa pagsunod (hanggang isang taon).
    • c. Beripikahin na ikaw ay nagtataglay ng sapat na mga IERC upang masaklaw ang inaasahang paggamit, kabilang ang karagdagang 10% ng dagdag na singil para sa benepisyong pangkapaligiran.
  • 2. Isang Porma ng Impormasyon sa Kapaligiran ng CEQA Apendise H,
  • 3. Pagbabayad ng mga angkop na fee. Tingnan ang Regulasyon 3 ng Distrito ng Hangin sa seksiyon ng Pagbabangko.
  • 4. Mga kuwenta ng inaasahang paggamit ng IERC na nagpapabatid kung paano ang aktuwal na mga emisyon ay pagpapasiyahan upang mabilang ang mga IERC na kailangan sa panahon ng ACP.

Bugie Krishnaswamy
Nakatataas na Inhinyero ng Kalidad ng Hangin

415.749.4637 bkrishnaswamy@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 5/17/2024