Pagpaparehistro ng mga Dry Cleaner

Sinumang may-ari o tagapagpatakbo ng kagamitan sa tuyong paglilinis na di-saklaw ng Regulasyon 2, Tuntunin 1, mga Seksiyon 301 at 302 (pagkuha ng Awtoridad na Magtayo/Permisyo Upang Magpatakbo) ay dapat magparehistro ng bawat makina ng tuyong paglilinis (tingnan ang Regulasyon 8, Tuntunin 17, Seksiyon 404 at Regulasyon 2, Tuntunin 1, Seksiyon 120).

Ang kagamitan sa tuyong paglilinis na nakakatugon sa mga sumusunod na pamantayan ay di-saklaw ng pagkuha ng Permiso Upang Magpatakbo:

  • Sa buong pasilidad, ang kabuuang pagkonsumo ng solvent na petrolyo o anumang ibang non-halogenated solvent ay mas mababa kaysa 200 galon sa anumang magkakasunod na 12-buwan na panahon
  • Ang kagamitan ay hindi gumagamit ng solvent na nagtataglay ng higit sa 1% batay sa timbang ng anumang ibang halogenated compound, tulad ng perchloroethylene.
  • Ang kagamitan ay hindi gumagamit ng solvent na magdudulot ng mga emisyon na hihigit sa mga antas ng trigger sa Regulasyon 2, Tuntunin 5.

Kung hindi pa malinaw kung ang iyong kagamitan ay kuwalipikado para sa pagpaparehistro, isumite ang mga pormang nakalista sa ilalim ng seksiyon “Paano Dapat Magparehistro” at ang BAAQMD ay gagawa ng pagtasa.

Ikaw ay inaatasan na panatilihing pangkasalukuyan ang iyong pagpaparehistro hanggang pinatatakbo mo ang iyong kagamitan na napapailalim sa regulasyon.

Paano Dapat Magparehistro

Ang kuwalipikadong kagamitan sa Tuyong Paglilinis ay maaaring iparehistro sa pamamagitan ng:

Mga Fee

Ang mga fee sa pagpaparehistro ay:

  • Isang unang fee sa pagpaparehistro na $272 kada makina na ipaparehistro; at
  • Isang taunang fee sa pagpapanibago ng bisa na $189 kada nakarehistrong makina.  Ikaw ay sisingilin nang nakahiwalay bago ang pagtatapos ng pagpaparehistro.

Ang mga nahuling pagpaparehistro ay magtatamo ng naiwang fee na kapantay ng taunang fee sa pagpapanibago ng bisa mula sa petsa ng pagkakabisa ng mga iniaatas na pagpaparehistro, hanggang sa pinakamataas na limang taon.

Pagpapanibago ng Bisa

Ang BAAQMD ay nag-isyu kamakailan ng mga invoice sa pagpapanibago ng bisa sa lahat ng pasilidad na may nakarehistrong kagamitan sa tuyong paglilinis upang gawing pangkasalukuyan ang pagpaparehistro.  Depende sa pagtatapos ng pagpaparehistro para sa iyong pasilidad, ikaw ay tatanggap taun-taon ng mga paunawa ng pagpapanibago ng bisa sa hinaharap.

Duncan Campbell
Nakatataas na Tekniko sa Permiso sa Kalidad ng Hangin

415.749.4722 dcampbell@baaqmd.gov

Judith Cutino
Nangangasiwang Inhinyero ng Kalidad ng Hangin

415.749.5115 jcutino@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 6/21/2021