Tingnan ang mga paunawa ng iminumungkahing mga proyekto sa permiso ng Bay Area at mga panahon ng pampublikong komento para sa mga proyektong ito.
Mga Aplikasyon para sa Permiso na nasa Pampublikong Paunawa
Ipinaaalam ng Distrito ng Hangin sa publiko ang tungkol sa ilang partikular na proyekto, pasilidad, at permisong sinusuri sa pamamagitan ng paglalathala ng pampublikong paunawa. Makakakita ka sa ibaba ng listahan ng mga aktibo at nakaraang pampublikong paunawa para sa nakalipas na 24 na buwan, pati na rin noong ilang taong nakalipas. Isinasaalang-alang ng Distrito ng Hangin ang mga komentong tinatanggap ng publiko sa paggawa ng mga pinal na desisyon at tumutugon ito sa lahat ng nagkokomento.
- Pampublikong Paunawa para sa mga Paaralan at Lubos na Apektadong Komunidad (Regulasyon 2, Tuntunin 1, Seksiyon 412)
- Ang “Waters Bill Notification” o Paunawa para sa Paaralan ay umiiral kapag may aplikasyon para sa permiso para sa bago at binagong pinagmumulan ng mga emisyon na inaasahang bumuga ng anumang mapanganib na pamparumi sa hangin o nakalalasong nagkokontamina sa hangin at ang puntong pinagbubugahan ng mga emisyon ay nasa loob ng 1,000 talampakan mula sa isang paaralan ng kindergarten hanggang grade 12 na may mahigit 12 mag-aaral.
- Ang isang paunawa sa lubos na apektadong komunidad (overburdened community, OBC) ay umiiral kapag may aplikasyon para sa permiso para sa isang bago at binagong pinagmumulan ng mga emisyon na nangangailangan ng pagtasa ng panganib sa kalusugan at ang puntong pinagbubugahan ng mga emisyon ay nasa loob ng isang OBC, gaya ng ipinapakita ng mapa ng OBC.
- Bagong Pangunahing Pasilidad o Malaking Pagbabago sa Mga Kasalukuyang Pasilidad (Regulasyon 2, Tuntunin 2, Seksiyon 405): Mga aplikasyon para sa permiso ng bagong Pangunahing Pasilidad o Malaking Pagbabago, o mga napapailalim sa mga pag-aatas sa Pagpigil ng Malaking Pagkasira o Teknolohiya ng Pinakamataas na Makakamit na Pagkontrol.
- Pagbabangko sa Mga Emisyon (Regulasyon 2, Tuntunin 2, Seksiyon 405): Mga aplikasyon para sa pagbabangko para sa mga pagbawas ng mga emisyong mas malaki sa 40 tonelada kada taon.
- Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad / Permiso sa Titulo V (Regulasyon 2, Tuntunin 6, Seksiyon 412): Pagpapanibagong bisa ng mga permiso at aplikasyon sa Titulo V na nakatutugon sa pagpapakahulugan ng malaking rebisyon sa permiso sa Titulo V sa ilalim ng Regulasyon 2, Tuntunin 6.
- Pagtatasa ng Panganib sa Kalusugan sa Buong Pasilidad (Regulasyon 11, Tuntunin 18): Nagsasagawa ang Distrito ng Hangin ng mga pagtatasa ng panganib sa kalusugan sa buong pasilidad para sa mga kasalukuyang pasilidad na may potensiyal para sa malalaking panganib sa kalusugan.
- Mga Planong Pagbawas sa Panganib sa Pasilidad (Regulasyon 11, Tuntunin 18, Seksiyon 405.2): Ang mga kasalukuyang pasilidad na mapag-aalamang may mga panganib sa kalusugan sa antas ng pagkilos ukol sa panganib o mas mataas dito ay dapat maghanda at magpatupad ng planong pagbawas ng panganib na inaprubahan ng Distrito ng Hangin.
- Batas sa Impormasyon at Pagtasa ng “Hot Spots” ng Mga Nakalalason sa Hangin (AB2588, Seksiyon 44362 ng Kodigong Pangkalusugan at Pangkaligtasan ng California): Mga pasilidad na mapag-aalamang may malaking panganib sa kalusugan mula sa mga emisyon ng mga nakalalasong nagkokontamina sa hangin.
- Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California (Kodigo ng Mga Pampublikong Yaman, Seksiyon 21000, et seq.): Mga proyektong nagpapasimula ng pagsusuri hinggil sa kapaligiran sa ilalim ng batas na ito at kung saan nangungunang ahensiya ang Distrito ng Hangin.
Mga Mapagkukunan
- Mga acronym na ginamit sa mga aplikasyon para sa permiso