Tingnan ang Manwal ng Patakaran sa Inhinyeriya at Pamamaraan, isang tagatulong para sa mga naga-aaplay para sa permiso at mga tauhan ng Distrito tungkol sa mga iniaatas ng proseso ng pagsusuri para sa permiso.
Ang Manwal ng Patakaran at Pamamaraan ng Dibisyon ng Inhinyeriya ng Distrito ng Hangin (PDF) ay isang patnubay sa patakaran, mga iniaatas sa pamamaraan, at dokumentasyon ng mayoriya ng mga aktibidad sa pagbibigay ng permiso ng Distrito ng Hangin. Ang manwal na ito ay nagkakaloob ng paglilinaw at tagubilin sa proseso ng pagsusuri ng permiso.
Ang BACT ay ang antas ng pagkontrol o pagbawas ng emisyon para sa bago at binagong mga pinanggagalingan ng mga emisyon na may potensiyal na maglabas ng 10 o higit na libra ng anumang pamantayang pamparumi (NOx, CO, POC, NPOC, SO2 o PM10) sa pinakamasamang-kaso na araw. Ang BACT ay nilalayong bawasan ang mga emisyon sa pinakamataas na antas na posible na isinasaalang-alang ang kakayahan ng teknolohiya at ekonomiya. Para sa ispesipikong pananalita sa pangangasiwa, tingnan ang Seksiyon 301 ng Regulasyon 2, Tuntunin 2
Ang RACT ay iniaatas sa ilalim ng Pederal na Batas sa Malinis na Hangin upang ipatupad para sa mga kasalukuyang pinanggagalingan ng mga emisyon ng pamantayang pamparumi sa pagbuo ng mga plano sa pagtatamo upang makamit ang mga pederal na pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin. Saka, ang Batas sa Malinis na Hangin ng California (California Clean Air Act, CCAA) ay nag-aatas na ang lokal na mga distrito ng hangin ay bumuo ng mga plano sa pagtatamo upang makamit ang pang-estadong mga pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin. Ang mga planong ito ay dapat kabilang ang mga hakbang na nangangailangan ng mga teknolohiya ng pagkontrol para sa pagbawas ng mga emisyon mula sa mga kasalukuyang pinanggagalingan (RACT/BARCT). Habang ang CCAA ay hindi naglilinaw sa RACT, ang RACT para sa mga kasalukuyang pinanggagalingan ay pangkaraniwang itinuturing na ang mga limitasyon sa emisyon na magreresulta mula sa paggamit ng ipinakitang teknolohiya upang bawasan ang mga emisyon. Ang BARCT ay nilinaw sa Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California bilang "bilang limitasyon sa emisyon na batay sa pinakamataas na antas ng pagbawas na makakamit, isinasaalang-alang ang mga epekto sa kapaligiran, enerhiya, at ekonomiya ng bawat uri o kategorya ng pinanggagalingan." Bagaman ang mga katawagan ay madalas na ginagamit nang iba't ibang pagkakataon, ang mga iniaatas ng BARCT ay pangkaraniwang mas mahigpit kaysa mga iniaatas ng RACT.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay binuo para sa BACT at RACT.
Pamamaraan: BACT1 Pagsusuri ng mga Awtomatikong Sistema ng Paglalaba ng Kumot - 2/28/2008
Pamamaraan: Pagsasagawa ng Pagpapasiya ng isang BACT at Pagsasapanahon ng BACT/TBACT Workbook - 2/28/2008
Patakaran: Mga Antas ng NOx at CO RACT para sa mga Thermal Oxidizer - 2/28/2008
Ang mga Kredito sa Pagbawas ng Emisyon (Emission Reduction Credits, mga ERC) ay ibinabangko alinsunod sa Regulasyon 2, Tuntunin 4. Ang mga ERC ay maaaring ibangko para sa mga sumusunod na pamparumi: NOx, SO2, CO, POC, NPOC, particulate at PM10. Ang mga ERC ay nililikha sa pamamagitan ng pagbawas ng mga emisyon na higit sa iniaatas ng regulasyon, o sa pamamagitan ng pagputol o pagsasara sa isang pinanggagalingan. Ang mga ERC ay maaaring gamitin upang magkaloob ng mga offset para sa mga pagtaas ng emisyon mula sa isang bago o binagong pinanggagalingan, gaya ng iniaatas ng mga Seksiyon 302 at 303 ng Regulasyon 2, Tuntunin 2. Ang mga sertipiko ng pagbabangko ng ERC ay maaaring ipagpalit o ibenta sa ibang pasilidad para gamiting bilang mga offset para sa pasilidad na iyon.
Mapagpapalit na kredito sa pagbawas ng emisyon (Interchangeable Emission Reduction Credits, mga IERC) ay ibinabangko alinsunod sa Regulasyon 2, Tuntunin 9. Ang mga IERC ay maaari lamang ibangko para sa NOx. Ang mga IERC ng NOx ay nalilikha sa pamamagitan ng pagbawas sa antas ng emisyon (ang maramihang emisyon kada yunit ng throughput) na mas mababa kaysa iniaatas ng regulasyon. Ang mga IERC ay hindi malilikha sa pamamagitan ng pagputol o pagsasara ng pinanggagalingan. Ang mga IERC ay maaari lamang gamitin sa lokasyon kung saan nilikha ang mga ito. Sa sandaling ibangko, ang mga IERC ay maaaring gamitin bilang bahagi ng isang Alternatibong Plano sa Pagsunod upang sumunod sa mga partikular ng tuntunin sa NOx. Hindi tulad ng mga ERC, mga IERC ay hindi magagamit bilang mga offset.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay pinaiiral sa mga pagbabangko at mga offset.
Patakaran: Proseso para sa Paghawak ng Kahilingan na Ibangko ang mga Emisyon - 3/15/2013
Patakaran: Paglilinaw na Nauukol sa Tagapagkaloob ng mga Kredito/Offset sa Pagbawas ng mga Emisyon -2/28/2008
Ang CEQA ay nag-aatas ng pagsusuri ng kapaligiran para sa mga proyektong binuo o inaprobahan ng estado ng California, panrehiyon, o lokal na pamahalaan. Ang mga proyekto ay kabilang ang pag-isyu ng may-kondisyong paggamit na mga permiso tulad ng mga Awtoridad na Magtayo at mga Permiso Upang Magpatakbo. Ang pangunahing hangarin ng CEQA ay upang tiyakin na ang publiko at ang ahensiya na gumagawa ng desisyon sa isang iminumungkahing aktibidad ay may lubos na kaalaman sa mga epekto sa kapaligiran ng aktibidad bago magpatuloy.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw kung paano iniaaplay ang CEQA.
Pagpapasiya ng Pagiging Angkop ng CEQA sa Awtoridad na Magtayo at/o Permiso Upang Magpatakbo - 02/28/2008
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay binuo para sa pagkumpleto ng partikular na mga porma ng datos.p>
Pamamaraan: Ang Proseso ng Pagpapanibago ng Bisa ng Permiso - 12/13/2007
Ang mga sumusunod ay mga paliwanag ng mga partikular na kahulugan.
Kahulugan ng mga Patakaran: Di-Pinagmulan na Organikong mga Timplada
Bilang bahagi ng Ulat ng Pagtaya ng Inhinyero na inihanda para sa bawat aplikasyon para sa permiso, kinukuwenta ng inhinyero sa permiso ang mga emisyon mula sa bago at/o binagong (mga) pinanggagalingan. Kung makukuha, ang inhinyero ay maaaring gumamit ng mga factor sa emisyon para sa pinanggagalingan na tinataya. Ang mga factor sa emisyon ay pangkaraniwang nasa anyo ng masa ng pamparumi kada yunit ng throughput. Ang isang pangkaraniwang ginagamit na pinanggagalingan ng mga factor sa emisyon ay ang publikasyon ng EP, may titulong Mga Factor ng Emisyon ng Kalipunan ng mga Pamparumi sa Hangin, karaniwang tinatawag na AP-42.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa factor sa emisyon para sa partikular na mga pinanggagalingan o mga pagpapatakbo.
Patakaran: Mga Factor sa Emisyon ng CARB para sa mga Makinang Diesel - Percent HC na kaugnay ng NMHC + NOx - 2/28/2008
Patakaran: Factor sa Emisyon para sa Nakalalasong Nagkokontamina sa Hangin para sa sari-saring Pinanggagalingan na Likas na Gas na Pagniningas - 2/28/2008
Ang mga makinang higit sa 50 HP ay nangangailangan ng mga permiso. Anumang bagong (pagkaraan ng ika-1 ng Setyembre, 2001) makina ay isang bagong pinanggagalingan. Anumang makina na ininstala at pinatatakbo bago ang ika-1 ng Setyembre, 2001 ay isang pagkawala ng pagkalibre na pinanggagalingan.
Bilang karagdagan sa mga regulasyon ng Distrito, ang Mga Hakbang sa Pagkontrol ng mga Lasong Dala ng Hangin (Airborne Toxics Control Measures, mga ATCM) ay pinagtibay ng Lupon ng mga Tagatulong ng Hangin para sa nakapirmi at naililipat na mga makina.
Ang Hanbuk ng Permiso ay nagtataglay ng mga chaper para sa pagbibigay ng permiso sa mga sumusunod na Mga Makina ng Panloob na Pagniningas:
Bilang karagdagan, may mga karagdagang tagubilin para sa Pagkuha ng isang Pemiso upang Magpatakbo ng Makina ng Panloob na Pagniningas.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa pagbibigay ng permiso ng mga makinang diesel.
Pamamaraan: Pagpapahintulot ng Pagkalawa ng Pagkalibre ng mga Makina - 7/1/2009
Patakaran: Factor sa Emisyon ng CARB para sa Makinang Diesel - Percent HC na may Kaugnayan sa NMHC + NOx - 2/28/2008
Sa pangkalahatan, ang mga nakapirming pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin ay nangangailangan ng permiso mula sa Distrito. Bago ang pag-instala o pagbabago ng isang pinanggagalingan ng mga emisyon, ang may-ari/tagapagpatakbo ay inaatasang magsumite ng isang aplikasyon para sa permiso at tumanggap ng pag-aproba ng Distrito. Ang Distrito ay nag-aaproba ng mga permiso sa isang dalawang-hakbang na proseso. Ang unang hakbang ay ang Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C)), na siyang permiso ng Distrito para sa may-ari/tagapagpatakbo upang mag-instala ng kagamitang inaprobahan sa aplikasyon para sa permiso. Bago simulan ang isang pinanggagalingan, ang may-ari/tagapagpatakbo ay nagbibigay ng paunawa sa Distrito ng nalalapit na pagpapatakbo. Kung ang pinanggagalingan ay nainstala alinsunod sa A/C, ang Distrito ay mag-iisyu ng isang Permiso Upang Magpatakbo (Permit to Operate, P/O). Para sa mga pangkaraniwang pinanggagalingan, maaaring gawin ng Distrito na iisang hakbang ang proseso at mag-isyu ng P/O nang diretso, nang hindi muna mag-iisyu ng isang A/C.
May mga partikular na pinanggagalingan ng mga emisyon na di-saklaw ng mga iniaatas para sa permiso ng Distrito. Ang mga pinanggagalingang ito ay nakalista sa mga Seksiyon 103 hanggang 128 ng Regulasyon 2, Tuntunin 1. Ang ilang pinanggagalingan ay di-saklaw dahil ang Distrito ay pinagbabawalan na mag-atas ng isang permiso ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California. Ang ibang mga pinanggagalingan ay di-saklaw dahil ang mga ito ay itinuturing ng Distrito na hindi mahalagang mga pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa mga pagkalibre sa permiso ng partikular na mga pinanggagalingan o mga pagpapatakbo.
Patakaran: Paglilinaw ng mga Pagkalibre sa Permiso batay sa Reg 2-1-103 - 2/28/2008
Patakaran: Seksiyon 2-1-119.1 Mga Pagkalibre sa Permiso at Mga Pagpapatakbo ng Pagpapahid na Ginamot ng Pulbos at Radyasyon - 2/28/2008
Ang mga fee sa aplikasyon para sa permiso at pagpapanibago ng bisa ng permiso ay sinisingil batay sa Regulasyon 3. Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa partikular na mga pinanggagalingan o kalagayan.
Ang Distrito ay nag-atas ng mga permiso para mga nakapirming pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin. Sa ilang kaso, ang mga indibidwal na piraso ng kagamitan ay maaaring igrupo at ipahintulot bilang nag-iisang pinanggagalingan. Ang mga Seksiyon 401.3 at 401.4 ng Regulasyon 2, Tuntunin 1 ay partikular na tumutukoy sa mga pinanggagalingan na maaaring igrupo. Ang ibang paggrupo ay ipinahihintulot ayon sa mga sumusunod na patakaran.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa paggrupo ng partikular na mga pinanggagalingan.
Paggrupo ng mga Tangke sa Pag-iimbak ng Resin at mga Pagpapatakbo ng Fiberglass - 10/3/2008
Pagbibigay ng Permiso sa mga mga Kalan ng Paggamot sa Pamahid ng Ibabaw - 10/3/2008
Paggrupo ng Pamahid, mga Paggpatakbo ng Pandikit o Paglilimbag patungo sa Nag-iisang Ipinahihintulot na Pinanggagalingan - 10/3/2008
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay binuo upang tugunan ang mga ispesipikong tanong/isyu na lumitaw sa nakaraan.
Patakaran: NSPS at Pagbibigay ng Permiso ng mga Bagong Tangke sa Pag-iimbak - 2/28/2008
Ang mga Awtoridad na Magtayo o mga Permiso Upang Magpatakbo ay maaaring sumailalim sa mga kondisyon ng permiso. Ang isang kondisyon ay maaaring magtaglay ng mga bahagi na naglilimita ng mga antas ng paggamit ng materyal, nagtatatag na ipinahihintulot na abot ng parametro ng pagpapatakbo, nag-aatas ng pagsubaybay sa mga emisyon o parametro, nag-aatas ng mga pagsusuri ng pagpapakita ng pagsunod, at/o nagtatatag ng mga iniaatas sa pagpapanatili ng rekord.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng patnubay para sa mga kondisyon ng permiso:
Patakaran: Nagrerekord ng Pagpapanatili para sa mga Kondisyon ng Permiso - 02/28/2008
Pagsubok na Pagsusuri - 10/31/06
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa pagbibigay ng mga permiso at pagpapanibago ng bisa ng mga ito.
Manwal ng mga Pamamaraan, Volume II, Engineering Mga Pamamaraan sa Pagbibigay ng Permiso sa Inhinyeriya, Bahagi 2 (Mga Permiso - Pangkalahatan) - 6/15/2005
Pamamaraan: Ang Proseso ng Pagpapanibago ng Bisa ng Permiso - 12/3/2007
Ang Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area ay bumubuo ng mga regulasyon upang pabutihin ang kalidad ng hangin at protektahan ang kalusugan at kapakanan ng mga residente ng Bay Area at ang kanilang kapaligiran.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa partikular na mga tuntunin at mga regulasyon ng Distrito.
Regulasyon 2 Tuntunin 1 - (tingnan ang seksyon ng Mga Pagkalibre)
Regulasyon 8 - Patakaran: Pagiging Angkop ng Regulasyon 8 Tuntunin 2/28/2008
Ang Titulo V ay isa sa ilang programang ipinahihintulot ng Kongreso ng U.S. sa Mga Susog ng 1990 sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin (Clean Air Act, CAA). Ang hangarin ng programa ay upang:
Ang programang Titulo V ay nag-aatas sa mga lokal at pang-estadong ahensiya ng hangin na mag-isyu ng komprehensibong mga permiso sa pagpapatakbo sa mga pasilidad na naglalabas ng maraming pamparumi sa hangin. Para sa lahat ng nagpapatupad na ahensiya sa bansa, may mga pangkaraniwang iniaatas para sa mga programa sa permiso at nilalaman ng permiso.
Ang mga permiso sa pagpapatakbo ng Titulo V ay iba sa ibang inisyu ng Distrito na mga permiso sa pagpapatakbo dahil ang mga ito ay malinaw na nagsasama ng mga iniaatas sa lahat ng regulasyon na pinaiiral sa mga pagpapatakbo sa Titulo V na mga pasilidad.
Anumang pasilidad na sumasailalim sa Titulo V dahil ang posibleng mga emisyon nito ay humihigit sa mga antas ng trigger sa programa ng Distrito, pero may tunay na taunang mga emisyon na laging mas mababa kaysa mga antas na iyon, ay maaaring pumiling lumabas sa Titulo V sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na dalawang paraan:
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa pagproseso ng mga permiso ng Titulo V at Synthetic Minor.
Regulasyon 2, Tuntunin 5 ay pumalit sa mga patnubay sa Pamamahala ng Panganib ng Distrito noong ika-1 ng Hulyo, 2005. Ang tuntuning ito ay nagkakaloob ng pagsusuri bago ang konstruksiyon para sa posibleng mga epekto mula sa bago at binagong mga pinanggagalingan ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin. Ang mga nakalalasong emisyon ay tinatantiyang para sa lahat ng pinanggagalingan sa loob ng isang iminumungkahing proyekto; kung ang mga emisyon mula sa isang iminumungkahing proyekto ay humihigit sa mga antas ng trigger sa Talahanayan 2-5-1, ang isang Pagsusuri ng Pag-iksamen ng Panganib sa kalusugan (Health Risk Screening Analysis, HRSA) ay kinakailangan upang malaman ang panganib sa proyekto at panganib mula sa bawat pinanggagalingan. Ang mga pamantayan sa panganib ay:
2-5-301 Iniaatas na Pinakamahusay na Makukuhang Teknolohiya sa Pagkontrol ng mga Nakakalason (Best Available Control Technology for Toxics, TBACT) Requirement:
Ang aplikante ay dapat mag-aplay para sa TBACT sa anumang bago o binagong pinanggagalingan ng mga TAC kung saan ang panganib ng pinanggagalingan ay isang panganib sa kanser na mas mataas kaysa 1.0 sa isang milyon (10 E-6), at/o isang tuloy-tuloy na indise ng panganib na mas mataas kaysa 0.20.
2-5-302 Iniaatas na Kaugnay ng Panganib sa Proyekto:
Ang APCO ay dapat magkait ng Awtoridad na Magtayo o Permiso Upang Magpatakbo para sa anumang bago o binagong pinanggagalingan ng mga TAC kung ang panganib sa proyekto ay humihigit sa alinman ng mga sumusunod na mga limitasyon sa panganib ng proyekto:
302.1 Ang isang panganib sa kanser na 10.0 sa isang milyon (10 E-6).
302.2 Isang indise ng tuloy-tuloy na panganib na 1.0.
302.3 Isang indise ng matinding panganib na 1.0.
Ang mga sumusunod na patakaran at pamamaraan ay nagkakaloob ng paglilinaw para sa mga pagsusuri at pagtaya ng mga partikular na nakakalason.
Manwal ng mga Pamamaraan, Vol. II, Mga Pamamaraan ng Pagbibigay ng Permiso sa Inhinyeriya, Bahagi 4 (Bago at Binagong mga Pinanggagalingan ng Nakalalasong Nagkokontamina sa Hangin) - 06/06/2005
Ulat ng mga Tauhan, Apendise D, Iminumungkahing Pagsusuri ng Panganib sa Kalusugan ng Programang NSR ng mga Nakakalason sa Hangin ng BAAQMD - 06/06/2005
Patnubay para sa Pagkuwenta ng Pinakamataas na Orasang mga Antas ng Emisyon ng Nakalalasong Nagkokontamina sa Hangin - 06/16/2005
Pinag-isang Listahan ng TAC para sa Pampublikong Paunawa, mga Paaralan - 06/11/2007
Last Updated: 8/3/2023