Pagpaparumi sa Hangin at Kalusugan ng Komunidad

Alamin ang tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng publiko ng pagpaparumi sa hangin.

Ipinakita ng mga siyentipikong pananaliksik ang negatibong epekto sa kalusugan ng pagpaparumi sa hangin. Inugnay ang pagpaparumi sa hangin sa sakit o pinsala sa mga baga sa anyo ng hika, bronchitis, at emphysema. Mayroon ding dumaraming ebidensiya na nag-aambag ang pagpaparumi sa hangin sa mga atake sa puso at stroke, diyabetis at dementia.

Ang kaugnayan sa pagitan ng pagpaparumi sa hangin at kalusugan ng publiko ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng:

Mga Emisyon - Mga Konsentrasyon - Pagkakalantad - Dosis - Mga Epekto sa Kalusugan

Mga Emisyon

Sa Bay Area, maraming iba't ibang pinagmumulan ang naglalabas ng malawak na sari-saring nagpaparumi sa hangin, tulad ng particulate matter, mga nakakalasong nagkokontamina sa hangin, at iba pang mga kemikal na may reaksyon sa atmospera upang bumuo ng ozone. Kabilang sa mga emisyon ang mga nakapirming pinagmumulan tulad ng mga pabrika, dalisayan, mga paggawaan ng bakal at mga istasyon ng gas, at mga gumagalaw na pinagmumulan tulad ng mga sasakyan, truck, tren, sasakyang-dagat at mga kagamitan sa bukod at konstruksiyon.

Ang pagtukoy sa mga pinagmumulan ng emisyon at pagbuo ng mga estratehiya upang bawasan ang mga emisyon ng mapanganib na mga nagpaparumi, o ang kanilang mga pinagmulan, ay ang unang hakbang sa pagbuo ng mga hakbang upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin at pagandahin ang kalidad ng hangin. Bumubuo ang Distrito ng Hangin ng mga imbentaryo ng mga emisyon upang kilalanin at sukatin ang dami ng mga emisyon ng mga pangunahing nagpaparumi.

Mga Konsentrasyon

Ang mga ambient na konsentrasyon ay tumutukoy sa lebel ng mga nagpaparumi na nasusukat sa hangin. Ang kaugnayan sa pagitan ng mga emisyon at mga ambient na konsentrasyon ay masalimuot at depende sa maraming dahilan, kabilang ang mga meteorolohikal na mga kundisyon (temperatura, bilis at direksyon ng hangin, at patayong paghahalo), ang ratio ng mga nagpaparumi (halimbawa, ang ratio ng may reaksyong organikong gas (reactive organic gas, ROG) sa mga oxide ng nitrogen (oxides of nitrogen, NOx, sa kaso ng ozone), at topograpiya.

Ang ilang nagpaparumi tulad ng ozone ay masasasukat sa rehiyon. Sa kaso ng particulate matter at mga nakakalasong nagkokontamina sa hangin, gayunpaman, ang mga ambient na konsentrasyon ay maaaring mag-iba nang malaki sa maliit na heograpikong lugar.

Ginagamit ng Distrito ng Hangin ang network ng pagsubaybay nito sa nakapaligid na hangin upang masukat ang mga konsentrasyon ng nagpaparumi sa hangin at nagsasagawa ito ng photokemikal na pagmomodelo upang mas maunawaang mabuti ang kaugnayan sa pagitan ng mga emisyon at ng mga ambient na konsentrasyon.

Pagkakalantad

Tumutukoy ang pagkakalantad sa dami ng polusyon na nalantad ang partikular na indibiduwal o komunidad, at ang dalas at tagal ng pagkakalantad na iyon.

Mula sa pananaw ng kalusugan ng publiko, ang pangunahing isyu ay hindi kung gaano karaming polusyon ang mayroon sa hangin, ngunit sa halip kung ilang tao ang nalantad sa polusyon. Nag-iiba-iba nang malaki ang pagkakalantad ng indibiduwal sa pagpaparumi sa hangin depende sa kung saan nakatira, nagtatrabaho at naglalaro ang mga tao. Ang kabuuang pagkakalantad sa polusyon ay mas malaki sa mga lungsod na lugar dahil sa mas mataas na dami ng populasyon.

Dosis

Ang dosis ay tumutukoy sa aktwal na dami ng polusyon na nakukuha ng indibiduwal sa katawan nito. Ang dosis mula sa partikular na antas ng pagkakalantad ay mag-iiba sa bawat indibiduwal depende sa edad, aktibidad at bilis ng metabolismo.

Halimbawa, kapag nag-eehersisyo ang mga tao, lalo na ang mga bata, nakakatanggap sila ng mas mataas na mga dosis mula sa partikular na dami ng pagkakalantad dahil humihinga sila nang mas malalim at mas mabilis. Nag-iiba-iba nang malaki sa bawat tao ang mga pattern ng aktibidad at pamumuhay, tulad ng kung gaano katagal nasa labas ang mga tao, o kung gaano katagal ang inilalaan nilang oras sa pagmamaneho sa mga abalang kalsada. 

Mga Epekto sa Kalusugan

Ang pagpaparumi sa hangin ay maaaring magdulot o mag-ambag sa malawak na hanay ng mga epekto sa kalusugan at mga sakit, depende sa pagkakalantad ng indibiduwal at makayanan sa pagpaparumi sa hangin. Gaya ng pagkakaiba ng pagkakalantad ng indibiduwal, gayundin ang kakayahan ng ating mga katawan na makayanan ang pagkakalantad sa mga nagpaparumi.

Mas nababahala ang Distrito ng Hangin sa pagbawas ng pagkakalantad ng populasyon para sa mga taong pinakamahina sa pagpaparumi sa hangin, tulad ng mga bata, mga buntis na babae, matatanda at mga taong mayroon nang mga umiiral na kundisyon sa puso o paghinga.

Higit ding mahina ang mga komunidad na mababa ang kita at pangunahing minoryang mga komunidad sa mga epekto ng pagpaparumi sa hangin, dahil sa limitadong access sa pangangalagang pangkalusugan, mga panlipunan, pang-ekonomiko at pangkapaligirang stressor, na nagdaragdag sa mga kahinaan ng kalusugan.

docked-alert-title

Last Updated: 4/17/2020