Tungkol sa Distrito ng Hangin

Sa Iyong Komunidad

Alamin ang tungkol sa mga aktibidad ng Distrito ng Hangin sa iyong komunidad, tingnan ang mga interaktibong mapa ng mga pinahihintulutang pasilidad at kasalukuyang kalidad ng hangin at pag-aralan ang lokal na pakikipag-ugnayan at mga programa sa pagtaya ng Panganib sa Kalusugan.

Sa inyong County

Alamin ang tungkol sa Kalidad ng Hangin at mga aktibidad ng Distrito ng Hangin sa pagpapalahok sa komunidad sa inyong county:

Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (Community Air Risk Evaluation, CARE)

Sa kabila ng maraming nagawa sa pagbawas ng pagpaparumi sa hangin, ang ilang komunidad sa Bay Area ay nakakaranas pa rin ng mas mataas na mga antas ng pagpaparumi at mga epekto sa kalusugan, kumpara sa ibang mga bahagi ng Bay Area. Ang programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE) ay kumakatawan sa isang mahalagang hakbang patungo sa pagbawas ng mga pagkakaiba sa kalusugan sa mga komunidad sa Bay Area na nakaugnay sa kalidad ng hangin. Ang mga Hangarin ng Programang CARE ay upang:

  • Tukuyin ang mga lugar sa loob ng Bay Area kung saan ang pagpaparumi sa hangin ay unang-unang nagdaragdag sa mga epekto sa kalusugan at kung saan ang mga populasyon ay pinakamadaling maapektuhan ng pagpaparumi sa hangin.
  • Gumamit ng angkop na agham upang magdisenyo at magpokus ng mabibisang hakbang na pagpapagaan sa mga lugar na may pinakamataas na mga epekto; at
  • Palahukin ang mga komunidad at ibang mga apektado (lokal na industriya, mga ahensiya ng gobyerno, atbp.) sa programa upang gumawa ng mga pagpapagaan na lumalampas sa magagawa ng Distrito ng Hangin.

Ibang mga Aktibidad sa Pagpapalahok sa Komunidad

Ang Distrito ng Hangin ay aktibong nagtataguyod ng mga lokal na aktibidad na pagpapalahok tulad ng mga inilarawan sa ibaba:

Edukasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Kabataan

Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa lokal na mga programa sa pagpapalahok, magtakda ng isang tagapagsalita para sa iyong paaralan, o i-download ang aming libreng kurikulum sa pagbabago ng klima.

David Ralston
Tagapamahala ng Paglahok ng Komunidad, Pagpaplano, mga Tuntunin at Pananaliksik

415.749.8423 dralston@baaqmd.gov

Kristina Chu
Opisyal sa Pampublikong Impormasyon II , Community Engagement and Policy

415.749.4758 kchu@baaqmd.gov

Sonam Shah-Paul
Opisyal sa Pampublikong Impormasyon, Tagapagpaganap na Opisina

415.749.5089 sshah@baaqmd.gov

docked-alert-title

Last Updated: 5/21/2024