Tungkol sa Distrito ng Hangin

Contra Costa County

Kumuha ng kaalaman tungkol sa Contra Costa County - ang klima, potensiyal ng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin nito. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa Contra Costa County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.

Ang Contra Costa County ay matatagpuan sa silangan ng San Pablo Bay, nahahanggahan ng Alameda County sa timog, San Joaquin County sa silangan, at mga county ng Solano at Sacramento sa hilaga. Apat na kinatawan ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Pinakabagong Balita
Other News Articles

Klima

Ang mga temperatura sa at sa paligid ng San Ramon at Diablo Valley ay mainit sa tag-init at malamig sa taglamig, unang-unang dahil sa distansiya ng mga ito mula sa nagpapakalmang epekto ng mga katawan ng tubig at dahil ang California Coast Range ay humaharang sa daloy ng hangin sa dagat patungo sa mga valley. Ang rehiyon ng Carquinez Strait ay namamalaging katamtaman dahil sa kalapitan nito sa tubig at mga daloy ng hangin sa karagatan. Sa taglamig, ang pangkaraniwang temperatura sa araw-araw ay banayad, na may tule fog na pangkaraniwan sa gabi. Ang pangkaraniwang temperatura sa tag-init ay karaniwang banayad sa magdamag at mainit sa araw, na may mas malamig na mga temperatura at mas malakas na mga hangin na mas karaniwan sa kahabaan ng kanlurang baybay-dagat. Ang mga tulin ng hangin ay pangkaraniwang mababa sa buong rehiyon at ang mga hangin ay pangkaraniwang humihihip mula sa hilagang-kanluran patungo sa timog-kanluran. Gayunman, ang malalakas na hihip sa hapon ay karaniwan sa hilagang bahagi ng county sa paligid ng Carquinez Strait. Ang taunang patak ng ulan ay pangkaraniwang nasa pagitan ng 18 at 23 pulgada sa buong county.

Ang klima ng Sonoma County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area

Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin

Kalidad ng Hangin sa Contra Costa County

Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.

Ang ozone at PM2.5 ay madalang na humihigit sa mga pamantayan sa kalusugan sa bahagi ng Contra Costa County sa kanluran ng mga burol ng East Bay. Ang San Francisco Bay ay nagpapanatili ng mga temperatura ng hangin na mas mataas sa nakakapagyelo sa taglamig at mas mababa sa 100 digri kahit sa pinakamainit na mga araw ng tag-init. 

Sa silangang Contra Costa County, ang mga temperatura sa hapon ng tag-init ay madalas na umaabot sa tripleng numero, nagtutulak sa mga antas ng ozone upang humigit sa mga pamantayan ng kalusugan. Sa taglamig, ang PM2.5 ay maaaring ihatid pakanluran sa pamamagitan ng Carquinez Strait mula sa Central Valley kung saan ito ay nagdaragdag sa usok ng kahoy, nagiging dahilan upang mahigitan ang mga pamantayan sa kalusugan.

Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Pangkat ng Tagatulong

Ang Pangkat ng Tagatulong sa Iligtas ang Hangin ng Sonoma County ay nagtataguyod ng iba't ibang mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.

docked-alert-title

Huling Isinapanahon: 11/8/2016