Tungkol sa Distrito ng Hangin

San Mateo County

Kumuha ng kaalaman tungkol sa San Mateo County - ang klima, potensiyal ng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin nito. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa San Mateo County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.

Pinakabagong Balita

Ang San Mateo County ay matatagpuan sa gitna ng San Francisco Peninsula, timog ng San Francisco County, at hilaga ng mga county ng Santa Clara at Santa Cruz. Ito ay nahahanggahan ng Karagatan ng Pasipiko sa kanluran at San Francisco Bay sa silangan. Dalawang kinatawan ng San Mateo County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Klima

Ang malamig, maraming fog na panahon ay namamayani sa kahabaan ng kanlurang baybay-dagat ng peninsula, partikular sa panahon ng tag-init. Ang pangkaraniwang mga temperatura bawat araw sa panahon ng tag-init ay kainaman sa kahabaan ng kanlurang baybay-dagat at mainit sa silangang bahagi ng county. Sa taglamig, ang pangkaraniwang mga temperatura bawat araw sa buong county ay mula sa banayad hanggang sa kainaman. Ang mga hangin ay banayad, na may pinakamataas na tulin ng hangin na nakapokus sa kahabaan ng kanlurang baybay-dagat. Ang patak ng ulan ay pangkaraniwang mga 20 hanggang 25 kada taon sa mas mababang mga elebasyon at hanggang 36 na pulgada sa Santa Cruz Mountains.

Ang klima ng San Mateo County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area

Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin

Kalidad ng Hangin sa San Mateo County

Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.

Sa San Mateo County, ang ozone ay halos hindi humihigit sa mga pamantayan sa kalusugan at ang PM2.5 ay humihigit lamang sa pambansang pamantayan minsan o mga isang araw bawat taon. Ang San Mateo County ay madalas na tumatanggap ng sariwang hangin ng dagat mula sa Karagatan ng Pasipiko, na dumaraan sa mga burol ng baybay-dagat. Sa taglamig, ang PM2.5 ay maaaring ihatid papasok sa San Mateo County mula sa ibang mga bahagi ng Bay Area, dumaragdag sa usok ng kahoy, na maaaring humantong sa mas mataas na elebasyon, pero ang mga ito ay bihirang humigit sa mga pamantayan sa kalusugan.

Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Pangkat ng Tagatulong

Ang Spare the Air Resource Team ng San Mateo County ay nagtataguyod ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.

docked-alert-title

Huling Isinapanahon: 11/8/2016