Tungkol sa Distrito ng Hangin

Solano County

Kumuha ng kaalaman tungkol sa Solano County - ang klima, posibleng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa Solano County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.

Pinakabagong Balita

Ang Solano County ay nahahanggahan ng mga county ng Napa at Yolo sa hilaga, Sacramento County sa silangan, at San Pablo Bay sa timog. Ang Distrito ng Hangin ay may hurisdiksiyon lamang sa timog-hilagang bahagi ng county, na kabilang ang Vallejo at Fairfield. Ang isang kinatawan ng Solano County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Klima

Sa mga buwan ng taglamig at taglagas, ang mataas na pressure sa katihan, kasama ng thermal low pressure sa Central Valley, ay humihila sa hangin ng dagat na pasilangan sa Carquinez Strait halos araw-araw. Ang mga temperatura sa kahabaan ng baybay-dagat at kalupaan ay malamang na manatiling kainaman. Ang karaniwang mga temperatura sa taglamig ay mula sa malamig sa magdamag hanggang sa kainaman sa araw, habang mga temperatura sa tag-init ay mula sa kainaman sa magdamag hanggang sa mainit sa araw. Ang pakanlurang mga hangin sa hapon ay pangkaraniwan sa timog na bahagi ng county, sa kahabaan ng Carquinez Strait. Ang mga taunang patak ng ulan ay umaabot ng mula sa 13 pulgada malapit sa baybay-dagat hanggang sa 22 pulgada sa loob ng kalupaan sa Fairfield.

Ang klima ng Solano County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area

Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin

Kalidad ng Hangin sa Solano County

Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.

Sa tag-init, karamihan ng Solano County ay nahahantad sa namamayaning pakanlurang mga hangin sa Carquinez Strait, na naghahalo at nagbabawas sa mga antas ng ozone sa paghatak ng mas malamig, hangin ng dagat mula sa Karagatan ng Pasipiko at San Pablo Bay pasilangan.  Gayunman, kapag ang daloy ng dagat ay mahina o wala, ang mga antas ng ozone ay maaaring humigit sa mga pamantayan sa kalusugan sa ilang araw bawat taon, unang-una sa silangan ng Suisun City.

Sa Solano County, ang mga konsentrasyon ng PM2.5 ay maaaring magkaroon ng sapat na pagtaas upang humigit sa mga pamantayan sa kalusugan sa panahon ng taglamig kapag ang pagpaparumi ng hangin ay inihahatid mula sa Central Valley dahil sa namamayaning pasilangang mga hangin. Ang mga lokal na pagsunod ng kahoy sa mga tirahan ay maaari ring magdulot ng mas mataas na mga antas ng particulate sa malamig, kalmadong mga gabi sa panahon ng taglamig.

Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Pangkat ng Tagatulong

Ang Spare the Air Resource Team ng Solano County ay nagtataguyod ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.

docked-alert-title

Huling Isinapanahon: 11/8/2016